[Bless' POV] Palagi kong tinatanong ang aking sarili kung naging mabuti ba akong asawa sa kanya. Nagawa ko ba siyang mapasaya? Kung napasaya ko man siya, bakit ako lumuluha? Bakit ako paulit-ulit na nasasaktan? Bakit hanggang ngayon ay hindi ko siya kayang alisin sa madilim na landas na tinahak niya? Sa harapan ng mga magulang niya, Alfred always treat me like his queen. Ngunit pagkatapos ng pagpapanggap naming dalawa, I'm just a complete stranger to him. Sinlamig ng yelo ang mga titig nito sakin at sintigas naman ng bato ang puso nito. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng tinitigan ang sarili ko sa salamin, kung sana ako nalang ang babaeng minsan nitong binanggit sa pagtulog niya. Siguro ay maririnig ko ding sabihin niya sakin ang salitang, "Mahal kita." Ngunit alam kong ito ay im

