MARAMI namang magagawa sa hotel si Aria. Malaki ang hotel at pwede siyang mag-ikot-ikot. Hindi naman iyon ipinagbawal sa kanya ni Camillo. Halos lahat ng tao na nasa hotel ay magkakakilala at alam niyang intensiyon iyon ng naturang hotel para sa illegal na gawain ng grupo. Oo at bilanggo siya ni Camillo pero sa oras na makawala siya rito ay pagbabayarin niya ang lalaki. Sa hotel na ito ginagawa ang lahat ng transaksiyon lalo na sa rooftop kung saan pumapatay si Camillo. Nang makita niyang nagmamakaawa ang pinatay ni Camillo ay lalo lamang siyang namuhi sa lalaki. Wala itong puso. Walang awa. Camillo is not like other people because, despite his attractive appearance, he hides something evil inside. Lahat ng kailangan mo ay nasa hotel at hindi mo na kailangan pang lumabas. Shopping sto

