Hindi pa ako ready maging instant daddy! Kalma, Zachary! Sigaw pa ng utak ko. "B-babae? Are you sure? B-buntis?" Ulit kong tanong. Dahil hindi ako kumbinsido sa sinabi niya Paano naman ako magkaka-bisita ng babae? At ngayon pa talagang umaga. Ang mas malala ay buntis pa. Baka naman naging guest namin noon.
"Yes, chefy, babae as in girl, babae, woman, lady, not one but two!" bulalas niya pa.
Natawa pa ako. "Wow! Never ko naman na-try ang threesome," biro ko pa sa kanila. Tiwala kasi ako na hindi ako nakabuntis.
Humalakhak pa nang malakas si Carlo. Kaya naman napatingin pa ako sa kanya.
"Chefy, hindi lang basta babae, kundi preggy pa na babae!" ulit niya pa.
"So? Baka naman gusto lang akong makita, you know, naglilihi ba ang tawag? Hindi mo rin masisi kasi masyado akong yummy sa mga babae," pagyayabang ko pa.
"Chefy, hinanap niya si Chef Zachary Fuentes dahil siya raw ang tatay ng magiging anak niya,"
Halos malaglag pa ako mula sa kinauupuan ko dahil sa balitang hatid niya. Son of a bítch! Sa lahat yata ng news na natanggap ko ay ito ang kasumpa-sumpa!
Nilingon ko pa si Jester na tumatawa nang malakas. Halatang tuwang-tuwa sa mga nangyayari sa buhay ko. Pinilit kong wag mag-panic at baka bigla akong himatayin dito. Tumikhim muna ako at pilit kong nagseryoso kahit pa muntik na akong atakihin.
"Kung prank niyo lang 'yan, sige natawa na ako," sarkastiko kong sambit at saka ako tumawa ng peke.
Tinuon ko ang atensyon ko sa ininom ko dahil bigla akong ninerbyos. "Wag naman sanang totoo," piping usal ko pa
Umiling-iling pa si loko at lumapit pa sa akin saka ako hinawakan sa balikat at tiningnan ako ng mataman sa aking mga mata. Gusto ko siyang batukan dahil bigla akong kinabahan sa mga kinikilos niya. Habang si Jester naman ay pangisi-ngisi lang sa tabi. "Kapag talaga ito ay prank, sisante siya sa akin!" sa isip-isip ko pa.
"Chefy, alam mo naman na lodi kita pagdating sa mga chicks. Lahat ng payo mo at tips, sinusunod ko.
Pero hindi ito prank. Ayaw mo ba non, at least alam mo na hindi ka baog—" hindi na niya natuloy ang iba niya pang gustong sabihin nang batukan ko siya. Kakamot-kamot pa siya ng ulo.
"Gagó!" Sigaw ko pa kaya naman mas lalo pa silang natawa ni Jester. Ang aga-aga binubwesit ako ng mga sira-ulo! Kung alam ko lang ay nagtago na lang ako sa ilalim ng panty ni Adeline!
"Ninong ako, bro!" pang-aasar niya pa lalo kaya naman nilukot ko isang papel at saka ko binato sa kanya. "Gagó! Wala kang pag-asa na maging ninong sa akin! Wag kang umasa!" At saka ako tumayo upang babain ang bisita kong buntis daw. At mukhang seryoso talaga itong loko na ito.
"Ihanda niyo na ang resignation letter niyo, kapag prank ito, mga gagó!" banta ko pa sa kanila.
Ako lang yata ang lalaking nakabuntis pero hindi alam kung paano? At kelan? Saan? Sino? At ako lang yung malungkot at puro takot ang nararamdaman. Fûck!
Sino naman kaya sa mga naging babae ko ang nabuntis ko? Sa sobrang dami ay nalilito na rin ako. Hindi ko naman kasi tinatandaan kung sino-sino sila. Ni hindi ko nga tinatanong ang mga names nila. Tsk!
Saka parang lahat naman sila ay safe. Iniisip ko pa tuloy kung sinong birhen sa kanila, pero wala akong matandaan.
"Daddy Zach, I want milk!" habol pa ni Jester. At umiyak pa na parang bata.
"Fûck you!"
"May good news pa naman ako sayo, tssk. Pero dahil magiging daddy ka na, nevermind!" patuloy niyang pang-aalaska sa akin.
Ngunit hindi ko na siya pinansin pa.
Yari ka, Zachary! Mukhang matutupad na ang hiling ng Nanay ko na magkaroon ng apo. Bed s**t! Hindi pwede ito! I'm not ready anymore.
Buong buhay ko ay ngayon lang ata ako kiamnabahan ng ganito at pinagpawisan ng malapot kahit pa malamig dito sa loob. Hindi ko tuloy malaman kung babalik ba ako sa loob ng opisina at wag nang puntahan ang babaeng naghahanap sa akin. Idagdag pa ang pang-aasar ni Jester sa akin. Wag sanang magkatotoo ang biro niya at hindi ako handa. Ang dami na agad tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito. Hindi pa ako handang magpakasal, hindi pa ako handang maging tatay. Marami pa akong gustong gawin sa buhay. At kung buntis man ito ay susuportahan ko siya pero hindi niya ako mapipilit na magpakasal sa kanya. Kung isa man sa babaeng naikama ko noon ay sure akong walang pilitin na nangyari. Pero bakit ngayon lang siya nagparamdam? Huminga pa ako nang malalim saka ako nagpatuloy sa paglalakad. "Wala nang atrasan 'to!" mahinang bulong ko pa.
Nang makarating ako sa labas ay babaeng buntis nga! Naramdaman ko pa ang pagkabog ng dibdib ko.
"Hoy, lalaki! Mabuti naman at nagpakita!" kaagad sigaw ng babae paglapit ko sa kanila.
Nanliit pa ang aking mga mata at pilit ko siyang kinikilalang mabuti. Pero kahit anong pilit kong isipin kung sino siya ay hindi ko talaga maalala ang mukha niya. Hindi naman ako mahilig sa sobrang payat at hindi malaki ang hinaharap kaya paanong ako ang nakabuntis sa kanya? Eh, parang siya ang literal na babae na nakikita ko sa daan at nag-aalok ng aliw sa murang halaga. Kung minsan ay pangkape pa. Saan ko naman siya nakita?
Ako ba talaga ang hinahanap niya?
"Mabuti naman at nakita rin kita! Pinagtataguan mo ba kami ng magiging anak mo?!" Galit na galit niyang sigaw niya pa ulit sa akin.
"Sorry, pero hindi kita kilala, baka naman nagkakakamali ka lang ng pinuntahan, " sabi ko dahil hindi ko naman talaga siya kilala. At impossible na naikama.
"Matapos mo akong buntisin ay itatanggi mo?! Gusto mo ba sa loob pa ako mag-eskandalo?!" galit niya pang banta sa akin. Napatingala pa ako saka ko siya muling tiningnang mabuti. . "Sino ka ba? At kung totoo ngang ako ang ama ng dinadala mo, why now kung kelan malaki na ang tiyan mo?" tanong ko. Nagkatinginan pa silang dalawa. At bigla akong kinutaban na isang frame-up lang yata ito.
"H-hindi mo ba ako natatandaan, huh? Sa sobrang lasing mo ay h-hindi mo na ako matandaan!" Sigaw niya pa.
Sa totoo lang puro siya sigaw parang gusto nilang masindak ako.
"P-paano pinagtataguan mo ang kaibigan ko kaya ngayon mo lang siya nakita!" singit naman ng kasama niya sa usapan namin.
"Saan tayo nagkita?" seryosong tanong ko at mukhang hindi niya alam ang isasagot sa akin. Hinihintay ko lang ang sagot niya at kung masagot niya ito ay baka maniwala ako ng konti pero kung hindi, malinaw pa sa sinag ng araw na isang pakulo lang ito ng kung sinuman!
"Sa—" nakita ko pa nang kalabitin nito ang kasama niyang babae. At mukhang hindi nila napaghandaan ang naging tanong ko o baka naman nakalimutan niya ang script niya.
"Wag mo nang itanggi, panagutan mo ang kaibigan ko!" sabad ulit ng kasama nitong babae.
I feel strange na hindi ko ma-explain kung ano habang kaharap ko sila. Naks! May feelings na pala ako ngayon.
Parang hindi convincing ang acting nilang dalawa. Hindi tatak Star Magic! Kulang sa workshop.
May mali sa mga kinikilos nila. Akala yata nila ay tanga ako at uto-uto.
At hindi nila magawang tumingin sa akin ng deretso. Parang kinakabahan. Nang una ay parang gusto ko ng maniwala sa sinasabi nila. Two versus one naman kasi ang labanan. Sana pala ay tinawag ko na rin si Jester para may tagapagtanggol ako.
Mas lalo akong nagduda sa kanila. At parang tama ang kutob ko na binayaran lang sila pala guluhin ako. At sure ako na isa sa mga babae kong baliw na baliw sa akin ang may palabas nito. Hindi ko siguro napagbigyan ng round two!
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga saka ako pinagkrus ang aking braso. Gets ko na ang nangyayari sa paligid. May nagbayad sa kanila. At kung sino siya ay hindi siya smart. Kukuha na lang ng artists yung hindi pa kapani-paniwala. Okay, next group!
"I'm sorry pero hindi talaga kita kilala. At kung sino ang may pakana nito, pakisabi sa nag-utos sa inyo na hindi niya ako maiisahan. Sana man lang ay kumuha siya ng mas kapani-paniwala. Okay? Now, leave kung ayaw niyong tumawag ako ng pulis at ipakaladkad ko pa kayo kasama na rin ng boss niyo!" mariin kong banta.
"H-hindi kami aalis dito! May mangyayari sa bata kung hindi mo ako pananagutan!" banta niya pa. Kaya naman napaawang pa ng bibig ko.
"Go ahead. Bitbit ng konsensya mo 'yan at hindi ko."
At mabilis ko silang tinalikuran.
Kung sino man ang may pakana ito ay sure ako na gusto niya akong gantihan pero hindi niya ako maiisahan. Para tuloy akong nabutan ng tinik sa dibdib. Whoa! Muntik na ako roon. Mabuti na lang at hindi pinagbigyan ang dasal ng Nanay ko!
Pakiramdam ko tuloy ay biglang nanlambot ang aking tuhod at alaga. Muntik na akong maisahan. Shìt talaga!
Kapag nalaman ko kung sino ang may pakana nito ay itatali ko siya sa kama at hindi ko siya palalakarin nang maayos ng one week!