TINUPAD nga ni Camillo ang pangako nito sa kanya at pinahatid siya sa kanila. Sa bahay nila nakaburol ang Papa Luis. Maraming tao nang dumating siya na halos ay nagmumukhaan niya. Ang iba ay mga kapitbahay lamang nila. Nagulat pa ang mga ito nang bumaba siya ng sasakyan. Takang-taka ang mga mukha lalo na at Ibang-iba na ang kanyang itsura at pananamit. "Ate!" sigaw ni Agatha nang makita siya... Mabilis itong tumakbo at niyakap siya. Napaiyak siyang niyakap ang kapatid. Mayat-maya pa ay sumunod si Agnes at nagyakapan silang tatlo. "Ang ganda-ganda mo ate," ani Agnes nang mapagmasdan siya. "Hindi ko nga nakilala kanina. Akala ko ay artista," wika naman ni Agatha kaya natawa siya. "Ganun na ba talaga ang ipinagbago niya?" "Ikaw na ba 'yan, Aria?" tanong sa kanya ng isa sa mga kapitabaha

