Chapter 3

1951 Words
ALPHA MARCO Madilim na ang paligid nang matapos kami sa meeting ng mga executive at stockholder ng Smith and MN Corporation. It's our monthly report at marami akong kailangang pagtuunan ng pansin, lalo na at marami ang ka-kompetensya sa negosyo. Bilang CEO kailangang ma-balance ko ang lahat, lalo na ang income at profit ng kumpanya, kung saan umaasa ang libo-libong mga tauhan ko. I'm Marco Smith, a most sought bachelor in town. A well-known and respected CEO, an alpha in werewolf land. At my twenty-seven years of existence, I'm not giving up my hopes that one day, magkikita rin kami ng babaeng itinakda sa akin ni Moon Goddess. Ang kalahati na bumubuo sa pagkatao ko, my mate. Halos nalibot ko na ang buong mundo sa paghahanap sa kanya, pero hindi ko siya matagpuan. Malimit akong pumunta at dumalo sa mga pack meeting at gatherings sa pag-asang magkikita na kaming dalawa pero hanggang ngayon ay bigo ako. I'm beyond devastated, matapos akong mabigong matagpuan siya noong seventeen birthday ko sa pack land namin at unang pagkakataon na nag-shift ako. It's so sad na after ko mag-first shift, wala siya sa tabi ko. In a werewolf land, malalaman namin kung sino ang mate namin, pagdating ng seventeen birthday, kaya talagang excited ako. Sa pagdaan ng mga araw, things remain the same. Nagma-manage ako ng kumpanyang pamana ni Alpha Marc Smith, my father and a former alpha habang pinamumunuan ang Akerele Moon Pack. Ang pack na pinamunuan ng clan ko at pinangangalagaan simula pa sa great grandfather ko. Doing my duties and leading a huge pack at the same time was not an easy job, lalo na at hindi ko pa natatagpuan ang mate ko. She my Luna, my pack future Luna. I wonder where is she or Is she really exist? Baka naman mate less talaga ako. Nalungkot ako sa bagay na naisip ko. "Moon Goddess won't let it happen. Alam ko," sagot ng wolf ko na si Kennedy. I pray to her daily na kung wala pa siya ngayon sa mundo, sana isang araw, isilang na ito at tadhana ang magtatagpo sa amin. Papatayo sana ako ng swivel chair ko ng biglang nakaramdam ako ng kakaiba at hindi ko maipaliwanag na matinding sakit na nanuot sa buong katawan ko, dahilan para manghina at mapa-upo ako. "What was that?" naguguluhan na tanong ko sa sarili. My wolf Kennedy suddenly reacted. "Something is wrong Marco. Kanina pa ako restless, parang may masamang nangyayari or mangyayari," wika nito. Hindi ko na sinagot ang wolf ko and I take control immediately. To make sure na walang problema o anumang masamang nangyayari, nag-mind link ako sa beta ko na si Prospur. "Beta, kamusta d'yan sa packhouse, is everything okay?" tanong ko agad. "Yes, alpha," mabilis na sagot ni Prospur. "Look, hindi maganda ang pakiramdam ko, parang may hindi magandang mangyayari. Alert all the pack warriors, guard the whole place and alert all the warriors in all borders. Anything, update me as fast as you can," utos ko sa beta ko. "Copy, Alpha," mabilis na sagot ni Prospur. "Right away," sagot ng beta ko, bago ko pinutol ang mind link connection naming dalawa. Ito ang aming way of communications. Segundo lang ay connected ka na at hindi na kailangang maghintay gaya ng usual na telephone o cellphone. Matapos ang isang oras ay naramdaman kong nasa mind link ang beta ko. "Alpha, everything is set, kung tama man ang hinala mong may masamang mangyayari ay handa tayo." "Okay, Prospur, ikaw na ang bahala, marami akong tatapusin dito sa opisina at baka hating-gabi na ako makauwi," sabi ko. "Anong nararamdaman mo, Marco?" tanong ng kaibigan ko. "Hindi ko alam, kanina pa ako kinakabahan. Restless rin si Kennedy at halos ayaw manahimik. Gustong siya ang mag-take control. Tapos kani-kanina lang may naramdaman akong sakit na bigla na lang sumulpot," paliwanag ko, sabay pakawala ng malalim na buntong-hininga. "Alpha, hindi kaya may masamang nangyayari sa mate mo?" logical na tanong ni Prospur "Possible…" Paano nga kung may masamang nangyari sa kanya? Sa isiping iyon ay napatda ako at mabilis na napatayo habang kuyom ang kamao. "No, that can't be happen, hindi ko pa siya nahahanap. I have to go out there and search for her," wala sa sariling bulong ko na alam kong narinig ng kaibigan ko, dahil matalas ang pandinig ng mga nilalang na katulad namin. "Take control while I'm not around," utos ko sa kausap ko. Kailangang mahanap ko ang mate ko bago pa maging huli ang lahat. "Why I'm so stupid?" inis na bulong ko at sinisisi ang sarili. "How on earth an Alpha like me didn't manage to recognize the mate bond. Ang matinding sakit na bigla kong naramdaman kanina is a sign that she's somewhere close here. Closer, and the fùck of me just lock myself in that four-corner of wall. I'm such an idiot!" gigil na paninisi ko sa sarili ko. "Stop blaming yourself, go and look for her," utos ng wolf ko na si Kennedy. "Yeah, yeah, right," sagot ko at mabilis na sumakay sa sasakyan. I roam the streets, parks and some establishments inside the whole city. Pero walang nangyari. It's past midnight na kaya nag-decide akong umuwi na. Iniwan ko ang sasakyan sa tabing kalsada at mabilis na nagpalit ng wolf form ko. It's bright full moon night, napakasarap sa pakiramdam na tumakbo habang sumasayaw sa hangin ang mga balahibo. Ito ang pinaka-relaxing time ko bilang wolf. Ang tumakbo habang bilog na bilog ang buwan na para bang binibigay nito ang lahat ng kapangyarihan sa mga nilalang na kagaya ko sa mga oras na ito. Malapit na ako sa packland ng tumigil ako sa isang sapa. Uminom ako saglit at tumingin sa buwan. "Moon Goddess, sana matagpuan ko na ang aking mate. Sana ito na ang huling kabilugan na hihingin ko sa inyo ito. Please grant my wish, I'm so lonely without her by my side," mahinang usal ko. Umihip ang hangin at naamoy ko ang amoy strawberry scent. Halo ito sa mga amoy ng human scent. Nilingon ko ang paligid at napansin ko ang grupo ng mga lalaking papalayo. Sa matalas na pang-amoy at pandinig masasabi kong malayo na ang mga ito at more than kilometer ahead. I wonder kung ano ang ginagawa ng mga tao sa border ng packland. Hindi kaya mga hunter sila kaya narito? "Pero wala akong naamoy na kakaiba," sagot ni Kennedy. "Let's go and follow the sweetest scent I ever smell," sabi ng wolf ko na hindi mapakali. Habang binabagtas ko ang masukal at mabatong bahagi ng gubat, lalo lamang mas lumakas ang naamoy ko, ang mabangong amoy na nalalanghap ko. "It's my mate, she's here," bulalas ko at tatalon-talon sa malalaking bato para mabilis ko siyang mahanap. Malapit ko ng mahanap ang pinanggagalingan ng mabangong amoy na naamoy ko ng manigas mga paa ko. Amoy dugo! "What the f**k happened here?" maang na tanong ko. Tumalon ako sa likod ng malaking bato at bumulaga sa paningin ko ang pinanggagalingan ng mabangong amoy na hinahanap ko. My mate. She's here, lying on the ground, full of blood. Wounded and bruised. "Goddess, what happened to her?" Nanghina ako sa nakita ko ng magsalita si Kennedy. "Save our mate! Save my mate! Save her!" Mabilis akong nag-anyong tao at wala akong pakialam kung hubo't hubad man ako at mabilis kong sinuri ang kondisyon ng babaeng ngayon ko lang nakita, pero sigurado akong mahal ko na. I thank goodness she is still alive and breathing, pero sobrang hina nang tîbok ng puso. Wala akong sinayang na oras at nag-mindlink ako sa pack warriors at Beta na ihanda ang hospital. "Find the best doctor who will attend my mate right away," utos ko at saka maingat na binuhat ng mga kamay ko ang babaeng unang nakita ng mga mata ko ay alam ko nang mahalaga na sa buhay ko. Mabilis akong tumatakbo habang yakap at buhat ko ang mate ko. Mas mahina na ang kanyang bawat paghinga at walang tigil na umaagos ang malapot na dugo. Sa takot na maubusan ito ng dugo ay humagibis at binilisan ko pa ang pagtakbo. Fùck! I'm a strong Alpha, pero heto ako umiiyak na tumatakbo para sa buhay ng mahal ko. Yes, I have loved her since the moment I laid my eyes on her. Ganon kalakas ang mate bond. Narating ko ang hospital at agad ko itong inilapag sa hospital bed. "Alpha, kami na po ang bahala sa kanya," sabi ng dalawang pack doctor. "Sa labas po muna kayo, please," mahinang pakiusap ng kaharap ko. "f**k, f**k! Just do your fùcking job and save her," malakas kong sigaw na nagpatigil sa sasabihin pa sana nito. "I'm sorry, Alpha. Hindi po namin magagawa ng maayos ang trabaho namin kung nandito ka," mahinahong pakiusap ulit nito. "Nakikiusap po kami para sa kaligtasan ni Luna." Nakita kong tinurukan ang mate ko ng kung anu-ano at pagkatapos ay nagsimula na silang lapatan siya ng lunas. Hinawakan ako ng lima sa pinakamalakas na pack warriors at niyayang lumabas ng silid. Kung gugustuhin ko ay kaya ko silang itapon ko lahat sa labas ng bintana ay magagawa ko, pero dahil buhay ng mate ko nakasalalay lulugo-lugo akong lumabas. "Beta, go and summon the healer witch," utos ko agad sa kasama ko. "Leo, pick the best warriors we have, lead and go to the west border and do your best to get anything we can use to know what really happened to my mate," nanginginig sa galit na utos ko. Kulay pula na ang paningin ko at anumang oras ay makakapatay ako ng kahit na sino. My mate here is dying. I need to know who the hell have the guts to lay a fùcking finger to her. How dare they hurt her this way! He must die! I swear to Moon Goddess, I'm gonna kill them all if anything bad happens to her. Isang tawag ang nagpabalik sa akin sa katinuan ko. "Alpha," tinig ng doctor na gumagamot sa mate ko. "Kumusta siya?" mabilis na tanong ko. "She's safe now na-revive namin siya. Kaunting minuto na sana kung nahuli ka, baka hindi na niya nakayanan. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya, kaya kinailangan namin siyang salinan ng dugo," mahabang paliwanag ng pack doctor na kaharap ko. Pumasok ako sa loob at talagang nanlumo ako sa nakita ko. Puro pasa ang buong mukha ng mate ko. Putok ang kilay at labi, may sugat rin sa mata at pisngi. Nakuyom ko ang kamao ko. Karumal-dumal ang sinapit ng mate ko sa malupit na kamay ng kung sinong may gawa nito sa kanya. Mukhang pinahirapan muna siya ng husto, bago pinagtangkaang patayin. Pito ang tama ng bala at laking pasasalamat kong walang tinamaang mga organ maliban sa bituka. Napaiyak ako at hindi napigilang maluha. I was really devastated seeing her poor condition like this. Kaunting minuto pa sana kung hindi ko siya nakita ay posibleng mamatay ang mate ko ng hindi ko nalalaman na nasa pack border lang ang babaeng ilang taon ko ng hinintay. Hinawakan ko ang mga kamay ng aking mate at pinag-bigkis. "I'm sorry, Luna, hindi man kita na protektahan noon at nangyari ito sa 'yo sa mga panahong hindi pa kita nahahanap pero this time, pinapangako na walang sinuman ang p'wedeng manakit sa iyo. I'll protect you at all costs, even if it's costing my own life." Hinalikan ko siya sa noo saka kinuha ang upuang nasa tabi niya at naupo sa tabi ng hospital bed na hinihigaan ng mate ko. "Matulog ka lang para gumaling ka agad. Promise, nandito lang ako, babantayan kita. You're safe here, my Luna," mahinang bulong ko na dinala ang kamay niya sa labi ko ay isang magaang halik ang iginawad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD