What is home? Bumyahe na kami papunta sa Las Espadas sakay ng train. Ilang oras, ay nakarating na rin kami. Sinundo kami ng taga-hacienda. Sa Hacienda Concepcion kami tumuloy. Hay, parang kailan lang n'ong magbakasyon kami rito kasama ang pamilya ko. Nagkita na ulit si Manang Estelita at Donna. Nagkayakapan pa nga ang dalawa nang salubungin kami ni Manang sa may gate. Nang makapagpahinga nang kaunti, naisipan naming bumisita sa magkakapatid. "Sigurado akong magugulat na naman ang magkakapatid dahil bumisita na naman tayo nang hindi man lang nagsasabi, haha!" saad ni Donna habang papunta kami sakanila. Napangiti naman si Violet sabay nag-agree ito. Nang makarating kami, saktong nakita namin sina Ningning at Leo na papasok sakanilang gate. Nakita kami ni Ningning na agad lumapit sa'm

