CHAPTER NINE

1961 Words
LAHAT nang nakikita niyang bagay at kailangan ni Aria ay binibili niya. Nasa Mall silang dalawa at nakasunod lamang sa kanila si Agapito. He even smiled when they got to the nightgown section. Mabuti na lang at nasa likuran niya si Aria kung kaya hindi nito nakita ang pagkislap ng kanyang mga mata. Kinuha niya ang manipis na nighties. "It seems to fit you," wika niya sa babae na bahagyang isinukat iyon kay Aria. “I'm sure it makes you look even hotter,” dagdag niya pa. Hindi pinansin ni Aria ang kanyang sinabi pero ikinuha niya pa rin ito nang ilang pares ng nighties. Maging swimsuit ay ipinamili niya rin ang babae. Tuturuan niyang tanggapin ni Aria ang buhay na kasama siya. Kung minsan ay natutulala na lamang siya sa kanyang mga ginagawa dahil pagdating sa babae ay nagiging mapadalos-dalos ang kanyang mga desisyon. “Are you going to buy anything else?” tanong niya rito. “Nabili mo na yata lahat,” sagot pa nito kaya tumango siya. Fit the clothes we bought first, and I'll just get something. Agapito will take care of you first,” wika niya pa dahil may balak siyang bilhin. Sandali niyang ibinilin kay Agapito ang babae. “Hi Sir!” bati sa kanya ng mga empleyado nang naturang mall. Nagkukumpulan pa ang mga ito. Kilig na kilig sa kanya kaya naman asikasong-asikaso sila. Alam niyang naririnig iyon ni Aria pero deadma lamang ito. Wala itong pakialam kahit na magkandarapa pa sa kanya ang mga babae. “Hi!” sagot niyang ngumiti ng matamis. Natawa pa siya nang magsigawan ang mga ito sa labis na kilig. Napailing na lamang siya. Nahiling niya bigla na sana ganoon din sa kanya si Aria. Hindi niya kailangan takutin para lamang sumunod. Pagkatapos nilang mamili ay dumaan sila sa kumpanya na kanyang pinagtratrabahuan. Alam niyang nagtataka si Aria lalo at lahat ng mga empleyado ay binabati siya. “Dito ako nagtratrabaho at kung gusto mong tanungin kung legal ba ito, oo. Legal na legal. CEO ako ng kumpanyang ito at hindi nila alam na isa akong mafia,” bulong niya pa kay Aria. Kapag sasakay siya ng elevator ay walang gustong sumabay sa kanya na mga empleyado maliban kay Agapito. “Hindi ako ang mag-ari nang kumpanyang ito kundi ang nagpaaral sa akin na na si Rafael Saavedra,” wika niya pa sa babae. Wala naman itong tinatanong sa kanya pero panay ang paliwanag niya. Napapanis na kasi ang laway niya dahil sa katahimikan. Dinala niya sa office niya si Aria. “Sige na, Agapito. Asikasuhin mo na ang trabaho mo,” pagtataboy niya sa kasa-kasama. Tumango naman si Agapito at iniwan silang dalawa. Si Aria ay tahimik lang na nakaupo sa sofa. Samantalang siya ay nakaupo sa kanyang office chair. “Gusto mo bang magtrabaho rito? Pwedeng ikaw ang mag-entertatain sa mga kliyente kapag tumawag sila pero gagawin mo lang yun kapag kasama kita rito. Ang gusto ko lang naman ay may magawa ka at hindi mo maisip na ikinukulong kita,” pagbasag niya sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “Wala akong alam sa trabaho mo,” sagot ni Aria sa kanya. “Patuturuan kita. Sa tingin ko naman ay madali kang turuan,” wika niya pa sa babae. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nilapitan ito. Umupo siya sa tabi ni Aria at hinapit niya ito sa bewang pagkatapos ay hinalikan niya sa leeg. Napaigtad ito pero wala rin naman nagawa. May kinuha siya sa kanyang bulsa at isinuot iyon sa babae. Iyon ang binili niya kanina. A gold necklace with a letter pendant of her initials. “Para saan ito?” nagtatakang tanong ni Aria sa kanya. Hawak nito ang kwentas na ibinigay niya. “Para sa babaeng kasama ko ngayon,” sagot niya. “Hindi mo ito kailangan gawin.” “At bakit naman