Epilogue

1193 Words
"Zach, tama na! H-hindi ito tama! Wag mo na akong guluhin pa. M-masaya at tahimik na ang buhay ko. Sana ay maging masaya na lang para sa akin. Paulit-ulit kong sasabihin sa'yo na hindi ko alam na at mali ang iniisip mo na gusto kitang gantihan!" Mabilis kong pinigilan nang akma nang lalabas ng pinto at iiwan ako ni Devy. "Devy, I know, I'm too coward para aminin sayo noon na mahal kita. Naduwag akong maging totoo sa'yo, nagsisisi ako…." pag-amin ko pa sa kanya. Maniwala man siya o hindi pero totoo lahat ng ito. "Zach, tama na! Wag na natin balikan pa ang nakaraan!" Sigaw pa ni Devy habang pilit kumakawala mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Ngunit hindi ko siya hinayaan. Alam ko at malinaw sa akin ang lahat pero ayaw kong maging duwag sa pangalawang pagkakataon. Gusto kong ilaban ito hanggang sa huli. Kahit masaktan pa ako, wala nang halaga ito sa akin. Matagal na panahon na akong nalunod sa sakit. "Sarili mo lang ang mahal mo, Zach. Alam mo kung bakit? Dahil ayaw mo akong palayain mula sa nakaraan! Kung mahal mo ako—palayain mo ako…" "Mahal kita. Mahal na mahal kita! Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito, Devy. I'm really sorry kung natakot ako. Pakiramdam ko noon ay wala akong kwenta dahil hinayaan kitang mawala sa buhay ko. Buong akala ko ay wala lang sa akin kahit mawala ka pa. Pero gago ako, sobra! Devy, hinahanap kita. At habang ginagawa ko ito ay nagbago ako dahil gusto ko na maging karapat-dapat ako para sayo kapag muli tayong nagkita." Umiling-iling pa siya. "Zach, enough…" "No! Devy, hindi ko kayang mapunta ka sa iba. Hindi ko kaya…" pagmamakaawa ko pa habang nakayakap pa rin ako mula sa kanyang likuran. Pakiramdam ko ay sinaksak ako nang paulit-ulit sa tuwing naiisip ko na yakap-yakap siya nga iba, masaya siya at tumatawa sa iba. Sobrang sakit. Yung mga bagay na ako ang gumagawa noon ay iba na ang nagpaparanas nito sa kanya. "Z-Zach, ayaw kong saktan si Migz. Hindi tama ito. Hindi na tayo pwede. Kasal na ako at sa Tito Migz mo pa. Please…" pilit pang inaalis ni Devy ang aking kamay sa bewang niya. Ngunit mas lalo ko lang siyang niyakap. "Devy, hindi ko kaya. Wag mo akong saktan ng ganito. Sabihin mo sa akin kung paano ko ibabalik lahat, h-hindi ko kaya…." at hindi ko namalayan na unti-unti na pa lang pumapatak ang luha mula sa aking mga mata. Hindi ko inaasahan na nararamdaman ko ang ganitong sakit. Dahil sa buong buhay ko ay hindi ko nagawang magmakaawa sa ibang tao ngayon lang, kay Devy. Mas double ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito kesa nang araw na iwan niya ako. Bakit ganito maglaro ang tadhana sa amin ni Devy? Sobrang sakit. Kung kailan abot-kamay ko na si Devy ay saka naman hindi na pwede. Unti-unti ko siyang pinaharap sa akin at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Devy, tignan mo ako sa mga mata…" pagmamakaawa ko pa. Unti-unti naman siyang nag-angat ng tingin at mataman tumingin sa aking mga mata. "Sabihin mo sa mga mata ko na wala na ang dati mong pagmamahal para sa akin, sabihin mo sa akin…." wala na akong pakialam kung umiiyak na ako sa harap niya ngayon. Ang mahalaga ay masabi ko sa kanya ang nais kong sabihin. Natatakot akong iwan niya ulit ako. Natatakot akong mag-isa ulit. "Zach…wag mo akong pahirapan—" "Fúck! Answer me, Devy! Hindi mo na ba ako mahal?! Tell me! Kung nahihirapan ka, nasasaktan naman ako! Ang tagal kitang hinanap at halos mabaliw ako sa'yo kakahanap noon. At hindi mo alam na sa bawat araw na lumipas ay wala akong ibang gusto kundi makita ka! Sa bawat araw na lumipas na wala akong naging lakas kundi ang pagmamahal ko para sayo!" Tuluyan nang umiyak si Devy dahil sa masakit na tagpo naming dalawa. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. At masuyo ko siyang hinalikan sa noo. At muli ko siyang tinititigan. "K-kung kaya ko lang na ibalik ang bawat oras ng kahapon ay wala akong ibang pipiliin kundi ikaw at ikaw lang…" sambit ko pa. Alam ko na may tao akong masasaktan pero hindi kayang turuan ang puso na basta na lang siyang burahin dito. Ilang taon na ang lumipas pero kahit isang masayang alaala namin noon ay tandang-tanda ko pa. At sa maraming taon na lumipas ay nanatili si Devy sa puso ko. Ni wala kahit sino ang pumalit sa kanya. Ilang taon akong umasa na sa muli namin pagkikita ay siya na ang babaeng ihaharap ko sa dambana. Siya na ang magiging nanay ng mga anak ko. Siya na ang magiging tahanan ko. Pero iba ang nararamdaman ko. At hindi ko inaasahan na ganito. "Sabihin mo sa akin ang totoo, wala na ba akong halaga para sa'yo? Wala na ba ako dyan sa puso mo?" tanong ko pa. Natatakot ako sa maaari niyang isagot pero mas natatakot ako kung paano ko tatanggapin ang sagot niya na ayaw kong marinig. Alam ko na mahirap para sa aming dalawa ito. Gusto ko siyang aluhin dahil ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan at nahihirapan ng ganito. Pero ito lang ang magpapalaya sa akin, sa amin. "Z-Zach…matagal na tayong tapos. At kung ano man ang meron tayo noon ay isang laro lang—" "Save it! Devy, I need your answer straight to my face! Hindi mo na ba ako mahal?!" patuloy sa pagdaloy ang luha sa aking mga mata dahil sa labis na bigat ng aking kalooban. Gusto nang sumuko ng isip ko pero iba ang sinasabi ng puso ko. "Devy—" "Oo! Zach, oo, mahal pa rin kita! At kailanman ay hindi ka nawala sa puso ko! Pero kung puso lang ang papakinggan natin ay masasaktan lang tayong lahat! T-tanggapin na lang natin na maaaring hindi lang tayo ang laan para sa isa't-isa. P-Palayain na natin ang ating mga sarili para sa ikabubuti ng lahat…." Niyakap ko siya ng mahigpit at tuluyan na akong napahagulhol na parang bata. Hindi ko kayang mawala si Devy sa akin sa pangalawang pagkakataon. "S-sabihin mo sa akin…p-paano ako muling mabubuhay? S-sabihin mo, Devy…." Naramdaman ko pa nang haplos-haplosin niya ang aking likod. "Z-Zach, p-patawad kung…kung hindi ko pinaglaban ang nararamdaman ko noon. I'm sorry kung n-napagod ako. I'm sorry kung nasasaktan kita ngayon, kalimutan mo na lang ako. May mas higit pa sa akin," hindi ako halos makapagsalita dahil kulang ang salitang 'sakit' upang ilarawan ko ang sakit na meron ako ngayon. "Devy, madaling sabihin na kalimutan ka, pero hindi ko kaya…." "Zach—" "At kung madali lang sana, Devy, matagal ko nang g-ginawa. Pero hindi ko kaya." Muli ko siyang niyakap ng mahigpit. Bakit sa daming tao ay kay Tito Migz pa? Bakit sa taong kadugo ko pa at malapit pa sa akin? Pareho silang mahalaga at importante sa buhay ko. Pero paano naman ang nararamdaman ko? Hindi ko ba deserve ang second chance? Bakit naman ganito ang ganti ng karma sa akin? Masyado ba akong masamang tao para parusahan ng ganito? Masama ba ang umibig? Masama bang mangarap na makatagpo ng totoong pagmamahal?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD