Third Person's POV
Naka-upo sa sofa ang mag-asawang Villarick at nakipag-usap sa dalaga, una kinamusta nila ito...
Parati kasi itong nasa kanlungan niya, minsan nasa mga kompanya at namamahala. Pero ang mag-asawang Villarick ang pinatakbo niya para rito kung sakaling may ibang gawain siya...
"Hija, I hope pumasok ka ulit sa school...
We know that tapos ka ng mag-aral but, you should give yourself to experience more about your college life." Mr. Villarick, kahit may katandaan na ay kita parin ang pagkamatipuno nito
"Tama ang tito mo. Para naman hindi ka mamalagi lang sa mansion, we only hope for you to enjoy the outside world and give yourself a break from the business. And also, my daughter can help you." Mrs. Villarick, maganda pa rin kahit may ka-edaran na din. Lalo na pag ngumite ito, makikita ang dimples niya sa kaliwang pisngi.
"Alright tita, I understand..." Walang alangan na sabi ng dalaga na sumisipsip ng hot cocoa. Isa pa, gusto niyang makasama ang kaibigan niya para naman maiba ang daily routine niya... At tsaka, hindi siya makakatanggi sa mag-asawa.
"Really?..
Oh my, thank you. . .
It's for the best, hija. Clea will surely be happy to know about this." Mrs. Villarick, sabay yakap sa inaanak nito
"Welcome po." Hindi siya yumakap pabalik pero tunay ang kanyang sinabi
"So, mag-eenroll ka na sa school ni Clea?" Tinguan ng dalaga si Mr. Villarick
"Make sure to enjoy your life in there, okay?" Mr. Villarick, tumapik sa balikat nito
"Okay, tito. Don't worry...
I'm off." Paalam ng dalaga sa kanila saka tumayo
"All right, stay safe." Mrs. Villarick
Reeya's POV
"Would it be okay if she go to school?" Tanong ko sa asawa ko habang naka-upo ako sa single couch, nasa office kami ng asawa ko
"Syempre, dapat niyang maranasan ang buhay koleheyo... Nakapagtapos nga siya sa pag-aaral but...
Where's the thrill being a student? I am worried about her, she's almost like a robot." Dexter, naka-upo sa swivel chair habang pumipirma sa mga papeles
"I am worried, too. *Sigh* poor child, ano ba ang gagawin natin para bumalik ang sigla niya?.." Tanong ko
"Just let it be, dadating din tayo para diyan... Remember, God has plans." Sagot ng asawa ko
"Yes... God has plans....." Bulong kong sabi
Third Person's POV
*Principal's Office*
"Good thing you enrolled today, Ms. Mjexon. 'Cause later on, the enrollment will be closing. And I appreciate that you enrolled in this school. I'll assure you, you won't regret enrolling here." Salaysay ng Principal sa taong kaharap niya.
Nakasuot itong cap at eyeglasses. Sa porma niya nakasuot siyang itim na jeans at jacket na may hood. 'Di mahahalata na babae ito sapagkat itinago ng babae ang buhok niya sa sombrero at hood.
'Kung hindi ko lang nabasa agad sa registration form niya na female siya at makita ang picture. Aakalain kong gwapong tisoy ito' sabi sa utak ng Principal habang pinagmasdan ang kaharap niya at totoo naman iyon dahil mukhang lalaki ang porma niya at maaliwalas ang kanyang mukha.
Binigay ng Principal ang envelope na naglalaman ng inpormasyon sa school at schedule niya.
Tinanguan lamang ng babae ang principal at walang pasabing umalis pagkatapos makuha ang kailangan niyang makuha.
"Hmm, sobra ang talino ngunit walang galang. Teenagers nowadays." Iling na sabi ng Principal. "Hahaha, naku mukhang anak ko lang. Pero grabe, napakasungit ng anak kong yun." Puna pa niya
Naglalakad sa pasilyo ang babae na nakasilid ang kamay sa bulsa. Diretso lamang ang lakad niya nang madaanan niya ang apat na lalaking nakamasid sa kanya.
Di niya pinagtuunan pansin na kanina pa sunod ng sunod sa kanya ang apat na lalaki, hanggang makalabas sila ng unibersidad.
Bigla pumaliko ng daan ang babae, malayo-layo na rin sila sa university.
"Pre, bilis! Nahalata tayo!" Lalaki2
"Habulin natin, dali!" Lalaki1.
Tumakbo sila at pinuntahan ang kinaroroonan ng babae.
Nang masundan nila. Nakatalikod ang babae sa kanila, nakaharap ito sa pader.
"Ayos, nacorner natin siya." Lalaki4, pero lingid sa kanilang kaalaman sinadya ng babae na pumunta sa liblib na lugar na walang makasaksi kung anong mangyayari sa kanila
"Pre, kung ayaw mong masaktan. Ibigay mo sa'min ang lahat ng dala mo." Banta ng unang lalaki na may konting bigote, kakalapit lang nila sa babae.
Ilang segundo ay hindi kumibo ang babae.
Unti-unting lumingon ang babae kasabay sa pag angat ng kanyang ulo
Natigilan sila sandali nang makita na babae ito at bigla na lang napahagikgik sila ng tawa.
"Hahahaha, gago pre, hahaha akala ko lalaki." Ikalawang lalaking mahaba ang buhok
"Akala ko nga rin pre, ahahaha. Akalain mong isang magandang dilag pala." Ikatlong lalaking may bigote
"Ang suwerte natin mga 'tol." Unang lalaki na malagkit ang titig sa dalaga
"Ayos na rin 'to. . . Sumama ka sa'min babe. . . Siguradong mag-eenjoy ka, pramis." Ngisi na sabi ng ika-apat na lalaking pango ang ilong.
'Babe? Ano ako? Biik?' Tanong ng babae sa kanyang isipan
"Troubles." Bulong ng babae, nakapuwesto lang siya nang gilid.
"Huh? Ano, Miss? Payag ka na?" Papalapit ang lalaking pango ang ilong, at hinawakan sa braso ang babae.
Pero...
Sa isang iglap, bigla na lang nakahiga ang lalaking nakahawak sa braso ng babae at walang malay na nakadilat ang mga mata.
Binali lang naman ng babae ang leeg at braso ng lalaki.
Hindi agad alam ng mga lalaki kung ano'ng nangyari. Ang bilis ng pangyayari'ng hindi nila nakita at hindi rin sila agad nakaakto. . . Pero isa lang ang alam nila, patay na ang kasama nila.
Napasigaw na lang sa takot ang lalaki'ng may bigote, umaatras at nakatulala sa babae ngayo'y nakaupo sa lalaking nakahiga at tinititigan sila ng patalim.
"P-p-p-pinatay m-mo s-siya?" Nanginginig na tanong ng unang lalaki sa babae habang napatitig sa pares na mga mata nito na animo'y lumiwanag.
'Hindi pa naman ito patay. . . Malapit na' sabi ng babae at napangisi sa loob-looban niya
Imbes na sagutin siya ng babae, tinapunan siya nito ng malakas na sipa sa tiyan.
"Ugh!" Daing ng lalaki na sumapo sa pader, namimilipit man sa sakit ang lalaki ay tumingin siya sa mga kasama niya...
"Ahhg! Kayo!! Ano pa hinihintay niyo dyan?!
Undas?!
Mga gunggong!!! Ililibing ko kayo ng buhay!!! Hulihin niyo nga siya!! Buwisit!!" Lalaki1, kahit masakit ang likod niya ay pilit pa rin siyang tumayo...
Nasa likod ang ikatlong lalaki habang ang ikalawang lalaki naman ay nasa harap at marahas na hinawakan ang babae sa mga kamay niya... Nagpupumiglas ng kunti ang babae...
"Hahaha, kung binigay mo lang sa'min ang hinihingi namin at sumama ng tahimik, hindi ka masasaktan. Pero dahil sinuway mo kami... Talagang masasaktan ka." Unang lalaki na dinidilaan pa ang labi niya.
'Gross' pahayag ng dalaga sa isipan. Dahil wala sa mood ang babae, mabilis niyang sinipa sa gitna ang lalaking nasa harap niya (private part of men).
Napaluhod ang lalaki na tinatakpan pa yung gitna niya at nangingiyak sa sakit, di pa nakuntento ang babae at sinipa sa gilid ng mukha ang lalaki.
Hawak pa siya sa magkabilang braso, bago pa sila makaakto sinipa na niya ang tuhod na nasa kanan niya. Napa-bend ang lalaking may bigote kaya nabitawan siya sa braso.
Tinaga niya ang batok ng lalaki gamit ang nakalaya niyang kamay at nakatulog ang lalaki. Susuntukin sana siya ng lalaki na nasa kaliwa niya ay inunahan na niya ito na isang malakas na suntok sa tiyan.
"Aagh!" Sa natamong suntok ng lalaki ay parang babaliktag ang sikmura nito. Ang lalaki na mahaba ang buhok ay maluwag nang nahahawakan ang dalaga, kaya siniko siya nito sa gitna ng dibdib niya.
Napa-ubo siya ng ilang ulit, hindi na nagsayang ang babae ng oras. Sinidekick niya ang lalaki kaya nawalan na ito ng malay.
'Weakling douchebags' aniya ng dalaga sa isipan... Sa totoo ay ehersisyo pa ito ng babae, hindi pa nga niya ginamit ang tunay na lakas niya.
Naramdaman ng dalaga na may paparating galing sa likod niya. Hindi siya nag-atubiling lumingon at iniwasan lang niya ito.
*Wooosh* buti at hindi siya natamaan ng suntok at sipa ng lalaki na sinipa niya kanina. Halos hangin lang ang natatamaan ng lalaki...
"You freakin' b***h!!" Inis na sabi ng lalaki dahil hindi talaga niya ito matamaan... Kinuha ng babae ang isang kamay ng lalaki na susuntukin siya at walang hirap na pinaikot ito sa likod ng lalaki *Crack*
"AAAAAHHHH!!!!!" Sigaw ng lalaki sa sobrang sakit. Tinulak siya ng babae saka sinipa ang likod niya, ayon nahalikan niya ang sahig.
Lumingon ang lalaki sa kanya habang tumayo at paatras nang paatras habang nakahawak sa braso na nabalian ng buto. Nanginginig siya sa inis, kalauna'y nawala agad iyon nang may kinuha siya sa likod niya. Isang maliit na kutsilyo.
'Tsk, tsk, tsk. Pangit na nga, duwag pa.' Puna ng dalaga habang pinagmamasdan ang lalaki
"Akala mo. Ma-mapapatumba mo ako nang g-ganun na lang?! At hinding-hindi ka makakatakas sakin, halimaw ka!" Sigaw ng lalaki, pero tahimik lang nakatanaw ang babae sa kanya.
Sinugod niya ang dalaga para isaksak ang kutsilyo sa kanya pero gaya nang kanina ay inilagan lang ito... Itinutok ulit ng lalaki ang kutsilyo sa babae para sana saksakin ulit ito.
Ngunit, tumagilid ang babae, hinawakan yung kamay ng lalaki na may kutsilyo at siniko yun kaya nahulog ang kutsilyo. Nakatalikod ang dalaga sa lalaki habang nagawa yun, dahil dito hineadbat niya ang lalaki at sunod na sinipa ang gitna niya ulit na nakatalikod (ewan na lang kung nagdugo ba ang ilong nito at nabasag na ang kanyang bilog).
Humarap ang babae sa kanya, nakahiga na ang lalaki at namimilipit sa sakit. Tinignan siya ng lalaki, namumula ang mukha niya. . .
"Huma-nda, ka, s-sakin, ugh!.. Mapapatay kitang babae ka..." Pilit na pagkasabi nito
Lumapit ang dalaga sa kanya saka tinapakan ng isang paa sa ulo nito...
"AAH!.." impit na sigaw ng lalaki
"Tss..." Tinulak pa ng babae ang paa niya sa lalaki
"AAAAHHH!!!" Sigaw pa ng lalaki
Patuloy pa rin sa pag-apak ang babae, tinapakan naman ng babae ang leeg nito.
"A-ahh!!! P-pat-tawad, d-di na m-mau-ulit! Pa-paki-usap, pa-k-kaw-walan mo a-ako!!" pagmamakaawa ng lalaki. Ngunit ngumisi lang ang babae at naaaliw sa pagtatauli ng lalaki
"*Grin* Pity." Komento niya, walang pasubaling binuhat niya ang lalaki na parang kay gaan lang nito at hinampas ito pabaliktad at nawalan na ng malay ang lalaki.
Matapos ang nangyari, naghintay na masagot ang tawag na tinatawagan ng babae. Kalauna'y nasagot na rin ito.
"Clean this mess." Awtoridad niyang sabi sa kausap niya sa telepono, at umalis.
-----------------------------------
Nasa biyahe ang mag-asawa papunta sa airport dahil tapos na ang business meetings nila. Nagmaneho si Xavier nang kausapin siya ng asawa niya
"Hon, di na ako makapaghintay na makita ang prinsesa natin" natutuwang sabi ni Esme
"Me too, hon. I can't wait to see our sweet angel. We were not there in her 11th birthday yesterday and didn't call her, I guess she's sad by now." Malungkot niyang salaysay
"Yeah, but we know our angel she always understand. I bet she'll be surprise pag-uwi natin. And I can't wait to tell her great news." Natutuwang sabi ni Esme, ngumiti lang si Xavier maski siya ay hindi rin makapaghintay sa magandang balita para kay Arrietty.
Napaisip bigla si Xavier na napakasuwerte niya sa babaeng ito (ilang ulit ba niya iniisip ito? Maraming beses na), nakapag pangasawa siya na mapagmahal at maunawain, nagkaanak ng maganda't talentadong babae...
Wala na siyang hinihiling pang iba kundi ang mapayapang buhay kasama ang kanyang pamilya. Sana ay ganoon na lang palagi... Pero alam niya mismo na malabong mangyari yon, lalo na't nasa paligid lang ang kaaway.
Hinalikan niya ang likod ng kamay ni Esme, na kanina pa niya hinahawakan...
"I love you, hon." Matamis na sabi ni Xavier sa asawa nito, sasagot sana si Esme nang makuta niyang bigla na lang may van na mababangga nila
"HON! LOOK OUT!!!" ...............
*Scrreeeeeeeeeeeccccccccchhhhhh*
->>>Fast Forward->>>
Nahihirapang lumabas si Esme sa nakataob na kotse, sa harap pa ng kotse nila ay nagliliyab na. Ang kanyang asawa ay nakahandusay sa tapat ng puno na naliliguan ng sariling dugo pati siya may dugo narin sa noo nito, may mga galos at malalim na sugat sa likuran niya. Kinapa-kapa niya ang phone bago tuluyang nakalabas. Linapitan niya si Xavier
"H-hon?.. Gumising k-ka... *cough*cough* hon??... X-xa-vier?" Tanong niya. Ngunit wala man lang tugon ang binigay ng kanyang asawa. Napahagulgol na lang si Esme nang malamang wala na itong buhay.....
Agad di-nial niya ang number ni Arrietty
Samantala sa Mansion...
Nag ehersisyo ng fencing si Arrietty ng may tumawag sa phone niya, tumigil muna siya at pinunasan ang kanyang pawis tsaka sinagot ang tawag.
"Hello mom." Kahit may masamang nararamdaman ang bata na hindi niya maipahiwatig ay masigla pa rin niyang binati ang kanyang ina
"A-arriet... *cough*cough*" panimula ng ina, bigla na lang siyang kinabahan sa tono ng ina na parang ba'ng may nangyaring masama nito. At pag tumawag kasi ito, laging 'my angel' ang unang bati nito. Di alam ni Arrietty na nagsusuka na ng dugo ang kanyang ina.
"Mom, is there something wrong? Are you sick? Where's dad?" Ilang sandali di niya narinig magsalita ang ina, kundi hagulgol.
"Arriet-ty... W-what ever happen---don't e-ever forget---what we've taught y-you--- you need t-to be-stronger." Umubo na naman si Esme, napahisterical si Arrietty at napatayo sa kina-uupuan...
"Mom!.. What happened?! Where are you?!" Naiiyak na tanong ni Arrietty, hindi siya tiyak kung anong kaba ang kanyang nararamdaman niya para sa kanyang mga magulang, na parang hindi maganda ang ayos nito
"M-my angel, we al-ways l-love you.....
A-ng k-kwi-ntas--- ...
2third--9thi-rd---4" hindi alam ni Arrietty ano ang pinagsasabi ng kanyang ina
"Mom! What are you talking about?" Tanong niya rito
"6se-second--8sec-ond---7..... *toot*toot*toot*" patuloy ng kanyang ina at naputol ang linya.
"Mom? Hello?!" Sigaw ni Arrietty pero di na niya makontak ulit ang ina niya. Dali-dali siyang lumabas ng mansion, na walang kaseguraduhan na kung saan siya pupunta.
Samantala...
Hinawakan ni Esme ang pisngi ng kanyang asawa, pilit na magsalita.
"Xavier, I love y-you, too..." Nanghihinang sabi niya, marami naring dugo ang nawala sa kanya. Sa huling patak ng luha ay binawian na siya ng buhay kasabay nun sumabog ang kotse.
Hell's POV
Bigla akong napabalikwas sa higaan, hinahabol ang hininga ko. Nakaramdam ako ng pawis sa noo ko, pinahid ko yun.
Napatingin ako sa side table at agad na in-off ang alarm clock, mabuti na lang...
Humiga ulit ako. Tinakpan ang mga mata gamit ang braso ko...
That nightmare again..... How many times have I dreamed about that?
After my birthday,,, my parents died that night...
Well, isn't it so tragic?
Napatingin ako sa kisame...
Haiist, ano pa ba ang hinihiga ko rito? Dapat maligo na ako at may pasok pa ako.
Bumangon ako, inayos ang higaan tsaka naligo.
Pagkatapos kong magbihis, tinignan ko ang sarili ko sa salamin suot ang uniporme ng Xiendez University.
Mahabang palda na kulay dark blue na may kulay light blue, red at purple na slant lines. Coat kulay blue na may logo ng XU sa may dibdib. May kulay light blue, red at purple rin na slant lines ang necktie na dark blue. Sa suot kong 'to, I paired it of a black leggings. Also paired with a white-black sneakers.
Bumaba na ako sa kwarto at dumiretso sa kusina, naabutan kong may nakatayo ng tuwid sa gilid ng lamesa at hinanda ang breakfast ko.
"Good morning, My Lady. Your breakfast has been served, eat well." That's Butler Norm, a personal butler of mine.
Umupo ako habang itinulak niya ang upuan. Nagsimula na akong kumain.
Butler Norm's been serving my parents for 29 years and he's already 43 yrs. old, makisig pa naman siya patunay lang na malakas pa siya. And people, don't even underestimate him. He's like a killer machine when it comes to battle. . .
Malaki ang utang na loob niya sa parents ko that's why nakakatagal siya samin. By the way, he's an Italian. After my parents died, he always take care of me, treat me as his own daughter, though I created some mess.
And I treated him coldly? Yes, I am aware of that.
Tapos na akong kumain, linigpit ni Butler Norm ang pinagkainan ko, hinanda ko naman ang sarili ko para umalis.
Hmm... I guess I'm ready to go.
Kinuha ko na yong bag ko at inilagay sa balikat ang isang strap.
"Should I accompany you to your school, My Lady?" Tanong ni Butler Norm habang nakasunod sakin
"No." Sagot ko tsaka tumalikod at lumabas ng pinto
"Ok, My Lady. Take care." Aniya niya, at lumabas na ako ng mansion. I don't feel like driving today so, papasabay ako sa isang malapit na tao sa akin...
I wonder what kind of day I'll face today...
I hope that it will be very exciting and fun.
New school, new environment, new faces, new haters...
And hello Hell...