hindi? Ibibigay ko sayo kung ano gusto ko.” “Baka kasi mamaya idagdag mo yan sa mga ginastos mo sa akin. May pagkakataon pa naman ako na bawiin ang sarili ko sayo hindi ba? Kapag nabayaran kita?” tanong pa ni Aria kaya naningkit ang kanyang mga mata. “Kahit pa bayaran mo ako kung hindi kita gustong pakawalan ay wala kang magagawa,” galit niyang sagot. “At sinumang lalaking lalapit sayo ay papatayin ko. Naiintindihan mo ba? Wala pang nakakawala sa organisasyon at kasama ka dun. Ilang beses ko bang dapat na sabihin sayo na wala ka ng kawala pa? Oras na dalhin ang tao sa akin ay hindi na makakalabas pa ng buhay,” madiin ang boses na wika niya rito. “Hindi ito ang buhay na pinangarap,” umiiyak na naman nitong sagot. “Kaya nga binabago ko, Aria. Binibigyan kita ng pagkakataon para baguhin pero pinipilit mo sa akin ang gusto mo!” sigaw niya na rito. Napatayo siya dahil sa galit. Mabuti na lamang at hindi naririnig sa labas kung sakali man na sumigaw siya sa galit. “Mahirap ba talagang intindihan na pag-aari na kita? Hindi mo na pwede pang gawin ang gusto mo. Now! Tell me, gusto mong hayaan na lamang kita sa club ko? Mamili ka!” sigaw niya pa kaya nanginig ito. “Gusto ko lang na intindihin mo ako. Maraming mga babae ang nagkakandarapa na mapansin ko. Ang maging priority sila pero ikaw? Anong ginagawa mo? Fine! Ibibigay ko sayo ang gusto mo! Ibabaliw kita kay, Omar,” sigaw niyang bumalik sa kanyang upuan at hindi ito pinansin. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng kanyang dugo sa ulo dahil sa galit. Pakiramdam niya ay nagmamakaawa siyang sundin nito. Hanggang sa natapos ang office hour ay hindi niya pinansin si Aria. Galit siya rito at gusto niyang maramdaman iyon ng babae. **************************** ALAM ni Aria na iba kung magalit si Camillo kung kaya ganun na lamang ang kanyang takot. Kanina pa siya nito hindi kinikibo at ayaw niya ang pakiramdam na yun. Bigla siyang kinabahan sa sinabi nitong ibabalik siya kay Omar. Ang pagpiyestahan ng mga tao ang kanyang katawan. Hanggang sa makarating sila ng hotel ay hindi siya nito pinapansin. Si Agapito lamang ang kanyang kasama. “Gagawin niya kaya na ibalik ako kay Omar?” tanong niya kay Agapito na nag-aalala. Kahit paano ay nakakausap niya ito pero alam niyang kay Camillo ito loyal. Inaayos nito ang study table ni Camillo na bagong dating. “Kapag sinabi niya ay ginagawa niya. Ang swerte mo kay Don dahil sa lahat ng babae rito ay sayo niya lang ginagawa ang lahat ng ito. Madalas ay panandilang aliw lamang ang ugnayan niya sa mga babae pero iba sayo dahil inuwi ka niya. Hindi mo magugustuhan kapag nagalit si Don, Aria, kaya kung ako sayo ay sumunod ka na lang sa lahat ng gusto niya at sigurado ako na hindi ka mahihirapan. Kapag nakapasok ka sa lugar na ito ay wala kang takas,” wika pa ni Agapito sa kanya. “Paano ko naman kasi matatanggap ang buhay ko na ito, Agapito? Naging alipin ako pagkatapos ibinenta ng stepfather ko. Matutuwa ba ako na ginagalaw ako ni Camillo kahit pa ayaw ko?” tanong niya pa. “Kaysa naman galawin ka ng kung sino-sino sa club. Mas gugustuhin mo ba yun?” Hindi niya magawang sagot kay Agapito. “Ang gusto ko ay umalis sa lugar na ito.” “At pagkatapos ay babalik ka sa inyo at pagkatapos ay ibebenta ka ulit ng amain mo. Paano kung hindi ka sinalo ni Don? Ano na ang pinagkaiba mo sa mga babae sa club?” “Itakas mo kaya ako, Agapito. Sige na, maawa ka na,” pakiusap niya sa kaharap kaya nanlaki ang mata nito. “Hindi pa ako nasisiraan ng bait at lalong ayokong mamatay. Malaki ang kinikita ko rito at hindi ko yun sisirain dahil sayo. May pamilya ako, Aria. Gusto ko lang sabihin sayo na walang sinuman ang pwedeng bumangga kay Don,” wika pa ni Agapito sa kanya. “Magligpit ka na ng mga gamit mo at dadalhin na kita kay Omar.” “Ayoko!” tutol niya. “Yun ang utos ni Don sa akin.” “I will talk to him. Hindi ako aalis dito,” sagot niya. “Ayokong bumalik kay Omar,” tanggi niya pa. “Bawas-bawasan mo ang katigasan ng ulo mo, Aria dahil yan ang ikakapahamak mo,” babala pa nito. “Dalhin mo ako kay Camillo ngayon. Kakausapin ko siya.” Walang nagawa si Agapito dahil sa kanyang pagpipilit. Sa loob ng elevator ay pinindot nito ang 13th floor. “Kapag ako pinagalitan ikaw ang ituturo ko. Ipapahamak mo pa ako,” wika pa sa kanya ni Agapito pero hindi niya ito pinansin. “Ewan ko na lang kung papakinggan ka pa ni Don.” “Makikinig siya,” sagot niyang umaasa. Paglabas nila ng elevator ay may pinuntahan silang hotel room. Napansin niya ang apat na bodyguard ni Camillo na nasa labas ng pinto. Para itong mga asong nakabantay. “Si Don?” tanong ni Agapito. “Nasa loob. Bawal istorbohin,” sagot kay Agapito kaya napatingin sa kanya ang lalaki. “Bawal daw,” wika pa nito sa kanya na akala mo naman ay hindi niya narinig. Hindi niya pinansin ito at sunod-sunod siyang kumatok sa pinto. “Ano ba!” sigaw sa kanya ng isa sa mga tauhan ni Camillo. “Hindi ka ba talaga nakakaintindi?” tanong pa nitong hawak ang kanyang kamay. Sasagot pa sana siya nang bumukas ang babaeng naka-robe lamang. “Yes?” tanong sa kanya. Napatitig siya sa magandang kaharap pero hindi siya rito interesado. Itinulak niya ito at pumasok ng kwarto. Nadatnan niyang nakahiga si Camillo sa kama. Hubot hubad at bagong gising. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang mga mata. “What are you doing here?” bulalas nito. Hindi nito inaasahan ang pagsulpot niya. “Sinusundo ka,” sagot niyang nakatakip ang mukha. “Maiwan mo na muna kami Sofie and close the door,” pagtataboy nito sa babaeng kaulayaw. Tiningnan siya ni Sofie ng masama bago ito umalis nang nakarobe. “What’s your problem, woman?” angil ni Camillo sa kanya. Sa wakas ay tinakpan nito ang sariling katawan. Nakaupo ito sa kama. “Susunod na ako sayo. Hindi na ako kokontra, ‘wag mo lang akong ibalik kay Omar. Gagawin ko lahat ng gusto mo, Camillo.” “At paano ka naman nakakasiguro na gusto pa kitang makasama?” tanong sa kanya ng lalaki. Pikit matang naghubad siya sa harapan ng lalaki na ikinagulat nito. Nilakasan niya lamang ang kanyang loob upang hindi siya nito ibalik kay Omar. “Gaya ng sabi ko, gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Kaya rin kitang paligayahin, Camillo,” wika niya pang ang lakas ng t***k ng puso. Natigilan na lamang si Camillo. Titig na titig ito sa kanyang hubad na katawan. Tama si Agapito. Mapapadali ang kanyang buhay kapag sumunod na lamang siya kay Camillo. Alam niyang darating ang araw na makakawala rin siya sa mga kamay nito at sa lugar na ito. Tumayo si Camillo at bigla siyang itunulak sa kama. Nabigla pa siya sa ginawa nito pero pinaghandaan niya na ang gagawin sa kanya ng lalaki at kahit pa ang angkinin siya nito ay hindi na siya tututol. “Wait for me, woman!” matigas ang boses na wika sa kanya ng lalaki bago siya nito iniwan at pumasok ng banyo. Napahilamos na lamang siya sa kanyang mukha. Handa na ba talaga siyang ialay ang sarili sa lalaki? Mas pipiliin niyang si Camillo ang maging una niya kaysa sa mga lalaking karumaldumal ang mga pagmumukha. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso habang hinihintay ang lalaki. Napahawak na lamang siya sa kanyang suot na kwentas. Nakapagpasya na siya. Ang gawin ang lahat para manatili siya sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD