WHITEFLOWER

4997 Words
Janelle Pov' "Mama nandito na'po ako" tawag ko sa aking ina na ngayon ay nag tatahi ng damit may pinabili itong mga gamit upang makatahi ito. Tinignan siya nito namay ngiti sa labi. Akala niya ay pagagalitan siya nito ngunit binigyan lang siya ng matamis na ngiti nito. "Pinapunta ka ni Philip sa mansion nila ayaw mo ba pumunta doon?" tanong ng ina. Napabuntong hininga ako sa tanong ni mama kong hindi siya pupunta doon ay magagalit lang ang mama niya at sasabihin na swail akong bata hindi yun pwede! "Opo mama pupuntahan ko pa siya ngayon kasi nag alala lang ako sa inyo dito baka kasi mapano kayo kapag wala ako" pag alala niya sa ina. Tumayo naman ito at hinawakan ang kamay niya at may dalang haplos. Nakikita niya sa mga mata nito ang pagiging emosyonal kapag nakikita siya. Hindi niya alam kong bakit ganito ang ina ko. "Jane, wag kana mag alala sakin. Kong makikita ka ng ama mo ba ka maging malungkot din siya" sabi ni ina. Napangiti ako ng mapakla sa pag alala ng ina ko mas gusto niya pa ang ganitong buhay simple lang at walang nang gugulo! Sa totoo ayaw ko na makita ang ama ko! Na iinis lang ako habang iniisip yun! "Aalis napo' ako mama." sabi ko. Ngumiti naman si ina. Agad ako nag bihis sa itaas isang dress na maputi. Habang nag lalakad ako papunta sa mansion ng Montemayor ay nakita ko naman ang mga taohan ni Philip na pinapaalis ang mga tao malapit sa gate ng Montemayor sa tingin ko ay na dudumihan ang mga taohan ni Philip sa mga magsasaka na nanghihingi ng buhis sa Montemayor. Na inis ako ng makita ko ang isang lalake na itinulak ang matanda kaya napadapa ito. Lumapit ako dito at tinulongan ang matanda. "Salamat ijah" sabi nito. Ngumiti lang ako bilang sagot. Tinignan ko ang mga taohan ni Philip. " Bakit mo siya itunulak! Hindi ba pwede na pagsabihan mo lamang o dikaya ay idaan sa salita! Bakit sa physical mo dinadaan?" tanong ko sa isang lalake na tumulak sa mantanda. Hinawakan naman nito ng madiin ang pesngi ko at itinulak ako ngunit sinalo ako ng mga tao. Ngumiti ako sa mga tumulong sakin. "Hoi, miss wala ka sa lugar na mag salita dito! Ako sayo umuwi kanalang sa bahay ninyo! Baka anong gawin ko sayo!" inis na wika ng lalake. Na inis ako sa mga walang kwenta na sinasabi nito. Bigla naman dumating si Philip. "Anong kagulohan na ito? Who started this mess!" sigaw ni Philip. Napabuntong hininga ako na lumapit dito kahit sa loob ko ay nandoon ang kaba na baka parusahan ako sa pangingialam ko ngunit ayaw ko na inaapi ang katulad kong hindi mayaman! "Sino? Ang mga taohan mo lang naman ang na una! Nakita ko sa dalawang mata ko na itinulak niya ang matanda!" galit kong boses. Napatawa pa ito na tumingin sakin parang wala itong pakialam sa mga sinasabi ko. "Bigyan niyo ng pera ang mga tao na nandidito! Ikaw naman Janelle sumama ka sakin!." sabi nito. Pumasok naman ako sa mansion sumalobong sa akin ang mga yaya sakin. Hinawakan ni Philip ang kamay ko at hinalikan ito ngunit mabilis ko ito binawi kaya naman napatawa ng nakakaloko si Philip. "Alam ko na nahihiya ka sakin! I will be your wife, so everything I do you will follow!." nakakaloko na sabi nito.Nainis ako sa sinabi nito! Ginagamit nito ang mama ko upang makasal kami pero hindi ako papayag! "Hindi mo ako magiging sayo kahit kailan! Akala mo ba mabibili mo ako? In your dreams!" sigaw ko. Umupo ito sa sofa at binigyan ako ng matamis na ngiti. Akala ba nito ay madali ako bibigay? Hindi pwede ito! "Kong hindi mo ako papakasalan papahirapan ko ang nga magsasaka dito!" inis na sabi nito. Bumilog ang mata ko sa sinabi nito hindi ko akalain na ganito ito ka demonyo! "Bakit ang dumi mo mag laro!" inis na sabi ko. Tumayo ito at hinawakan ang balikat ko. "Kapag ikaw na ang usapan! Gagawin ko ang lahat upang mapasaakin ka!." sabi nito. Hinalikan siya nito sa pesngi at bumaba sa hagdan. Inis din siya'ng bumaba at nandoon nadin ang mga magulang ni Philip. "Ijah totoo ng ang sinabi ni Philip sakin. Maganda kang dalaga" isang pilit na ngiti ang ibinigay ko kay madam Hena. "Kailan ang kasal niyo ni Philip?" tanong ng ama ni Philip. Tinignan ko si Philip upang tigilan nito ang sinabi ng ama nito na mag papakasal kami! May mga goal pa ako sa buhay upang makasal sa katulad nito na demonyo. "Dad nag iisip pa si Janelle ba ka hindi pa siya handa." salita ni Philip. Lumapit sakaniya si Philip at umakbay sakaniya. ginaya naman siya nito paupo. "Let's eat mom and dad. Mag sasabi kami ni Janelle kong anong date ang kasal namin!" kalmado na salita ni Philip. Hindi ko talaga alam anong takbo ng utak ni Philip! Bakit niya ako pinapasama sa kalokohan na ito? Alam naman nito na ayaw ko sakaniya! Bakit pinag pipilitan parin nito ang gusto? "Kilala niyo ba si Francis? Naging top one nanaman siya ngayon bilang isang business man sa bansang ito" masayang wika ni madam Hena. Ngumiti naman ako sa sinabi ni madam Hena. Gusto ko talaga makita sa personal si Francis dahil maganda ang pakikitungo nito sa mahihirap at binibigyan ng buhis ang mangsasaka. "You know honey I like that young man too! Gusto ko ang pakikitungo niya sa mga business man pati na sa mahihirap." nakangiti na pag sang-ayon ni don Pablo. "Alam niyo po' gusto ko rin si Francis na maging president sa bayan natin kasi inuuna niya ang mahihirap bago ang sariling interest" opinion ko. Tumingin ako kay Philip ngunit tahamik lang ito kumakain. Napabuntong hininga naman ako sa mga sinabi ko. Alam ko na tamaan ang lalake na ito sa mga sinabi ko. "Nabalitaan ko na gusto niya tumakbo bilang isang presidente ngunit pinipigilan siya ng magulang niya dahil about business lang ang gusto nito" sabi ni don Pablo. Kaya ayaw ko sa mayayaman, katulad ng tatay ko. Hindi ko nakikita ang mukha ng tatay ko at ayaw ko naman siya makita dahil iniwan nito ang mama ko! Wala akong pakialam sa mga ari-arian ng tatay ko! Basta ang gusto ko ay isang simpleng mga bagay lang tulad ng buhay ko ngayon. "Bakit ayaw mo tularan si Francis. Philip! Alam niya paano paikutin ang pera sa hindi marahas na gawain! Alam ko na nag rereklamo na ang mga magsasaka dahil kaunti lang ang pinapasahod mo sakanila!" galit na salita ni don Pablo. Napatayo naman si Philip at walang lingon-lingon sa magulang nito. Deritsyo lang ito lumakad palayo. "Ahm.. Kailangan ko narin umalis thanks for the good food" sabi ko. Tumango ang mga ito. Lumakad ako papunta sa gate ng nakita ko si Philip na pinapaliguan ang aso nitong si Martin lalapit sana ako ng bigla ko na alala si mama na kailangan pa pala siya mag luto ng makakain sa bahay. Habang nag lalakad ako ay nakita ko naman ang kotseng paparating sakin dahil sa gulat ko ay hindi ko nagawang umiwas! Akala ko mamatay na ako ngunit wala akong naramdaman na sakit. Lumabas naman ang lalake na nasa kotse at si Francis ito na isang mayamang negosyante. "Miss bakit ka kasi humarang sa daan?" tanong nito. Hindi ako nakasalita sa taglay na kisig nito at mala korean ang mukha. "Miss nasaktan kaba?" tanong ulit sakin nito. Nabuhayan naman ako ng loob at tumingin kay Francis. Ngumiti ito sa akin dahil siguro sa pagkatulala ko. Hindi ko alam anong gagawin o sasabihin. "A-ahm.. ayos lang ako" na uutal kong sabi. Hinawakan naman nito ang balikat niya kaya naging mabilis ang pag t***k ng puso ko sa sandaling ito. Matagal na siyang may gusto sa lalakeng ito ngunit hindi pwede dahil isa siyang mababang uri na kailanman ay hindi siya pwede rito. "Are you sure? Hindi ako mapapanatag kapag ganiyan ka. Are you really not hurt?" tanong nito. Tumango naman ako upang ipahiwatig rito na maayos lang ako at wag itong mag alala sa kalagayan ko. "Dahil nandito kanarin pwede ba ituro mo kong saan ang mga montemayor?" tanong nito. Ngumiti ako upang hindi awkward tignan "Oo naman" sagot ko rito. Iginaya niya ito papunta sa mansion ng mga montemayor. Ng makarating sila sa bahay ay tinignan siya ni Philip na may pagtatanong kong bakit ko ba kasama ang lalake na nasa gilid ko! "Philip long time no see" bati ni Francis. Hinawakan naman ni Philip ang kamay ko palayo kay Francis. Napabuntong hininga ako sa ginawa ni Philip kahit kailan ay wala itong magawa sa buhay! Kaya sinisiraan ako nito sa harapan ni Francis. "Ang strict mo naman Philip kapareho ng dati akala ko nag bago kana, Hays' na miss ko ang simoy ng hangin dito." sabi ni Francis at lumapit kay madam Hena at don Pablo. Binawi ko ang kamay ko na kanina pa hinahawakan ni Philip. Hindi niya ma intindihan ang lalake na ito! Akala ba nito ay pamamay-ari niya ako? Pwes! Managinip siyang gising! "Pwede bang mag usap na muna tayo sa labas?" tanong ni Philip. Sinamaan niya ito ng tingin dahil sa sinabi nito! Wala akong time na makipag biruan sa kagaya ng lalake na ito! Aalis sana ako ng bigla nito hinablot ang braso ko kaya wala sa oras ay napasunod ako nito papunta sa garden ngunit lakas loob ko binawi ang kamay ko. "Ano ba talaga ang problema mo Philip? Ang ibang-iba na talaga ng kilos mo ngayon! Hindi naman kita boyfriend upang maging strict ka sakin!" inis kong wika. Napabuntong hininga ito tumingin sakin, nakikita niya sa mga mata nito na labis na nasaktan sa sinabi ko o dikaya ay nadismaya ito sa sinabi ko. "May gusto ka ba kay Francis?" tanong nito. Umiwas naman ako ng tingin kay Philip kaya alam na nito anong sagot ko sa tanong nito. "Talaga bang ayaw mo sakin? Ilang taon pa ba ako mag hihintay sayo Janelle! Simula bata ay magkasama na tayo! And now you always avoid me!!" paos na salita nito. Inis ko binigyan ng makahulogan na tingin si Philip! Hindi paba alam nito anong sagot? "Hindi mo alam anong sagot?-" inis kong wika. Tinuro ko naman ang mga tao na hindi kalayuan ay makikita ang mga magsasaka na nag tatanim. "-Kaya ayaw ko sayo dahil sa ugali mo! Simula bata ay pinag bibigyan kita sa mga gusto mo! At ngayon alam ko na kong ano ka kaya hindi na kita magugustohan!" sigaw ko. Hinawakan naman ni Philip ang kamay ko. "Gagawin ko ang gusto mo! I will pay them even more! Pakasalan mo lang ako!" sabi nito. Kinakausap nito ang mga mata ko na pumayag ako sa mga sinabi nito. "Baliw ka na! Na obsess kana sakin! Ilang beses na kitang sinabihan na ayaw ko mag pakasal sayo! Mahirap bang intindihin yun!" Inis kong wika. "I'll make sure we can be together whether you don't want to or not! Ang mama mo pumayag na sakin" sabi nito. Ito naba ang sinasabi niya! Gagamitin nanaman nito ang mama ko upang makasal kami pero hindi ako papayag "Baliw ka na!" napailing kong wika. Umalis naman ako sa harapan nito dahil sa inis. Nang nakapasok ako sa mansion ng mga Montemayor ay agad ako tinawag ni Francis nakita kasi siya nito na parang wala sa sarili na nag lalakad. "Ayos kalang?" tanong nito. Ngumiti ako ng mapakla. Sino ba naman ang hindi maiinis sa ginawa ni Philip? Gusto siya nito kunin? Wala nabang magawa ang lalake na iyon? Kong bakit siya pa ang pinili nito? Madami pang babae na mas karapatdapat sa lalake na iyon! "Ayos lang ako, nakausap mo naba si madam Hena at don Pablo?" tanong ko rito. Tumango naman ito saka ngumiti. "Tapos na ang business ko dito. Pwede mo ba ako igala sa hacienda?" tanong nito. Ngumiti ako dito, kahit papaano ay mawala din sakaniyang isipan ang lalake na nag papahirap sakaniyang isipan! Iginala niya naman si Francis sa magarang garden ni madam Hena. Siya ang nag aalaga sa garden na ito ngunit noon nalang yun dahil kay Philip ay ayaw ko na mag tanim dito. Maraming alaala na bumabalik sa isipan ko kapag nakikita ko ang garden na ito ang alaala namin ni Philip mula sa pagka bata. [Memories back] Nakangiti ako habang tinitignan ang mga tulips na mapuputi at rosas na mapuputi ewan ko ngunit nasisiyahan ako dito habang tinitignan ito. Nakaupo ako sa bench ng may humawak sa balikat ko si Philip. Nakangiti ko minamasdan si Philip na ngayon ay ngumingiti na para bang wala nang bukas ang ngiti nito. "White flower?" tanong nito. Nag oo ako rito kaya inilagay nito sa kaliwang tenga ko ang white rose na dala nito. Naamoy ko naman ang white rose na ibinigay nito sakin. Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko napataas ako ng kilay dahil malambot ang kamay nito na para bang walang binibuhat na mabibigat. "May sasabihin ka ba sakin?" tanong ko. May kinuha naman ito sa pocket nito isang ring na isang rosas ang hugis. Hilig ako sa nga rosas kaya ito ang ibinibigay nito. "Bagay sa makainis mong kamay. Did you like it?" tanong nito at winawari ang mukha ko na gustohan ko ba ang bigay nito. Agaran ko naman inalis sa kamay ko ayaw ko ng mga mamahalin na gamit katulad ng ibinigay nito. "A-ayaw ko. Alam mo naman na ayaw ko sa mamahalin na gamit!" inis kong wika. Ngumiti naman ito ng nakakaloko at ibinalik nito sa ring finger ko. Tinignan siya nito sa mga mata. "Wag kang mag alala hindi siya mamahalin bumili ako ng maganda na ring pero fake siya don't worry ok!" sabi nito. napangiti nalamang ako ng bahagya. Akala ko mamahalin ang ibibigay nito sakaniya. Nag sabi narin kasi siya dito na wag siya bibilhin ng mga magagarang gamit dahil last year ay todo bigay ito ng mga gamit sa mama ko at puro mamahalin kaya simula sa araw na iyon ay na inis siya at hindi kinausap ito. Ngunit palagi naman siya nito binigyan ng sorry kaya binigyan niya ito ng chance na makipag kaibigan ulit sakaniya.. Tumingin ito sa mga mata ko ngunit na bigla siya ng halikan siya nito bago siya mawala sa sarili ay agad ko itong itinulak palayo. "Sorry, kailangan ko pang umalis" sabi ko. Nabigla ako sa ginawa niya bata pakami at wala pa kami sa saktong gulang upang gumawa ng kalokohan! "Janelle!! Janelle!!" tawag nito ngunit hindi na ako lumingon at tuloyan umalis sa mansyon! [Memories End] Kaya hindi na ako nag pakita ulit sakaniya pero obess parin sakin si Philip kahit anong gawin ko na pag papaalis kay Philip ngunit balik ng balik parin ito saakin! "Ahmm.. memories back?" tanong ni Francis. Inayos niya naman ang sarili. Nakakahalata siguro si Francis sa expression ng mukha niya namay biglang na alala. "Ah.. wala. Pumunta muna tayo sa mga farmers nila don Pablo" sabi ko. Nag iba naman ang mukha nito akalay alam ang nasa isip ko. "Wag na muna. May meetings pa akong pupuntahan, salamat sa pag gaya sakin" sabi nito. Ngumiti ako dito. Tinignan niyang palayo na si Francis ay agad siya nakahinga ng maluwag. Wala naman akong gagawin sa hacienda kailangan ko narin umuwi sa bahay. Habang nag lalakad ako ay naabotan ako ni Venus kaya dalidali ito pumunta sa gawi ko. May kinakain itong kamote binigyan naman siya nito ng isa. "Jane! alam mo ba na si Philip pumunta sa bahay niyo ngayon lang?" sabi nito. Napahinto ako sa paglalakad. Si Philip nasa bahay namin? Paanong nangyari na nakapunta sa bahay ang lalake na iyon? May ibinigay nanaman ba ito kay mama upang ipapayag ako na ipakasal sakaniya! No way! Napatakbo naman ako papunta sa bahay at sakto dahil nandoon ng si Philip kasama si mama na nag iinom ng alak. Ng tuloyan ako makapasok tinawag ako ni mama. "Nak, magiging husband mo na ang pinakamayaman sa ating kabukiran! Si Philip Urban Montemayor at ikaw ay magiging Jenelle Rodriguez Montemayor!" lasing na pagkasalita ni mama. Tumayo naman si mama at hinalikan ako sa pesngi. Agad ko niyakap si mama dahil parang babagsak na ito. Inilalayan niya naman ito papunta sa kwarto. "Imannuel bumalik ka!" inis na wika ni mama ngunit isang bulong nalang yun na sakto sa pandinig ko. Hindi ko akalain na ganun padin ka mahal ni mama si papa na pinagtabuyan sila ng twenty years! Hindi niya talaga mapapatawad ang ama sa pag iwan saamin! Ng makatulog ang ina ay agad siyang lumabas sa kwarto. Tumingin siya kay Philip na lumalagok parin ng alak nag alala naman ako para sa lalakeng ito! Wala naba itong magawa sa sarili? Kinuha ko sa mga kamay nito ang alak na muli na ilalagok nito. Tumayo naman ito at niyakap siya ng mahigpit. "Umalis kana!" nag aalangan na sabi ko. Alam ko na madaming nag iinoman sa labas at alam niya rin na magugulpi ito sa ibang lasenggo! Maraming mga tao na ayaw sa lalakeng ito dahil sa ugali na pinapakita nito. "Aalis ako kapag narinig ko na mahal mo ako!" sabi nito. Napalunok ako sa sinabi nito. Mag sisinungaling nalang yata ako upang makaalis na ito sa bahay namin ni nanay! "Mahal kita bilang kaibigan Philip" sabi ko. Kumalas naman ito sa pagkakayakap at wala sa sarili itong lumabas sa bahay. Tinignan ko naman sa bintana kong nakaalis na ba si Philip ngunit sa hindi kalayuan ay nakita niya na binugbug si Philip sa mga lasinggero na mga pinsan ko at mga kaibigan ng mga pinsan ko. Agad naman ako tumakbo papunta doon upang tigilan nila ang pagbugbug kay Philip. "Tristan tama na!!" galit kong sigaw. Tinulongan ko naman makatayo si Philip umakbay naman ito sakaniya upang hindi ito mahulog. "Pinsan! Gugustohin mo ba na mag pakasal sa lalake na iyan? Mabait ka insan upang magpakasal sa gag* na lalake na iyan!" sigaw ni Tristan sumang-ayon naman ang iba sa sinabi ng pinsan ko. "Alam ko ang bagay na iyan Tristan! Pero tao din naman siya Tristan!" sabi ko. Napabuntong hininga naman si Tristan sa sinabi ko. "Mag pasalamat ka mabait ang pinsan namin! Kapag ulit nang gulo ka sa bahay ni tita Teresa hindi lang gulpi ang aabutin mo!" inis na linta ni Ricky ang isa ko na pinsan. Pagkatapos ang eksena na iyon ay agad ko inalalayan si Philip papunta sa mansyon nito na hindi kalayuan sakanila kaya nadala niya ito na maayos. Ng makarating sila sa kwarto ay isinalpak niya ito na itinapon sa kama bago siya makaalis ay hinawakan ni Philip ang kamay niya papunta sa bisig nito. Tinitigan ko mabuti ang mukha ni Philip na may mga pasa' ito. May lakas naman ako tumayo kahit nahihigop na siya sa karesma na ibinibigay nito sakaniya. Kinuha ko naman ang first-aid-kit sa ilalim ng closet nito ng nakuha na niya ang kakailanganin ay agad siya pumunta sa gawi ni Philip. Umupo siya sa kama at nilalagyan ng ointment at mga sugat nito sa bibig ilong at pesngi nito. Niyakap naman siya nito kaya lalo mas lumapit ang mga mukha namin. Dumilat naman ito kaya nagulat ako sa pag tingin nito sakin. "Nandito kaba talaga?" tanong nito. Nakikita sa mga mata nito ang labis ng tuwa habang hinahaplos ang kaniyang pesngi gamit ang malambot na palad nito. "Kailan ko ba makukuha ang puso mo Janelle? Kailan? How many years have I been waiting for you! Upang makuha ko lang ang puso mo! Please! Pwede ba na mahalin mo ako!" pakikiusap nito. Binigyan ko na gulat na mukha si Philip. Ano ba dapat ang sasabihin ko? Hindi ko alam anong nararamdaman ko! Nag dadalawang isip pa ako! Paano..paano ba kita mahahalin? "Sana.. Kong panaginip nalang sana hindi na ako magising" sabi nito. Tumulo ang luha ko, pinipigilan ko ang sarili ko na mahalin ang kagaya mo Philip baka isang araw pag sisihan ko ito. Tumulo din ang isang butil na luha ni Philip at pumikit na ito. Napatayo naman ako dahil nag halo-halo sa akin ang kaba at inis sa aking nararamdaman! Philip pov Nagising ako na sapo-sapo ang ulo ko. Agad ako pumunta sa banyo upang mahimasmasan ako. Habang nag sa-shower ako ay na alala ko namay isang babae na pumasok sa kwarto ko kahapon is that Janelle? Malabo naman kong si Janelle! That woman doesn't want to see me or talk to me paano maging si Janelle iyon? Ng makatapos ako sa pag shower ay agad ako pumunta sa kusina upang kumain ngunit matamis na ngiti ang ibinigay ni mama sakin. "Maganda ba ang tulog mo anak?" tanong nito. Nagulohan naman ako sa sinabi nito ang pagkakaalam ko ay wala na itong pakialam sa anong gagawin ko dahil malaki na raw ako. "Anong ibig niyong sabihin" tanong ko. Sumakit naman ang pesngi ko. Ah! Masakit parin ang suntok ng mga pinsan ni Janelle! I don’t really know what Janelle’s cousins ​​thought of me why I was punched! Nakakainis ang pangyayare! "Did you know that Janelle came into your room last night? Maybe something happened?" tanong ni mom. Tinignan ko si mama kong nag bibiro ito but I don't think it's a joke dahil seryoso lang ito nakatingin sakin. "Are you serious? Si Janelle ang nag hatid sakin? Ang labo naman" sabi ko. Ngunit ngumiti lang ito nakakaloko na parang bang na nunudyo ang mga tingin. "Ano ka ba naman anak! Sabihin mo na! Ano may ganap ba sa inyong dalawa kagabi?" tanong nito. Si Janelle ng ang pumunta sa kwarto ko. Isn't that a dream? "No mom, walang nangyare sa amin" tipid na sagot ko. Nawalan naman ng ngiti ang ina ko dahil buto na buto siya kay Janelle dahil sa angking galing nito sa pag-aaral ang ina niya ay namimili ito sino ang kaniyang magiging asawa at kailangan ay high class ang mapapangasawa ko. "Hindi pa ba siya ready? Oh ikaw lang ang torpe? Ano kaba naman Philip ito na ang chance mo para ma pa saiyo si Janelle!" sabi ni mom. Napangiti nalamang ako dahil kung mapapasakaniya si Janelle ay wala nang balikid dahil supportado siya sa ina at ama. "Di ba girlfriend mo na si Janelle kaya pwede naman kayo gumawa ng apo kahit anong gustohin niyo suportado ako sa inyo" nunundyo na salita ni Mom. Napangiti ako habang kumakain ng pagkain. Nakangiti ako dahil na alala ko na pinag-tanggol ako ni Janelle sa mga pinsan nito. "Ginagalang ko parin siya mom mag hihintay nalang ako ng oras kong kailan" sabi ko. Nag simula sila sa pagkain ng may tumawag sakin isang taohan ko na nag babantay sa mga magsasaka agad ako tumayo baka nandoon rin si Janelle palagi kasi nito pinagtatanggol ang mga tao doon dahil alam nito namay pagtingin ako sakaniya kaya ginagamit ako nito upang hindi mapalayas ang magsasaka gusto ko na kunin ang kalopaan dahil may itatayo ako dito. Sumakay ako ng kabayo papunta doon dahil maputik ang daan. Ng makarating ako sa kapatagan kong saan nag papahinga ang mga magsasaka. Nakita ko naman si Janelle na binibigyan nito ng mga pagkain ang mga magsasaka ang iba ay nakangiti kapag na bigyan na ng pagkain. I stopped when I saw Janelle smiling as she gave food to the people gusto ko ulit makita ang mga ngiti nito na ilang taon ko na hindi nakita I also saw how fun it is when it gives people food kaya ang swerte ko siguro kapag naging asawa ko na ito. "Boss! Hindi niyo ba sila pagagalitan? Hindi pa sila nag tra-trabaho boss!" salita ng isa niyang taohan. Tinaas ko ang kamay ko upang pigilan ang mga taohan ko na makialam sapat na sakin ang nakita ko na masaya si Janelle. Nakita ko naman si Janelle na tumingin sakin nawala ang ngiti nito at bakas sa mukha nito ang galit baka ang nasa isip nito ay gusto ko agad mag tanim ang mga magsasaka. Pagkatapos bigyan nito ang mga magsasaka ng pagkain ay lumapit ito sakaniya kaya binigyan niya ito ng ngiti. "Ano nanaman kaya ang balak mo sakanila?" tanong nito. Nakikita ko sa mukha nito ang labis na galit nawala naman ang ngiti sa labi ko akala ko ay mag papasalamat ito dahil hindi ko sila dinisturbo mali pala ako. "Gusto ko lang makita ka hindi ba pwede?" tanong ko. Hinawakan ko ang itim na buhok nito at mahinang hinaplos ngunit lumayo ito sakaniya ng ilang distansya sapat lang na hindi niya ito mahawakan. "Kumakain pa sila! Bakit ka ba pumunta dito! Babalik din naman sila sa mga kaniyang-kaniya na trabaho nila!" inis na wika ko. Binigyan ko naman na matalim na tingin si Janelle, hindi ko nagustohan ang pag bibintang nito! Oo ganito ang ugali ko pero may puso din naman ako! "Lalapit ka sakin o pababalikin ko sila sa pagtratrabaho agad! Mamili ka!" pagbabanta ko. Kahit labag ito kay Janelle ay lumapit parin ito sakaniya kaya unti-unti ito lumapit kaya binigyan niya ito ng yakap. "Same as I said, nandito ako para sayo hindi sa mga magsasaka! Alam mo ba na miss kita agad" sabi ko at kumalas na ako sa pagkakayakap at binigyan ko ito ng halik sa noo. "Maghihintay ako na mahalin mo ako Janelle hindi ako magsasawa na hintayin ka" mahina ko na salita dahil siguro hindi ko maibuka halos ang bibig ko dahil na iinis ako sa mga sinasabi ko ang rupok ko kapag ang babae na ito ang kaharap ko!. "Alam mo Philip wag mo na ako hintayin kahit kailan hindi ako mahuhulog sayo" pagkatapos yun sabihin ni Janelle ay umalis na ito sa harapan ngunit wala siya'ng paki kong pagtabuyan siya nito kapag mahal ko ipaglalaban ko. Aalis sana ako ngunit na bigla ako namay humawak sa kamay ko at isang bata ito sa pagkakaalam niya ay na sa five years old dahil siguro hanggang leg lang ang taas nito. Napaupo ako at tinignan ang bata. "Daddy.... gusto ko ng pagkain" sabi nito. Nabigla siya sa sinabi ng bata masarap pakinggan ang salitang daddy ngunit sorry nalang dahil gusto niya lamang ito marinig sa magiging anak nila ni Janelle. Umupo naman ako upang pantayan ang taas nito hinaplos ko naman ang itim na itim na buhok nito mas gwapo siguro ito sakaniya kapag malalaki na ito dahil sa taas ng ilong nito at parang na sa mamahalin ito nakatira base narin sa pananamit at kutis. "Baby boy nasaan ang magulang mo?" tanong ko sa bata. Napangiti ito habang nilalaro nito ang kaniyang pesngi at bahagyang pinipisil. "Ang mom ko po nag tratrabaho si mommy Janelle lang po ang nag aasikaso sakin kapag wala si mom" sabi nito. Si Janelle pala ang nag babantay sa batang ito kaya pala parang mayaman ang kutis dahil na sa lahi pala nila ang pagiging kutis porselana. Binuhat ko naman ito kaya napangiti ito. "Carlo?" inis na tanong ni Janelle ng lumapit ito sakanila. Kaya ang ngiti sa labi ni Carlo ay nawala ng makita si Janelle. "Mommy gusto ko lang naman mag laro kay daddy eh. Nice guy naman siya mommy eh" sabi ni carlo. Kukunin sana nito si Carlo ng madilim ko ito tinignan kaya hindi na ito nag balak na kunin ang bata na buhat niya ngayon. "Carlo kapag hindi ka bumaba aalis ako! Isa! Dalawa!-" "Daddy please, wag niyo po ako ibalik kay mommy ayaw ko sakaniya ang strict niya sakin kahit cellphone hindi niya ako pinapahiram palagi niya ako pinababasa ng mga books! Ang bored na pa ulit-ulit nalang!" sumbong ng bata. Tinignan ko si Janelle kong anong reaction nito sa mga sinasabi ng bata ngunit wala itong reaction. "Baby Carlo gusto mo mag laro sa bahay ko? Marami akong laruan doon" sabi ko. Bigla naman na inis si Janelle sa sinabi ko kaya binigyan ko ito ng walang pakialam kong anong magiging reaction niya dahil hindi ako nadadala sa pagkataray nito sakaniya. "Hindi mo siya daddy ok? Carlo halikana!" inis na wika ni Janelle tila naiinis na ito sa katigasan ng bata. "Sabi ni mom na daddy ang itatawag ko sakaniya dahil magiging asawa muna siya mommy" sabi ng bata. Kaya si Janelle ay namula ang mukha nito hindi sa kilig o ano ngunit galit na ito. "Ang Hazel na iyon!" inis na sambit ni Janelle. Tinignan siya nito na pinapayagan na siya na isama ang pamangkin nito. "Salamat mommy! Ba-Bye" sabi ni Carlo at binigyan siya halik sa pesngi. "Philip pupuntahan ko siya mamaya at wag mo siyang masyadong ee spoiled!" inis na wika ni Janelle. Tatalikod sana ito ng agad ko hinawakan ang balikat nito kaya inis ito tumingin sakaniya. "Sasama ka samin kahit sa ayaw mo!" sabi ko. Napabuntong hininga naman si Janelle at sumama na lamang ito sa akin. "Alam mo mommy maganda ka kaso napakasuplada mo kay daddy kaya pumapangit ka tuloy!" sabi ni Carlo. Tinignan ko naman si Janelle ngunit umiwas ito ng tingin sakaniya kaya napabuntong hininga na lamang ako. Ng makarating sila sa mansyon ay hinayaan ko na kunin si Carlo sa mga yaya upang ihatid ito sa room na puno ng laruan "Sundan mo siya baka mawala ang batang pasaway na iyon! Ikaw na ang nag sama sakaniya dito ikaw din ang mag alaga sakaniya! Babalik na ako sa bahay" inis na paalam ni Janelle. Aalis sana ito ng bigla ko na hawakan ang kamay nito kaya napahinto ito at tinignan siya namay pagtatanong. "Hindi ko pa sinabi na aalis ka!" inis na sabi ko. Binawi naman nito ang kamay ko. "Hindi lahat ng oras ay nandito lang ako! Hindi katulad mo na palagi lang sa bahay!" galit na sabi nito at mataray itong umalis! Napipikon ako sa ginagawa nito! Alam ko na mahirap ko makukuha ang puso nito ngunit handa ako mag hintay! Mag hintay na maging saakin na ang puso nito! "Kaya kitang paamohin Janelle! Bigyan mo lang ako ng oras upang magawa ko yun" Sabi ko. Nakangiti ko minamasdan sa di kalayuan ang pag-lakad ni Jane.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD