Help

1636 Words
Dahil sa sunod-sunod na pagka-busy ko nitong mga nakaraan ay hindi na ako natuloy pumunta sa Bohol. At instead na masayang ito ay binigay ko na lang sa isang crew namin kinasal as honeymoon gift para sa kanila. Sobrang happy pa nga nila dahil hindi nila inaasahan ito. Hindi ko na rin kasi nagawang maki-join sa kanila dahil sa sobrang hectic ng schedule ko. At simula rin ng naging engkwentro namin ni Theo ay hindi na ulit siya nagparamdam pa, hindi niya ginawa ang kanyang banta sa akin. May one time na tumawag si Ms. Jacel sa akin just to inform na hindi na siya nakipag-ayos pa kay Theo dahil na rin sa daming babae na lumantad after ng confrontation naming tatlo. Nag-thank you rin siya sa pagiging honest ko. At pag-save ko sa kanya sa katulad ni Theo. Well, dapat lang naman na iwan niya ang ganong uri ng lalaki, if she didn't want any trouble kapag nagsama na sila. Mas mahirap. Anyway, I don't care sa kanila. The most important is labas ako sa problema nila and I'm busy with my own life. Ang dami kong ganap lalo na at nasa kabilang shop na sina Hailey at Mel at ako ang naiwan ngayon dito. Kaya sa akin lahat ng responsibilities sa buong shop, kaya focus talaga ako ngayon. Sa office na lang ay halos busy na ako kaya hindi ko na magagawa pa ang ibang work sa baba kahit gustuhin ko man. Nagdagdag na rin ako ng isa pang crew para naman kahit papaano ay hindi sila nahihirapan kapag wala ako. May mga times kasi na marami akong trabaho rito tapos natataon pa na dagsa ang mga tao. So far ay maganda pa rin ang takbo ng coffee shop at katulad pa rin ng dati na binabalik-balikan pa rin ng mga customers. Kaya naman na i-push ang isa pang store. Pagdating ko nga kanina ay sa office agad ako nagtuloy upang asikasuhin ang mga orders namin. Last week ko pa inaayos ito at siguro naman, matatapos ko na siya ngayon. Mas matrabaho ang pakikipag-usap sa mga suppliers dahil dalawang shop na ang hawak namin ngayon. Well, na-eenjoy ko naman ang trabaho ko at nabawasan na ang pagwalwal ko sa buhay. It means healthy ang liver ko this past few weeks. At masasabi ko na productive madalas ang mga araw ko. Katatapos ko lang kausapin si Hailey para sa mga additional orders niya para sa kabilang shop. At sabi naman niya naman ay maganda rin ang takbo nito simula nang mag-start sila. Kaya masaya kaming tatlo kahit medyo stress. Well, hindi maiiwasan dahil na rin sa expansion ng shop. Napainat pa ako matapos kong pasadahahan lahat ng orders na ginawa ko. Mabuti na lang at natapos ko na ito ng maaga para may time pa ako sa trabaho mamaya sa baba. Na-miss ko na rin kumuha ng litrato sa mga customers namin at kaya ngayong araw ay gagawin ko ulit ito dahil nasa mood ako. Muli ko pa ulit binasa ang mga orders saka ako nagpasya na bumaba na sana, but nagulat ako nang biglang pumasok si Janet at tila may emergency pa. “Miss Devy! Miss Devy! M-may nanggugulo sa baba! Sumisigaw! Nagwawala!Hinahanap ka!” natataranta pa siya habang nagsasalita. “What?! Who?!” gulat kong tanong sa kanya. “Si stalker mo! Sumisigaw sa baba!” pagbabalita niya pa. Si Theo! Anong kailangan niya sa akin? Nagmamadali pa akong bumaba para ayusin ang problema. Akala ko naman ay naglaho na siyang parang bula! Ang kapal ng mukha niyang manggulo if ever! Nakaka-init siya ng ulo! Nakakunot pa ang aking noo habang naglalakad pababa. Dinig na dinig ko nga ang malakas niyang sigaw. Pagbaba ko ay hindi sinasadya na mapatingin ako sa isang lalaki na nakaupo sa isang gilid. Kaagad ko rin naman binawi ang tingin ko nang mag-cross ang aming mga paningin. “Devy!!!!” Malakas na sigaw ni Theo at mukhang nakainom pa ito. Maging ang mga tao sa loob ay napapatingin na rin sa kanya. “Oh, you're here na! How are you? Did you sleep well ba? Matapos mong sirain ang buhay ko? b***h!” Sigaw niya pa at sinabayan ng malakas na tawa. Pinagkrus ko ang aking braso habang naglalakad ako palapit sa kanya. Napatigil tuloy ang mga customers habang nakatingin sa amin ni Theo. Ayaw kong gumawa ng eksena sana rito kaya naman lumapit ako sa kanya at sinabihan kong mag-usap kami sa labas. Pero imbes na pumayag ay nagsisigaw pa siya lalo. Kaya naman umaatras ako nang bahagya. “E-everyone! I need your attention!” Sigaw niya ulit habang tumatawa. Kaya naman mas lalo pa silang napatingin sa amin at hinihintay ang sasabihin ni Theo. “Ipapakilala ko lang sa inyo ang babaeng nasa harapan niyo ngayon—hmm…she's pretty right? But sa likod ng maganda niyang mukha ay para siyang pagkain sa karinderya, lahat ay pwedeng tumikim!” insulto pa niya sa akin. At tila sinasadya niyang sabihin ito sa tagalog na salita. Kaya naman halos magpantig ang aking pandinig dahil sa pamamahiya ni Theo. “You heard it right! Marami nang lalaki ang tumikim sa kanya! At isa na dapat ako sa biktima niya but hindi ako pumayag dahil ikakasal na ako. At para makaganti siya sa akin ay siniraan niya ako sa fiancée ko!” Naikuyom ko ang aking kamay sa labis na galit pero hindi ako umimik at hinayaan ko lang siya kahit lahat ng mata ay nakatingin na sa akin. Naririnig ko na rin ang mga bulungan sa likod ko. Hindi ko pinapakita sa kanya na affected ako kahit marami pa siyang pang-iinsulto na binitawan para sa akin. Pinigilan ko pa si bakla nang susugurin niya sana si Theo. Hinahayaan ko lang siya sa mga gusto niyang sabihin dahil wala lang ito sa akin. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ako dahil ayaw kong sumaya siya. Pero nang banggitin niya na ang tungkol sa nanay ko na baka raw pareho lang kami ay hindi ko na napigilan ang aking sarili. Lumapit ako sa kanya at kaagad kong pinadapo ang aming palad sa isa niyang pisngi. “Don't you dare to compare me sa nanay ko!” Nagulat pa ako nang hawakan niya ang magkabilang braso ko at idiin niya pa ang kanyang kuko. “Ikaw ang may gusto nito, ibabalik ko lang! Sinira mo ang buhay ko, I will do the same thing to you!” Isang malakas na sampal muli ang pinadapo ko sa pisngi niya. At hindi ko inaasahan ng sampalin niya rin ako na ikinaupo ko pa sa sahig dahil sa lakas nito. Napahawak pa ako sa aking pisngi. Nagulat pa ako nang biglang sapakin si Theo nang lalaking nakita ko kanina. Kaya naman nagsigawan pa ang mga tao ng matumba si Theo sa sahig. Lumapit pa ang lalaki sa kanya at hinawakan siya sa kwelyo . “Babae lang ba ang kaya mo, brod? Tarantado ka!” tanong niya pa kay Theo. “Pasalamatan ka at nasa mood ako ngayon, kung hindi sa hospital ka na magigising. You think na nakakadagdag sa p*********i mo ‘yan, huh?!” narinig ko pang sabi nito. Aambahan pa sana niya ng suntok si Theo nang pigilan ito nang isa pang lalaki. “Pre!” kaya naman hindi na nito natuloy ang gagawin niya sana. Nang madako ang paningin ko kay Theo at tila dumugo pa ang labi niya. Saka lumapit sa akin ang lalaki upang tulungan akong tumayo. “Are you okay?” tanong niya pa habang inaaabot ang kamay sa akin. “I don't need your help. Kaya ko ang sarili ko.” Saka ako tumayo mag-isa. Ilang saglit lang naman ay may police na rumesponde sa shop at kaagad dinampot si Theo. Hiningi pa nila ang statement tungkol sa nangyari bago sila umalis. Nakikiusap naman si Theo sa akin na huwag nang ituloy ang kaso at hindi na niya ako guguluhin pa kahit kailan. Wala pa akong sagot for now pero balak ko rin naman iatras ang kaso. Basta lubayan niya ako. At wag na wag na siyang magpakita pa sa akin , kahit kailan! “I'm sorry everyone sa mga nangyari. No worries, okay na po ang lahat! Just enjoy your stay and your coffee. Have a good day!” nakangiting sabi ko saka ako tumalikod upang gamutin ang aking pisngi. Kanina ko pa pinipigilan ang aking kuha dahil sa pagbanggit nito kay Mom. Pero hindi pa ako nakakalayo nang bigla na lang humarang sa daraanan ko si stranger. Akma ko siyang lalagpasan pero kaagad niyang hinawakan ang braso ko. “Are you okay?” seryosong tanong niya pa. Lumapit pa siya sa akin at hinawakan niya ang pisngi ko. At sa hindi ko maintindihan na dahilan ay bigla naman akong nakaramdam ng something nang lumapat ang mainit niyang palad sa balat ko. At pilit kong hindi nag-paapekto sa kung ano ang naramdaman ko. Baka nagulat lang ako sa presensya niya. “I'm okay. Like what I said, I don't need your help,” mataman kong sagot habang inaalis ko ang kamay niya sa pisngi ko. “Namamaga ang pisngi mo. And I'm sure you're not okay, Miss—” “I'm okay,” tipid kong sagot. “If you don't mind, bitawan mo ako,” sinalubong ko pa ang titig niya. “Wow! Wala man lang bang thank you, dyan?” nakangisi niya pang tanong habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. “Hindi ko hinihingi ang tulong mo, Mister. So pwede, bitawan mo ako.” Suplada kong utos saka ko pilit inalis ang kamay niya sa braso ko. “One more thing, lahat ng narinig mo ay totoo.” At tuloy-tuloy akong naglakad palayo sa kanya. Sino ba siya sa inaakala niya? Tinulungan niya ako dahil may hihingiin siyang kapalit mula sa akin? Katawan ko?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD