HINDI na nagsayang pa ng oras si Camillo. Kaagad nilang pinuntahan si Edwin Chua. Hindi niya pwedeng palagpasin ang ginawa nitong kalapastangan sa mismong teritoryo niya pa. Suot ang mga bonnet ay pinasok nila ang bahay ng mga Chua. Ang bawat humarang sa kanila ay hindi nila pinapalampas. Walang awang pinatay nila ang mga tauhan ni Edwin. "Edwin!" sigaw niya. Hinalughog nila ang malaking bahay ng mga mga ito pero bigo silang makita ang lalaki. Maging ang asawa at anak ay hindi rin nila nakita. "Don!" sigaw ni Agapito kaya mabilis siyang tumalima upang puntahan ito. Napangiti siya nang makitang nasa bubong si Edwin at maingat na tumatawid papunta sa kabilang bahay. Tinalo pa nito ang tumutulay sa alambre. Akala siguro nito ay kamag-anak nito si spider man. Inabot sa kanya ni Agapito ang

