ALNT 01 : Kamera

445 Words
1, 2, 3—*Click* "Good shot!" Papuri ni Ryker matapos ang ika-limang pindot sa kaniyang hawak na kamera. "One more pa po, Ma'am! Yes That's right! It will be good if you make flow your gown! Yup! That's better!" Pagtuturo niya sa babaeng kinukuhanan ng litrato. Kasalukuyan siyang nasa loob ng venue na pinagdarausan ng isang birthday party. Malalakas na tawanan, tunog ng kamera, upbeat music, at mga kubiyertos ang bumabalot sa buong silid. "Next naman po ay iyong mga kaibigan—" Naputol ang kaniyang sasabihin ng mayroong magsalita sa gilid niya. "Sir, excuse me. Wala po atang nagbabantay sa isang photo booth ninyo." Diretsong sabi ng ginang. "Oh, sorry Ma'am. Sige po, tatawagan ko lamang po ang ka-partner ko." Magalang na tugon ng lalaki. "Pakibilis ah, marami na rin kasing nakapila at naghihintay." Biglang tumaray ang tono ng kausap. Pilit na ngiti na lamang ang ibinalik niya sa ginang. Batid niya ang biglaang pagbabago ng ugali nito. Kinuha niya na lamang ang kaniyang telepono at mabilis na tinawagan ang kapatid na ka-partner din sa negosyo. Tumagal ng limang minuto bago pa ito nasagot ng kapatid. "Where the f**k are you?! Vincent! Ang haba na ng pila sa station mo! Kung hindi ka pa babalik, lalo pa silang magrereklamo!" Bulyaw ni Ryker sa kausap. "Wait—ugh faster kailangan ko nang bumalik. Ooh—Ah! Ah! Ah! Hmm! Ah! Faster—" Tanging tugon ng kausap. "Vincent!—" Pinatayan na si Ry ng kausap. Ryker Manalastas, isang photographer. Panganay na anak at ang bread winner ng kanilang pamilya. Masikap sa trabaho at magalang sa mga magulang. Maganda ang buhay at nakapag-aral pa sa ibang bansa. Pero ang lahat ng pinaghirapan nila ay parang bulang naglaho nang maaksidente ang ama. "Continue na po tayo! Friends na po sa gitna!" Sigaw niya sa mga bisita. Masakit alalahanin ang mga araw niyang nagpapakasasa siya sa Korea. Trabaho sa gym at pag-aaral lamang ang inatupag niya noon. Kahit maraming nahuhumaling sa kaguwapuhan ng kaniyang mukha at kagandahan ng katawan ay wala siyang pinapasok sa buhay niya. Nilunod niya ang kaniyang sarili sa trabaho sa Pilipinas upang mawaksi ang panghihinayang at makapagpatuloy na lamang sa buhay. "Jump shot!" Magiliw niyang sigaw. Sa dedikasyong magtagumpay, kahit anong proyekto ay pinasok nilang magkapatid. Lingid sa kaalaman ni Ryker ang mga kinukubli ng ibang kliyente niya. Bawat anggulo ay mayroon siyang natutuklasan. Bawat pindot ng kamera ay mayroon siyang nakikita. Bawat tanggap niya sa mga proyekto ay mayroon siyang narararanasan. Pero may isang katangi-tanging kliyente lang ang laging nagpapayanig sa kaniya. Sa pagitan ng unang pagnanasa o sa tuwina ng lalaking sa kaniya'y nanggahasa? Sakit ang dulot ng pag-ibig, sarap ang ibinibigay ng p********k. Ano ang mas nananaig sa puso ng lalaki? Ano pa ang mga kaya at dapat niyang gawin? Ano ang hangganan ng tukso ang kaya niyang litratuhan? "Good shot!" Pagbati niya sa mga bisita at mga kaibigan nitong nagpakuha ng larawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD