LAVINIA'S POV
GOODMORNING! ayun nandito nanaman tayo sa school ,yun nga naikwento ko kagabi si Quen kay Andre
Nainis lang din siya at sinabihan pa nga ako magpalit ng sim haha desisyon ei
Medyo kinilig lang tayo don enebe ang hirap kaya na malayo yung nanliligaw haha pero swerte na ako kay Andre
Kahit sa chat lang kami nagkakilala pero alam mo yun sincere at mabait siya haah
Nandito lang kami sa classroom kasama mga tropa ko
"oy angelou" tawag ko sa kanya
"ano yon? bakit? ano kailangan mo?" ang dami naman tanong neto haha
"favor naman idrawing mo naman si Daniel Padilla " sabi ko sa kanya
"bigyan mo ko ng picture niya at ako na bahala magdrawing" sabi niya
talaga naman haha ang bait ng tropa ko
binigay ko na lang sa kanya yung picture ni DJ
Fan talaga ako ng kathniel matagal simula nung princess and I pero di ko alam na nagstart na pala yung loveteam nila nung growing up haha
oh di ba alam na alam haha
Teka nga at makamusta nga lovelife ni Melo haha
"Melo!"
"Oh bakit?" tanong niya
"kamusta kayo ni EJ?" tanong ko sa kanya
"okay lang naman" sabi niya
"nakooo forever na ba iyan" pagtutukso ko
"Ayieeee forever na yan." sabay sulpot ni Sherald na nang asar din
"Tigilan niyo ko" sabay ngiti si Melo
"ikaw Lavinia? May bago na ba or si Quen pa rin ba?" tanong ni Sherald
halos ata ng tropa ko alam yung kwento ko hahaa
"Hindi na ahh tagal na non past is --
"Naku She kung alam mo lang may naikwento yan sa akin." biglang sumulpot si Marifella
"Oy!Lavinia Rose Cazas magkwento ka ah." sabi ni Denise
Tekaa saan ba mga nagsusulputan mga ito haha
Nagkwento na lang ako sa kanila para alam na nila at hindi kung saan saan sila sumusulpot haha
"Nako Lavinia pag ikaw niloko niyan tignan mo kami makakalaban niyan" pang-aasar na sabi ni Sherald
"Alam niyo guys sabi ko sa sarili ko hindi ko muna siya seseryosohin pero ayun nga hindi ko alam bat unti na akong nararamdaman sa kanya" sabi ko sa kanila
"unti ka diyan walang forever" pang aasar ni Melo
"wow ha ikaw pa talaga nagsabi yan Melo." pang aasar ni Macey kay Melo
"edi wow" sabi ni Melo
*Ring*Ring*
Sa wakas nagbell na rin at makakapag recess na
"tara kain na tayo ng baon natin." sabi ni Sherald
yung baon namin for lunch kinakain na namin pag recess nasanay na rin naman ako pero pag uwian talagang gutom haha minsan nagrerecess na lang din sa canteen
"nice naman she ikaw agad nagyaya" sabi ko
"wala ei gutom ,gutom kaya hindi puumapayat" pang aasar ni Melo kay Sherald
"siraulo ka Melo pag ako talaga pumayat,who you ka sa aken." sabi ji Sherald sabay tawa lang kami
Ganyan lang talaga mag-asaran ang magtotropa kaya panigurado ei pag grumaduate kami mamimiss ko sila ng sobra
Lumamon na lang kam- este kumain na kami
*vibrate*
Tinignan ko na lang phone ko
John Andre Euzon
Lavinia,kumain ka na ba? Ingat ka lagi.Kumain na ha
"uyy yung isa diyan napapangiti" pang aasar ni Melo sa akin
Napatingin lahat ng tropa ko sa akin
"naku lavinia iba na yan." sabi ni Sherald
"ayieee" pang aasar ni Marifella
"tigilan niyo ko" sabi ko sabay ngiti sa kanila
"alam na ba ng magulang mo yan?" tanong ni Melo
"oo alam na nila kahit si kuya Zac" sabi ko na lang
at tuluyan na lang kami ulit kumain
Makalipas ng ilang minuto at nagbell na ulit at back to klase na uli kami
QUEN'S POV
Ako nga pala si Enrique Domingo for short Quen ako yung ex ni Lavinia
Nagkakilala kami ni Lavinia dahil sa kaibigan ko dati kasi nauuso yung bigayan ng phone number kaya ayun tinext ko naman agad makalipas ng ilang buwan sinagot na niya ako
Pagkatapos non nagkita kami sa isang festival non sa kanila tas nagbonding na rin kami
Hindi ko alam bat ganon bigla naramdaman ko sa kanya ,naging komportable ako. Isang linggo din yung festival na yun kaya araw araw kami nagkikita na hindi alam ng magulang ni Lavinia na may boyfriend na siya sa ganong edad
Nung time na yun napamahal na rin ako ng sobra sa kanya hindi ko alam kung bakit basta masaya ako nagkakasundo kami non
Yung gabi na nagusap kami bigla na lang siya nagsorry sa akin dahil daw babalik na siya ulit sa Maynila na lungkot ako sa sinabi niya kasi magkakalayo na kami
Sabi ko sa kanya na walang susuko sa relasyon namin dalawa kahit malayo kami sa isa't-isa
Makalipas ng ilang araw umalis na sila Lavinia dito sa probinsya
Sobra yung pagkamiss ko sa kanya non at ganon yung routine namin tawag at text
Sabi sa akin ng pinsan ko that time kung hindi ba daw ako nagsasawa sa kanya
Sabi ko naman hindi kung mahal mo pagtitiisan mo
Nagflashback na ako dito para alam niyo rin side ko
Putek ang sadboy ko naman hindi bagay sa akin
Alam niyo ba kung baket kami nagkahiwalay ni Lavinia syempre hindi
Eto na nga dahil sa pinsan kong baliw
May nireto sa akin tapos naiwan ko yung phone ko sa tabi nung babae tas eto naman si babae sinagot yung tawag ni Lavinia edi syempre nagtaka na si Lavinia sa akin
Ang tanga kasi tinawag tawag pa ako ni Clark tas ganon pala plano nila
Minahal ko naman talaga si Lavinia ,kung hindi nangyare kami pa rin panigurado
Siguro kailangan ko na rin mag move-on sa kanya wala na rin naman siyang pake sa akin
Wala naman akong kasalanan na ginagawa hindi niya ako pinag explain muna bago makipag break hays yun lang yung masakit
Nasasaktan din po kami mga lalaki hindi lang po namin pinapahalata