Humugot ng hangin ang dalaga nang hinawakan nito ang braso ng kaniyang ama. She smiled at him, teary-eyed naman itong ngumiti pabalik sa dalaga. Hindi pa rin makapaniwala si Fin na pagkatapos ng lahat ng nangyari ay magagawa nitong isuot ang wedding gown na pinaghirapang gawin ni Tasha. Medyo pumayat man ang dalaga dahil sa stress na dinanas nito ngunit perpekto pa ring tingnan ang wedding gown sa kaniyang katawan. Bagay na bagay ang white off-shoulder gown nito sa kaniyang mala-anghel na katangian, nakalabas man ng bahagya ang balikat ng dalaga ngunit napaka-classy naman nang dating ng hanging sleeves ng suot nito na may mga dyamante pang inilagay upang mas lumutang ang maganda at petite na braso ng dalaga. Tumuloy din ang urgent talent ng mom ni Rave for the wedding entourage and H&MU.

