TEMPTED CRUISE 1: BIDDING LUST
CHAPTER 1: INVITATION
“TEMPTED CRUISE?” Natatawa kong tinignan ang hawak-hawak kong invitation. "Ano naman ang gagawin ko rito?" Pagbukas ko ng invitation ay bumungad na sa akin ang pagkasosyal na itsura nito. Medyo may kabigatan siya, infairness, kaysa sa ibang papel.
“At may pabulaklak pa!” Amoy ko sandali sa isang puting rosas. Binaba ko ang mga hawak ko't pinagmasdan ang kaibigan kong si Sheena na siyang nag-aayos ng mukha nito. “Bakit ka nila binigyan ng ganitong imbitasyon?” Naniningkit ang mga mata kong itanong iyon sa kaniya.
“I want to give you some… vacation!” Para ba siyang may itinatago at ayaw sagutin ang tanong ko. “Sheena, come on! Just get to the point… bakit? Binigyan ka ng invitation, tapos ako ang papapuntahin mo? Kanino ba ‘to galing?”
“You’re asking too much. I hate it.”
“Duh! I should be asking, at hindi ko alam kung ano ang pupuntahan ko! Where am I supposed to go?” Ibinaba niya ang kaniyang blush brush at tinignan naman ako. “Okay! Ito na!” Tumaray pa siya sa akin at ngayon naman ay kinuha ang hawak-hawak kong invitation.
“I'm heading to Singapore, which is why I can't be here!” Sabay taas niya ng invitation. “Which is... I was invited by the VVIP member of this fantasy cruise.” Iyong may arte pa siya ng kamay-kamay niya, habang sinasabi iyon sa akin.
“My point is, I can’t go. I need to be in Singapore as soon as possible. Alam mo naman ang business ni daddy at ako lang pinagkakatiwalaan niya. Kaya naman, I will give this card to you.” Iniabot niya sa akin ang isang black card, habang ang mga ngiti niya ay para bang nangungumbinsi. “Sige na, Meg? Gustong-gusto ko talaga ang painting na ‘yon! It’s Jauco’s last painting before he dies.” Mas lalo akong kinilabutan sa sinabi niya.
“Baka naman may curse ‘yan!”
“You were not knowledgeable about everything in the field of art. Nataas ang value n’yan kapag nagtatagal, and that’s a good investment.”
“How will it cost?” Syempre, dapat alam ko! Pamilyar ako sa auction, pero alam ko naman na iba ang auction nitong kaibigan ko. She’s rich-rich, like an old money rich! Her family ows a house in Beverly and a freaking mall in some parts of Asia!
“Probably a million?”
“A million?” My poor ass is screaming. Ni-hindi nga ako makaalis sa sarili kong apartment na tag-libang libo’t binabaha pa. “You will spend a million on a painting? Sheena, buang ka ba?”
“Hindi naman aabot ‘yan ng ten million pataas, gaga! Siguro nga, nasa four million lang ‘yan.” Nasapo ko lalo ang aking noo. Hindi ko kakayanin kung makakarinig ako ng mas mataas pa sa million. “Paano kung may mag-bid pa? Iyong lampas sa five million?”
“Gawin mong five million and five-hundred pesos. Close deal!” Nguso niya pang wika na animo’y may pinamumukha pa sa akin na bihasa siya sa pag-bid. Sabagay, kung titignan mo naman ang buong bahay niya ay napupuno ng paints. ‘Yung iba hindi ko pa maintindihan kung ano ang pinapahiwatig sa paints nila.
“Sobrang tagal ko ba sa cruise na ‘to? Saka bakit parang hindi ko nakikita ‘to?” Tumayo siya sandali at may kinuhang maleta sa gilid ng kaniyang malaking kama. “Kasi nga, hindi ‘yan talaga open for public na cruise. Ang makakasakay lang d’yan, ay iyong naiimbitahan ng VVIP or shareholders.” Saka niya ibinalandra sa akin ang isang malaking maleta.
Bumalik muli siya sa gilid ng kama niya at may hinila nanaman. Hindi ko iyon pinansin at nagtanong na lamang muli. “Sino ang may ari ng cruise na ‘to? Kaibigan ng daddy mo?”
“Walang nakakakilala sa kaniya. Hindi rin alam ni daddy, even his friends. Sadyang private raw ang may ari ng cruise, but a billionaire. Hot! Kung makita ko ‘yon, talagang aakitin ko ‘yon. Ang kaso, hindi natin alam kung may k**i ba ‘yon o may manoy!” Siya lang ang natawa sa sinabi niya.
Pinagmasdan ko muli ang imbitasyon.
“Meg, please? Kung may oras lang talaga ako para sumakay sa cruise na ‘yan, hindi talaga kita guguluhin. Ang kaso, kailangan ako ni daddy sa Singapore. E, ayang cruise na ‘yan, seven days pa bago makarating sa Singapore.” Tumagilid ang mukha ko sandali nang marinig ko ang sinabi niya.
“Pupunta ang cruise na ‘to sa Singapore?”
“Yes. Pagdating mo sa Singapore, papasundo kita sa driver ko, kasama ang painting at igagala kita. Libre ko lahat! Bibilhan kita ng Hermès.” Nawindang ang ulo ko sa narinig. “’Te! Malapit na nga akong paalisin sa nirerentahan ko at nade-delay ako ng bayad! Tapos makikita niya akong naka-Hermès?”
“Sinabi ko naman kasi sa ‘yo na sa akin ka na lang tumira! ‘Yung order ko pala? Na-order mo na?” Pagbabago niya naman ng usapan mula sa damit na nabili ko online. “Na-order na ng tao!” Sarcastic ko pang sabi sa kaniya, nang ngisihan lamang ako nito.
“Sinasabi ko naman sa ‘yo ‘yan lagi, Meg. Bakit ba kasi ayaw mo?”
“Kasi nga, gusto kong maging independent nga, dai. Iyong magulang ko nga, wala silang nagawa, e!” Mabuti na lang talaga at hindi ako pinakikialaman ng magulang ko. Alam kong medyo mahirap ang buhay, pero kahit piso ay hindi ko tinggap ang tulong ng magulang ko, lalo na’t hindi naman ako tanggap ng bagong asawa ni mama at ang magaling kong tatay ay namatay sa kakainom ng alak.
“Alam ko naman na sasabihin mo ‘yan.” Nang matapos niya lagyan ng makeup ang buong mukha niya’y iniharap niya ang mukha sa akin. “Okay lang? Hindi naman makapal?”
“Hindi,” tipid kong sagot.
“Good! Basta, ah! Ikaw na muna ang pupunta sa Tempted Cruise, pinirmahan ko na ‘yang invitation nila—hindi kasi sila nagpapapasok ng proxy, kung walang pirma ng tunay na na-invite nila.”
“Teka! Hindi pa naman ako napayag, ah!” Ngumiti lang siya sa akin at iniharap ang apat na malalaking maleta. “Aalis ka na?”
“Sa ‘yo ‘yan… ikaw ang aalis ngayon na mismo. Nag-ayos lang ako para ihatid ka.” Tila para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig. Ako ang aalis, pero siya ang nag-ayos! Wala man lang siyang sinabi sa akin na ngayon na siya mismo aalis! Hinila niya ako patayo at pinahawak ang isang mamahaling bag.
“Ito ang gamitin mong bag. Huwag mo na isauli ‘yan at gamitin mo na lang.” Ang kaniyang saddle bag na may kulay itim at may nalawit pang letter D. “Nariyan na rin ang wallet at pera, ah? Libre naman doon ang pagkain, kung may gusto ka bilhin doon, may pera naman akong nilagay d’yan.”
Ako naman ‘tong binuksan ang wallet at tila nagulantang sa kapal n’yon. “Tag-hundred dollar? Nasa magkano ‘to lahat?”
“Hindi ko alam, e. Siguro nasa two-hundred thou? Mga nasa fifty na hundred dollar ang nariyan. You do the math.” Habang siya naman ‘tong lumabas ng kaniyang walk in closet na may dala-dalang magarang dress.
It’s peach silk dress na may slit pa sa gilid, habang sa kabilang kamay niya ang isang YSL pumps. Alam ko ang gagawin niya, kaya’t umiling agad ako.
“Nope! Hindi ko susuotin ang pumps na ‘yan!” Kinain ko rin naman ang sinabi ko’t ngayon ay suot-suot ko na lahat ng hawak niya. Nilagyan niya rin ng kolorete ang mukha ko’t ni-roller naman ang buhok ko.
“Is this really necessary?” Mata ko lamang ang sumunod sa kaniya, habang siya ay may ini-spray sa buhok ko. “Yes. Making you look like a respectable woman is a dream,” wika niya.
“Mukha naman akong desente, ah!”
“Not in my glossy ass! Sino ang niloko mo, Meg? Kahit ang katulong ko, hindi kayang suotin ang damit mong may mantrsa pa ng bleach!” Sayang naman kasi kung itatapon ko. Hindi katulad ng mga suot niya na ang mamahal! Kahit panty niya ay parang pinahid muna sa ginto sa mahal!
Pagsapit pa lang ng hapon ay dumayo na kami sa port, kung saan dadaanan daw rito sa south ang mga naimbitahan. “Itong magandang hotel na ‘to? Kanino naman ‘to?” Habang naghihintay kami sa cruise, ay nasa loob kami ng hotel.
Ang likod naman nito ay ang dadaanan ng cruise. Pinagmasdan ko ang ilang mga nakaupo sa mga high-end sofa.
“Sila rin ba ay invited?” tanong ko kay Sheena na siyang nagbabasa lamang ng isang magazine. “Uh-huh…” mahina niyang sagot sa akin.
Inilibot ko ang lounge na ito. Lahat sila ay may hawak na champagne class at mahinhin na nakikipagtawa. May dumaan sa likod namin ni Sheena at narinig ko ang bulong nito. “I’ll be on the ninth deck later. I want you to do me harder.” Sa kaniyang Aussie accent ay tila mas napahanga ako.
Natawa pa ako sandali, dahil ang mag-jowang iyon, ay may gagawing kabalbalan sa nineth deck. Siguro naroon ang room nila. “Dai, itong babaeng aussie? Ayon, oh.” nguso ko pa sa gilid niya.
“What about her?”
“Kakanain sa nineth deck ng jowa niyang ayon—teka! Bakit niya hinalikan sa labi ang lalaking ‘yon? Hindi naman niya jowa ‘yon, ah!” Hinawakan ni Sheena ang palad ko’t umiling-iling. “When you boarded that cruise, mag-enjoy ka lang. Lahat ng makita mo, iiwan mo sa cruise.”
Tikom na tikom ang bibig ko sa kakaisip mula sa mga sinabi ni Sheena sa akin. Parang may kakaiba sa cruise na ‘to. Umilaw ang ang screen at doon sinabi na nariyan na ang cruise, kaya’t inilapag na rin ni Sheena ang magazine na hawak niya sa gilid ng sofa.
I tried not to p**e as soon as I saw how massive the cruise was—sa sobrang laki, ay para akong natatakot. Napaka-elegant din ng labas nito, hindi siya iyong pangkaraniwang na cruise ship. Litaw na litaw din ang malaking logo nito sa tuktok ng cruise… TC…
Ibinigay na sa akin ni Sheena ang shades nitong kulay itim. “’Te, pawala na ang araw, saka mo lang ‘to binigay sa ‘kin.” Hinampas niya lamang ako ng mahina at agad naman na iniabot na rin sakin ang invitation.
“Alam kong magugustuhan mo ang Tempted Cruise, Meg. Enjoy it, dahil minsan lang ‘yan—” Hindi na natapos ni Sheena ang sasabihin niya, nang may lumapit na sa amin na mukhang nag-aasikaso ng guest nito.
Isang lingon ko lamang sa kaibigan ko, ay ngumiti na ako agad. Deserve ko naman siguro ang mag-enjoy, ano? Isang hakbang ko lamang sa red carpet nitong hagdan papasok sa cruise ay masasabi ko na agad na nagsisimula na ang bakasyon kong ito.