Nagising akong umiiyak.
Pinunasan ko ang mga luha ko. That's weird.
Bakit ako umiyak? Nanaginip ba ako? Ano naman kaya 'yun?
Ginulo ko ang buhok ko dahil kahit anong pilit ko sa pag-alala ay hindi ko pa rin maalala. Bumuntong-hininga ako.
Napatingin ako sa gilid at chineck ang phone ko kung may messages ba galing kina Violet. Wala naman kaya binalik ko na ulit 'to.
Pero may napansin ako, 'yung pagbuburda ko pala sa panyo na hindi ko pa natatapos. Kinuha ko 'to at tiningnan.
Panyo?
Ba't parang familiar ang panyo? Pilit kong inalala kung anong meron sa panyo.
Unti-unti kong naalala na nasa loob ako ng isang sasakyan at may hawak akong panyo... na may dugo?
-R-
Hanggang sa naging pamilyar na sa'kin ang napanaginipan ko.
'Yung nasa sasakyan!
Nakapaghanap pala ako ng mga clues na pwedeng matukoy about doon. At 'yung panyo na may nakaburdang letter R 'yung nakita ko.
Ang alam ko, may nakita pa akong bagay eh.
Wallet?
Inisip kong mabuti kung anong mga nakita ko sa wallet. Ano bang madalas na nakikita sa mga wallet? Pera, coins, cards...
Picture?
Napamura ako dahil hindi ko maalala kung ano 'yung nasa picture.
Sabi ko pa naman, aalahanin ko dapat. Pero ano na? Nakakainis.
Narinig kong may kumatok.
Napatingin ako sa pinto at binuksan ko iyon agad.
Si Rachel.
"Tagal mong nagising, ah." komento niya agad pagkabukas ko.
"Bakit?" tanong ko.
"Baka gusto mong kumain? Saka 'di ba sasamahan mo pa 'ko?" saad niya.
Hindi ko naman inakala na masyado siyang excited.
Halos magtatanghali na pala nang magising ako. Gan'on ba katagal 'yung panaginip kong iyon at lagpas pa sa 8 hours ang tulog ko?
Nag-ayos muna ako bago kumain ng Brunch. Si Rachel naman ay hindi ako nilubayan dahil sinabi ko raw sakanya na sasama ako sakanya.
Nang dumating ang hapon, we decided na pumunta na ulit sa bahay nila Mang Roel. Ramdam ko ang kaba ni Rachel, pero mas naeexcite ako. Sana talaga, ito 'yung way para maging close na silang dalawa.
Si Anna ang nagpapasok sa'min sa bahay nila.
"Wala pa ang tatay mo, siguro pauwi pa lang 'yun galing sa trabaho niya. Maupo muna kayong dalawa. Kukuha lang ako ng merienda." saad niya. Napansin ko naman na may isang anak sila ni Mang Roel. Nasa may dining table siya at mukhang kumakain din, siguro mga kasing edad 'to ni Leo. So, magkalapit lang din ng edad sila Rachel at ang half brother niya.
Kumain muna kami ng merienda habang naghihintay sa pagdating ng tatay ni Rachel.
"May kapatid ka pala rito." mahina kong saad sakanya. Napatingin naman siya sa kapatid niyang lalaki.
"Same kami ng university na pinapasukan. Ang alam ko, 1st year college siya." kwento niya. 1st year pala, 3rd year na si Rachel.
"So may times pala na nagkikita kayo?" tanong ko. Tumango siya.
"Tinatanguan ako niyan minsan, pero kilala mo naman ako." kwento pa niya na parang nagmamalaki. Napailing akonf natatawa. Syempre knowing her, malamang iniirapan o hindi niya pinapansin ang kapatid niya.
Ilang sandali pa kaming naghintay, hanggang sa nakita namin si Mang Roel na pumasok sa bahay. Napatayo naman kami ni Rachel. Pagkakita ni Mang Roel sa'min ay nahalata kong lumiwanag ang kanyang ngiti.
"Nandito ka na pala. Nand'yan na ang anak mo." saad ni Anna sakanyang asawa at kinuha niya ang bag ni Mang Roel.
Lumapit sa'min si Mang Roel at sinabihan kaming umupo.
"B-bakit pala kayo nandito? Kumusta, anak?" saad ni Mang Roel kay Rachel.
"Yung sinasabi mong itataguyod mo 'yung pag-aaral at mga gastusin ko. Pumapayag na ako." diretsong saad ni Rachel. Napangiti naman si Mang Roel, at napansin ko namang kumunot ang noo ni Anna. Bumuntong-hininga ako.
"Buti naman at pumayag ka na. Natutuwa ako, anak." sabi niya kay Rachel. Tahimik lang naman si Rachel sa tabi ko.
"Uh, baka gusto mong dito ka na rin muna tumira. May kwarto naman para sa'yo eh." suhestyon ni Mang Roel. Tumingin ako kay Rachel kung papayag din ba siya na tumira kina Mang Roel.
"Iaayos na lang namin para sa'yo--" saad ni Mang Roel.
"Hindi na. Sapat na 'yung mga sinabi ko. Saka hindi naman siguro ako matitiis ng asawa mo, lalo na't siguro ay kinasusuklaman niya na ako dahil tinanggap ko ang offer mo." pranka niyang saad. Ohh, hindi talaga siya takot magsalita eh 'no.
Bumuntong-hininga si Mang Roel.
"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Basta kapag nagbago ang isip mo, sabihan mo lang ako anytime." saad niya. Naglabas siya ng pera at ibinigay 'yun kay Rachel.
"Unang allowance mo." saad niya. Tinanggap lang ito ni Rachel at nagpasalamat. Ngumiti ako.
"Pag-usapan na lang natin sa susunod kung paano tayo magkikita sa tuwing may kailangan ako. Kukunin ko na rin ang number mo." saad ni Rachel. Ibinigay ni Mang Roel ang contact number niya kay Rachel.
Tumayo na si Rachel kaya napasunod ako sakanya, agad siyang nagpaalam at akmang aalis na.
"Sandali, Rachel. Kakausapin pa kita." saad ni Anna. Lumingon sa'kin si Rachel at sinabihan akong umuwi na.
Wala naman akong nagawa kun'di umalis na. Mas mabuti ring magkausap silang pamilya r'on. Sana nga lang ay hindi away ang mabalitaan ko.
Nang makauwi ay naghintay ako sa pag-uwi ni Rachel, sa balcony ng bahay.
Ilang sandali pa, nakita kong pumasok na si Rachel sa gate. Nakauwi na siya.
Lumapit siya sa'kin nang mapansin na naghihintay ako sakanya.
"Ano, musta?" tanong ko.
"Kinausap ako ni Anna." saad niya. Umupo siya sa tabi ko.
"Humingi siya ng patawad sa'kin dahil hindi man lang niya sinubukang maging ina sa'kin." kwento niya. Napasinghap ako. Hindi lang kasi ako makapaniwala na gagawin ni Anna 'yun. Masyado ko ata siyang hinusgahan.
"Tapos, sana raw ay magkaayos na kami ng tatay ko. Minsan daw kasi, kahit masama man kung ituring ay nagseselos siya sa tuwing nababanggit ako ng tatay ko. Lalo na kapag nagkukwento ang tatay ko about sa pagsisisi niya." kwento pa niya.
"Dati kasi, lulong siya sa mga bisyo niya. Hindi inaalagan nang mabuti ang health at kahit sila Anna na mismo. Pero n'ong pumunta si mama Fe sa bahay nila at kinausap ang tatay ko, bigla na raw nagbago 'yun. Hanggang sa nabalitaan nilang namatay na si mama Fe. Parang sobrang nagsisi ang tatay ko sa mga nagawa niya. So ako, nacurious." saad niya.
"First love pala ni mama Fe ang tatay ko. Napakaliit nga naman ng mundo, lalo na't kung nasa kabilang kanto lang naman 'yun. Inako ni mama Fe ang pag-aalaga sa'kin. Iyon siguro 'yung naging way nila para makapagcommunicate pa rin." bumuntong-hininga siya.
"Nagbago ang tatay ko, inayos niya ang buhay niya sa sandaling panahon. Sobrang nakakapanibago para kila Anna pero mas natutuwa siya ngayon. Kaya sinabihan niya ako na pagbigyan na lang ang tatay ko, dahil gusto niya lang naman daw akong makasama." saad niya.
"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko." sabi niya sa'kin. Bumuntong-hininga ako.
"Matalino ka naman, at alam kong mabait ka. Kung anong sa tingin mong mas mapapabuti sa relasyon niyo, edi go. Mas matutuwa si mama Fe mo kapag ginawa mo 'yung bagay na gusto mo naman talaga." payo ko sakanya. Ngumiti siya nang kaunti.
"Alam mo, akala ko puro yabang at sungit lang ang alam mo. Kaya mo rin palang magpayo at makisama. Kaya salamat sa'yo." saad niya sa'kin. Hindi naman ako nagpatalo.
"Alam mo rin ba, akala ko puro pangpranka, sungit, at galit lang ang alam mo. Kaya mo rin palang ngumiti at maging mabuti." saad ko sakanya. Umirap siya sa'kin. Pagkatapos ay natawa kaming dalawa.
"Nahanap ko na nga ang katapat ko." saad niya.
***
Natagpuan ko ang sarili ko sa gitna ng isang madilim na daan.
I realized that I'm dreaming, ang bangungot ko.
Lumingon ako sa likod ko.
May nakita akong sasakyan sa gitna.
Himalang wala akong naririnig na umiiyak na bata?
Napasinghap ako nang may isang nakatakip ang buong katawan sa itim. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung anong klaseng nilalang 'yun.
May isa pang lalaki na lumabas ng sasakyan. Mukha siyang tao dahil sa pananamit niya.
Lumapit ako sa sasakyan, nagulat ako nang makita ko ang bata na mukhang takot na takot.
Nanonood siya sa labas, d'on sa kasama niyang lalaki at 'yung nakaitim.
Biglang kumidlat nang malakas, kakaibang kidlat 'yun dahil isang straight line na kidlat ang nakita ko. Napayuko ako dahil sa takot nang marinig ang isang malakas na kulog.
Sumigaw din ang bata, at nagsimulang umiyak. Lumabas siya.
Hala, teka ba't siya lumabas?
"Hoy, bata! 'Wag kang lalabas!" saad ko pero hindi siya nakinig. Lumapit siya sa lalaking kasama niya.
"Anak, ba't ka lumabas! 'Di ba sinabi kong sa loob ka na muna't magtago!" saad ng lalaki sa bata. So anak niya pala iyon. Pinanood ko sila habang nakatago ako sa tabi ng sasakyan.
Naisipan ko namang pumasok muna sa loob ng sasakyan nang maalala ko ang mga nakita ko n'ong isang gabi na nanaginip din ako rito.
Nandito 'yung panyo at may stain na rin 'tong dugo. Hinanap ko 'yung wallet, para makita ko ulit 'yung picture.
Kumidlat ulit nang malakas kaya nabitawan ko pa 'yung wallet, sobra kasing liwanag nang pagkakakidlat. Sumabay din ang malakas na kulog kaya napatakip ako sa tainga ko.
Nanginginig akong hinanap ang nabitawan kong wallet.
Nasaan na 'yun, tsk!?
"Bad ka! Bad ka! Papa..." rinig kong saad ng bata. Natigilan ako.
Narealize ko ang linyang iyon ay familiar.
"Papa..." umiyak na ang bata habang tinatawag ang papa niya.
Itinuloy ko ang paghahanap sa ilalim ng sasakyan kung nasaan ang wallet. Hanggang sa nahawakan ko na 'yun.
Finally! Agad kong kinuha iyon at lumabas ng sasakyan.
Huminga ako nang malalim para makakuha ng fresh air dahil sobra akong hindi nakahinga sa loob.
Hindi ko rin alam kung bakit, pero nang tingnan ko ang wallet ay nanginginig ako. Kinakabahan ako, tumitibok nang mabilis ang puso ko. Para akong masusuka at sumasakit ang tiyan ko dahil sa kaba.
"Papa..." narinig ko na naman ang bata kaya napagpasyahan kong lapitan siya.
Naabutan ko nang nakahandusay ang tatay niya habang siya nama'y nakaupo at yinuyugyog ang lalaking nakahandusay na sa lapag. Napasinghap ako.
Lumingon ang bata sa direksyon ko at tinitigan ko ang mukha niyang sobrang familiar sa'kin.
Nakita ko namang unti-unting nagiging abo 'yung lalaki. Mas lalo akong nagulat dahil d'on at mas lalong lumakas ang pag-iyak ng bata.
Mabilis kong binuksan ang wallet at kinuha ang picture.
Labis akong kinakabahan na makita ang picture, pero mabilis ko 'yung tiningnan.
Sa picture ay may tatlong tao- isang lalaki na nasa kaliwa, isang babae na nasa kanan, at isang batang babae na nasa gitna.
"Raven." tawag sa'kin ng isang lalaki.
Sabay kaming napalingon ng batang babae sa harap.
Nakita kong nakatayo ang lalaki kaharap namin nung bata.
"Papa..." tawag ng batang babae sakanya. Napasinghap ako nang marealize na ito 'yung lalaki sa picture, at 'yung bata rin sa picture.
Unti-unting tumulo ang luha ko, dahil tinawag niya ang pangalan ko.
Paulit-ulit kong tiningnan ang picture at sa mga taong nasa harap ko.
Hindi ako nagkakamali...
Lumingon sa'kin 'yung bata, at nagkatitigan kami.
Narealize kong ako pala ang batang 'yun.
Natigil lang ako nang may tumapik sa balikat ko dahilan para mapalingon ako.
Nag-iba na naman ang location ng panaginip ko.
Nakita ko si Elise na nasa harap ko.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. At napansing hawak ko pa rin ang picture.
"Ano 'yun!?" saad ko.
"Hindi ba't nais mong malaman kung bakit patuloy kang binabangungot ng panaginip na iyon?" saad niya sa'kin.
"Hinanap mo nga ang kasagutan, at ngayon ay natuklasan mo na." tuloy niya.
"Ang alin?" tanong ko. Naguguluhan pa rin ako.
"Raven..." saad niya.
"Ako 'yung batang umiiyak, 'di ba?" tanong ko. Tumango siya.
"Sino 'yung lalaking nakahandusay, at nasa picture?" tanong ko.
"Hawak mo na, ba't hindi mo alalahanin pa?" saad niya. Tiningnan ko ulit ang picture.
Ang batang babae na nasa gitna ay ako. Tinitigan ko naman ang isang babae na nasa kanan. Halos kahawig ko siya ngayon.
Narealize kong si mommy ang babae rito.
Napasinghap ako, at binaling ang tingin sa lalaki.
"Don't tell me... This is my real father?" nahihirapan kong tanong kay Elise. Dahan-dahan siyang tumango.
Kumunot ang noo ko at inalala ang pangyayari sa panaginip.
"Hindi simpleng bangungot 'yun!?" tanong ko sakanya.
"It was a memory, right?" nahihirapan kong tuloy. Tumango siya.
Tumulo ang mga luha ko.
I screamed and cried, nang malaman ang mga ito.
It was a memory!? Meaning, totoong nangyari 'yun!?
"Pero bakit, hindi ko maalala?" tanong ko.
"Masyado kang natrauma dahil sa nasaksihan mo." sagot niya. Patuloy lang ako sa pag-iyak.
"Eh bakit ngayon ko lang naalala? At ngayon mo lang din sinabi 'to sa'kin!?"
"Dahil alam kong hindi ka pa handa... Ngunit ngayon, nakatitiyak akong handa mo nang malaman ang bangungot mo." saad niya sa'kin.
"K-kaya rin ba, takot na takot ako sa kamatayan?" tanong ko pa ulit. Tumango siya.
"Thanatophobia." saad niya.
"Your memory turned into a nightmare is the reason for your Thanatophobia."