Chapter 1: Fighting Maids

1992 Words
Author's POV Naka-uwi na ang lahat sa kani-kanilang bahay pagkatapos nilang mag-celebrate ng pagbabalik ng Kings, Queens at Princesses. Pero hindi kasama ang dalawang mag-bestfriend dahil nga sa nauna na sila. Kasalukuyang nag-aayos ng gamit ang lahat ng tao sa bagong bahay ng Kings, Queens at Princesses. Magkakasama pa rin sila sa isang bahay kahit noong nasa Japan sila para mag-training si Annie at Thalia. Hindi sila naghiwa-hiwalay kahit saan sila magpunta.  "Guys, LOG (Land of Gangsters) just called. Someone wants to have a fight with the princesses," sabi ni Krissa habang hawak hawak ang telepono. Tumigil sila Charles, Daniel at Kath sa inaayos nila at napatingin kay Krissa. "Sino daw, Krissa?" tanong ni Kath.  "Anonymous caller. Pero sabi lalaki daw," sagot ni Krissa sa kanila. "Lalaki? I'm expecting a girl. You see, for the Gangster Princess title," sabi ni Daniel. "Let's talk first with our daughters about that," sabi ni Charles. Umakyat sila sa taas at kumatok sa pintuan pero walang sumasagot. "I think they're asleep," sabi ni Krissa. Kumatok ulit si Charles. "Princesses, I know you're both awake. Please open the door." medyo nilakasan niya ang boses nito. Pero hindi pa rin bumubukas ang pinto. Simula nung iwan sila ni Chael at Luke, naging matigas na ang ulo ni Annie at Thalia. Madali na din silang mainis kapag pinipilit sila sa mga bagay na ayaw nila. Si Daniel naman ang kumatok sa pintuan. "Annie and Thalia, Come on girls. Open this door. We have something to talk to the both of you about." Ngunit wala pa ring nangyari. Napabuntong hininga na lang ang Kings at Queens. "Let's get the key na lang. Maiinis na naman ang dalawang iyan kapag pinilit natin sila." sabi ni Kath at nagmamadaling kunin ang susi sa baba. Nang makabalik na si Kath ay binuksan na nila ang pintuan. Nakapatay ang ilaw at sobrang dilim ng kwarto. Binuksan ni Charles ang ilaw at nakita nila na nakahiga ang dalawang mag-bestfriend sa kama. Lagi na rin magkasama sa iisang kwarto ang magbestfriend at magkatabi sa kama. Lumapit ang Kings at Queens sa dalawa. Nakatalikod parehas ito sa Kings at Queens. Umupo muna ang kanilang magulang sa sofa doon malapit sa kama. "Anak, alam naming gising pa rin kayo." sabi ni Krissa pero wala pa ding kibo ang princesses. "Hindi ba kayo masaya na bumalik na tayo dito sa Pilipinas? Annie at Thalia, nandyan ang Silent Trickers para pasayahin kayo. Sana lang ay huwag niyo silang ipagtabuyan. Please, bumalik na kayo sa dati." sabi ni Krissa kasabay ng pagpatak ng luha nila ni Kath. Madalas na umiiyak ang kanilang ina dahil sa nangyayari sa kanilang anak. Talagang malaki ang pinagbago ng dalawang magbestfriend maski ang kanilang mga magulang ay nahihirapan at naaawa sa sitwasyon ng kanilang anak. "Namimiss na namin ung masayahing Annie at Thalia. Hindi ung malungkot at galit na tulad ninyo ngayon." sabi naman ni Kath. Hinawakan naman ni Charles at Daniel ang kanilang asawa sa balikat nito at ngumiti ng malungkot. "Princesses, we want to inform you that someone wants to have a fight with the both of you. It's up to the both of you kung gusto niyo pumayag. It'll be tomorrow sa LOG at exactly 12 noon. We'll be waiting there. Goodnight, girls. Come on, guys." sabi na lang ni Charles. Hinalikan muna nila ang kanilang anak sa gilid ng noo bago sila lumabas ng pintuan. Kasabay ng pagsarado ng pintuan ay ang pagbukas ng mata ni Annie at Thalia at tumulo ang kanilang luha. MORNING 10:00am Kakagising lamang ng Princesses dahil na rin sa jetlag at pagod. Nag-ayos muna sila parehas sandali at saka bumaba. Medyo maayos na rin ang kanilang bahay pero may mga konting kagamitan na hindi pa din naaayos. Tahimik na bumaba ang Princesses sa hagdan at pumunta sa kusina para kumain. Nadatnan nila doon ang 12 na maids na nakatayo sa gilid ng magkabilang table na ikinataas ng kilay ng dalawa. "When did our parents hired all of you?" walang emosyong tanong ni Annie sa kanila. Ngumiti ang lahat ng maids sa kanila at sabay sabay na nagbow. "Good Morning, Princess. The breakfast is already served," bati nilang lahat. Tumaas muli ang kilay ni Annie at Thalia. Ngayon ay si Thalia naman ang nagsalita. "Answer our question, When did our parents hired all of you?" medyo naiinis na tanong ni Thalia. Imbes na sagutin sila ng 12 na maid ay dalawang sa kanila ang lumapit sa upuan at nilayo ito sa table ng kaunti. "Young princesses, you may take your seat now." dahil dito ay nainis na ang dalawang magbestfriend. Hindi kasi sila sanay na madaming tao sa bahay. Dahil nung nasa Japan sila, kakaunti lamang ang maids nila pero ngayon ay hindi nila malaman kung bakit isang dosena  ang nandito ngayon. "Hindi ba kayo---" inis na sambit ni Annie pero pinutol siya ng isang maid. "Kings and Queens informed us to remind you about the fight later at exactly 12 noon, Young princesses. Please take your seat now," malumanay na sabi ng isang maid. "They really have the guts, huh?" nasa isip ni Annie at Thalia.  Dahil sa ayaw ng mag-bestfriend masira ang umaga nila, umupo na sila pero hindi sa upuan na inusod ng dalawang maid kanina. Aabutin sana ni Annie ang bowl of rice nang unahan siya ng isang maid. "Let me put the rice on your plate, Young princess," nakangiting sabi nito kay Annie. Aabutin din sana ni Thalia ang pitsel ng grape juice nang unahan din siya ng isang maid. "Let me pour the juice on your glass, Young princess," nakangiting sabi nito kay Thalia. Hindi na lang kinibo ng dalawa ang maid at hinayaan ito pero parehas na silang naiinis sa inaasal ng mga maids nila ngayon. "What do you like to eat, young princess?" sabi ng dalawang magka-ibang maid kina Annie at Thalia. Ang anim na maid ay nasa likod ni Annie. At ang natirang anim na maid naman ay nasa likod ni Thalia. Magkaharapan ang mag-bestfriend sa table. Hindi pinansin ng dalawa ang tanong ng maid. Aabutin sana ni Annie ang scrambled eggs nang kuhanin ito ng maid. "Scrambled eggs for you, young princess," nakangiting sabi muli ng isang maid kay Annie. Aabutin din sana ni Thalia ang sweet ham with cheese nang kuhanin din ito ng isang maid. "A very sweet ham with cheese for you, young princess," nakangiting sabi muli ng isang maid kay Thalia. "What's up with all of you, huh?!" sigaw ni Annie sa mga maids. Ngunit nginitian lamang sila na mas lalong kina-inis ng magbestfriend. Inis na inagaw ni Annie at Thalia ang ulam na aabutin nila sana sa kamay ng maid na kumuha at kumuha ng padabog. Tahimik na kumain ang mag-bestfriend habang nakabantay ang 12 na maids sa kanila. Natapos nilang kainin ang kinuha nilang pagkain ng 5 minutes. Kaka-unti lamang ang kinain nila. Aabutin sana ni Annie  at Thalia ang kanilang baso ngunit inunahan muli ng isang maid ito. "A glass of--"  "Will all of you stop doing this? We're not kids! Nakakapang-init kayo ng dugo!" sigaw ni Annie habang padabog na tumayo. Sabay silang umalis ni Thalia na bwisit na bwisit. Nagtinginan ang 12 na maids at sabay sabay na napailing ang kanilang ulo. LAND OF GANGSTERS 11:30am "Charles, are you sure the 12 maids can handle them?" tanong ni Krissa.  Nasa Kings and Queens room silang apat ngayon. Kanina pa silang umaga nandito para paghandaan ang laban ng kanilang anak sa humamon sa kanila. Marami ng gangsters ang nasa big dome para sa hinihintay nilang pagbabalik at unang laban ng Princesses simula ng bumalik ito kahapon. Lahat sila ay hindi na makapaghintay dahil umaga pa lang ay may mga nagsi-datingan na. "Of course, they're not just those ordinary maids who gets easily annoyed by the one they're serving. And they're not just maids. Actually, they call themselves Fighting Maids," napangiti si Charles sa sinabi niya. "Fighting Maids? hahaha. Mukhang mapapa-fight nga talaga sila sa dalawang iyon ah. I wonder what happened to them," sabi ni Daniel. "I hope ma-handle nila ng maayos ung dalawa talaga. Anyway, where did you get those Fighting Maids, Charles?" tanong ni Kath. "From Janus. Actually siya ang may sabi sa akin na ipasok ang sila sa atin to handle Annie and Thalia. That guy was really concerned about our princesses kaya pumayag na ako. At mukhang magiging maganda ang kakalabasan ng paghahire ko sa kanila kasi may mga kasama na sila sa bahay na kayang tiisin ang ugali ng dalawang anak natin," sabi ulit ni Charles habang pinapanuod ang nangyayari sa Big Dome sa malaking flat screen TV.  "That's sweet. But how can you say na kayang tiisin ng fighting maids ang ugali ni Annie at Thalia?" tanong ni Krissa. "I talked to them. Just trust me, they will handle them without any problems," sabi ni Charles at ngumiti ulit. "Fighting maids, please don't fail me with this," mahinang bulong ni Charles. "Hey, Charles 12 noon is already approaching," sabi ni Daniel kay Charles. Napatingin si Charles sa relo niya. "11:45 na. Wait here, tatawag lang ako sa bahay."  Kinuha ni Charles ang telepono sa loob ng room nila at tinawagan ang number ng bahay nila.  "Hello?" sabi ni Charles ng sagutin ang tawag nito. "Our king," sagot ng isang maid. "How's the situation there?" tanong ni Charles. "Manageable, our king," napangiti naman si Charles sa sagot ng maid. "Good. Anyway, Are they still home?" "Yes, our king. They're inside their room locked up." "I see. Please tell them to go here at LOG. I'm counting on you, fighting maids. Thank you!"  "Of course, our king!" at binaba na ni Charles ang tawag. Tumingin si Krissa, Daniel at Kath kay Charles at binigyan ng nagtatanong na tingin. "Fighting maids can handle them. Let's just wait."  12:30PM "Where are they now?" tanong ni Daniel. "The maids said they're on their way already," sagot ni Charles. "Are you sure na dito sila pupunta?" tanong ni Kath. "They should be," sabi na lang ni Charles. He dialled Annie's number but her daughter rejected it. He tried again but got rejected again. Ngayon si Thalia naman tinawagan niya pero nirereject din ang tawag nito. "They're rejecting my calls. Daniel, how's the situation at the big dome?" tanong ni Charles. "Nandito na daw ang makakalaban ng Princesses. 12:15 daw ito dumating. Nagtatanong na din ang mga nanunuod kung bakit wala pa din daw," sagot ni Daniel. "Inform them na papunta na dito ang Princesses," utos ni Charles kay Daniel. Lumapit si Daniel sa intercom at sinabi na on the way na ang Princesses. 30 minutes passed but no sign of princesses yet at LOG. Tahimik lang ang Kings at Queens at malalim ang iniisip. Napatingin agad sila sa pinto nang may kumatok dito at pumasok ang nagbabantay sa labas. "Kings and Queens. There's a little commotion outside about the princesses' presence," balita nito sa apat. Tumayo ang Kings at Queens at pumunta ng big dome para makita ang commotion. "Nasaan na ba ang Princesses? Umayaw na ba sila?!" "Bakit wala pa din sila hanggang ngayon?!" "Oo nga! Isang oras na at hindi pa sila dumadating!" "Sumuko na ba sila agad?!" Handful of complaints greeted them.  "Silence please!" malakas na sigaw ni Charles. "The princesses will come. Just wait a little more," dagdag nito. "We can't wait anymore! Just tell us if they already forfeited the match so we can leave!" Matapos sabihin ng isang lalaki 'yon, may lumipad na maliit na shuriken na dumalos sa kanang pisngi nito. "Ah sht! Who did that?!" "The princesses has arrived!" sigaw ng isang gangster at napatingin ang lahat sa dalawang babae na masama ang tingin sa mga gumagawa ng commotion kanina. Lumapit ang Kings at Queens sa anak nila. "Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Krissa sa dalawa. "We just got into a little fight awhile ago. Let's start," sagot ni Annie. ------- Everything was ready. Nasa gilid na ng center dome ang Princesses at ang makakalaban nito. Hindi pa nila nakikita ang isa't-isa. "Let's welcome, The Princesses of Gangsters!" sigaw ng announcer at taas noong lumakad ang dalawa sa gitna. Puro sigawan at hiyawan ang maririnig sa big dome. "And now, their opponents, Black Angel and White Prince!" Lumabas ang dalawang lalaki na may mask ang taas na bahagi ng mukha at sabay na naglakad sa gitna. Tumigil sila sa harap ng Princesses. Muli ay sigawan at hiyawan ang mga nanunuod. Nagtitigan ng matagal ang magkalaban. Napangiti si Black Angel at White Prince. "Let the fight....begin!" sigaw ng announcer at mas lalong lumakas ang sigawan sa big dome. "Feel the wrath of the princesses, assholes!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD