[Infinity’s POV] Hindi ko mabilang kung ilang beses kumatok si Rave habang nasa labas siya at naghihintay ng magiging resulta ng pregnancy test ko. Nanginginig naman ang kanang kamay ko habang dahan-dahang inaabangan ang lalabas na guhit. Daig pa naming dalawa ang nanalo ng 5 digits sa lotto at nag-aabang kung tuluyan ba naming mapapanalunan ang jackpot. Napapikit na lamang ako nang muli na namang kumatok si Rave. "My Infinity? Pwede na ba akong pumasok?" excited na sambit nito. Napabuntong-hininga na lamang ako at mabilis na ibinaba ang hawak ko. Bahagya kong binuksan ang pintuan at pinaypay ang kamay ko sa labas. Alam kong maiintindihan niya ito kahit pa sabihin kong mamaya na ito pumasok. Excited naman itong sumilip sa gilid ng pintuan na animo'y nakikipagtaguan sa'kin. Kung hindi

