[Infinity's POV] Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero ilang beses kong nakitang sumusulyap si Ma'am Elizabeth ng bahagya kay Rave. Hindi naman ito alintana ni Rave dahil busy ito sa ginagawang presentation about Raven's Construction Corporation. Isa-isa nitong inilalahad ang mga naging accomplishment ng kumpanya simula nang ito ay maitatag ng kanyang ama. Nagawa rin nitong ikwento ang naging pagbagsak ng Raven's noong humina ang construction projects sa Pilipinas at kung paano ito muling bumangon under his leadership. Nakakaproud pala kapag naririnig mo ang taong mahal mo na ipinaglalaban ang isang bagay na mahalaga sa kanya. Tulad ni Rave ay ginawa ko rin ang lahat ng makakaya ko during my presentation regarding Raven's financial status and the possible outcome kapag natu

