Chapter 4: Confrontation

2131 Words
Charles' POV Time: 8:00AM Nandito kami sa Kings and Queens room sa LOG. Isang araw pa lang ang nakaraan matapos ang laban ng mga anak namin kina Chael at Luke. Hinihintay namin nila Krissa at Kath si Daniel. Napatingin kami sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Daniel. Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Charles, nowhere to be found si Black Angel and White Prince," sabi ni Daniel. Sabay sabay na napabuntong hininga kami nila Krissa at Kath. "Walang may alam kung nasaan sila ngayon. Dahil nga sa naka-maskara sila nung laban, Walang nakaka-alam kung ano itsura nila," sabi ulit ni Daniel. Umupo ulit ako sa sofa at hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. "Then I guess we must find them personally. Let's go." sabi ko sa kanila. Wala na kaming ibang choice. Hindi naman namin pwede ilabas ang totoong pagkatao nilang dalawa. Hindi nila pwedeng malaman na sila si Sky King at Thief Prince dati. Oo, Wala na si Sky King at Thief Prince. Nagquit na sila bilang gangsters. Pero bumalik sila sa ibang gangster name at yun ang Black Angel at White Prince. Tumayo na ako at lumabas doon sa room na yon. Sumunod naman sa akin ung tatlo at saka kami umalis sa LOG at dumiretso sa bahay. Naabutan namin doon ang Fighting Maids na naglilinis at nag-aayos ng bahay. Bawat sulok ng bahay ay may naglilinis. Tama lang talaga na kinuha ko sila. Nung pagkapasok namin sa loob ng main door ng bahay. Tumigil sila sa ginagawa nila at luminya ng magkahati sa kaliwa at sa kanan. "Good Morning, Our Kings and Queens!" bati nila sa amin at nagbow. Napangiti kaming apat sa kanila.  "Fighting maids, Nandyan ba ang Princesses?" tanong ni Krissa sa kanila. "Yes, Our Queen. Nasa room po nila." sabi ni Maid #1. "Okay. Kumain na ba sila?" tanong ulit ni Krissa. "Hindi pa po, Our Queen." sagot ulit ni Maid #1. "Pakitawag naman sila. Sabay sabay na kami kumain. Salamat!" utos ni Krissa sa kanya. Nagbow si Maid #1 at umakyat ng 2nd floor. Pumasok na kami sa dining room at naabutan namin doon ang ibang maids na inaayos na ang kakainan namin. Naririnig din namin ang malakas na sigaw ni Maid #1 at kasabay nun ang pagbukas ng pinto ng padabog at ang naiinis na sigaw ni Annie. Hayyy.  "Fine! Bababa na kami!" malakas na sigaw ni Annie at narinig na lang namin ang yabag nilang dalawa pababa sa hagdanan. Kunot noo silang dumating sa dining room. Tumigil muna ang maids na nag-aayos at nagbow at binati ang dalawa pero umupo na lang ang dalawa naming anak. Hayy nako. Sana bumalik na sila sa dati. Naka-upo ako sa pinakadulo sa gitna. Sa kaliwa ko naman nakapwesto si Krissa at Kath. Sa kanan ko naman si Daniel at ang Princesses. Tahimik lang kami habang nilalagay ng ibang maids ang pagkain sa table namin. Nang matapos na ang paglalagay ng pagkain ng maids, kukuha na sana ang Princesses pero pinigilan ko sila. "Magdasal muna tayo." malumanay kong sabi sa kanila. Tinignan nila akong dalawa ng nagtataka. "Dad. We don't usually pray before meals--" pinutol ko na ang anak ko. "Then starting this day, We will do it." sabi ko at wala na silang nagawa. Oo, Dati hindi kami nagdadasal bago kumain dahil lagi silang excited kumain kaya hindi na namin sila mapigilan. Pero iba na ngayon. Iba na talaga. Pagkatapos magdasal ay kumain na kami. Sobrang tahimik namin. Gustong gusto ko kausapin ang dalawang princesses tungkol sa laban pero hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa akin. Siguro papatawag ko na lang sila mamaya sa secret hideout room. Nauna ang Princesses na matapos sa pagkain. Sabay sila tumayo.  "Dad, Mom. We'll go ahead." sabi ni Thalia sa amin. Patalikod na sila nang magsalita si Daniel. "Saan kayo pupunta?" tanong ni Daniel sa kanila.  "Just somewhere, Dad." sagot naman ni Thalia. "Saan nga, Anak?" tanong ulit ni Daniel. Sabay na napabuntong hininga ang dalawa saka sumagot ang anak ko. "ARW (Amazing Racing World)" walang ekspresyon niyang sabi. "No. You need to stay here. Mag-uusap tayo mamaya." sabi ko sa kanila. Tumingin naman sakin ang dalawang princesses. I gave them a serious look. Kapag ginagawa ko to, nakukuha na sila sa tingin. "Fine." sabi ng dalawa at saka umakyat ng kwarto nila. Napabuntong hininga na lang ulit kaming apat. Tumingin ako sa fighting maids. "Pagpasensyahan niyo na sila ah." sabi ko sa kanila. "It's okay, Our king. Hindi po namin sila susukuan. Kami pa!" sabi ni Maid #2 ng nakangiti. Dahil sa kanya, napangiti kaming apat at nagpasalamat. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa secret hideout room dito sa bahay at ginawa ang dapat namin gawin. Chael's POV Nung umalis kami kahapon sa LOG, sa hideout namin kami dumiretso. Ang hideout namin ay sa underground. Pinagawa namin ito ni Luke simula nung iwan namin ang babaeng mahal namin. Marami kaming nilagay na mini camera sa LOG. Walang nakakakita nun sa liit nito. Naglagay din kami sa ARW dahil madalas din sila dito. Gusto din sana namin maglagay sa bahay nila pero alam kong mas maganda at mas upgraded ang machines na gamit nila Tito--- May karapatan pa ba akong tawagin sila nun? Anyway, Nandito kami ngayon sa HQ ng Silent Trickers. Maniwala man kayo o sa hindi, namimiss na din namin ang mga kaibigan namin. Oo, naglagay din kami ng mini camera dito sa HQ. Balita namin eh nagbabakasyon ang Captain Killers at Sweet Queens sa USA ngayon. Mga isang taon na din silang nandoon at babalik sila next week.  Ang naabutan namin doon ay si Will, Jason at Leo lang. Wala ang Eye Trickers. Si Jason at Leo ay nagkukulitan at palihim kaming napangiti ni Luke sa kanila. Si Will naman ay nakatutok sa PC. Hindi pa rin talaga nagbabago tong lalaking to. Siguro kung hindi nangyari yung dati, kasama namin sila ngayon kaso hindi. Humakbang ako patalikod nang may masagi ako at gumawa iyon ng malakas na tunog.  Napatigil sila sa ginagawa nila at napatingin agad sa lugar namin. Buti na lang ay nakatago kami agad at dahan dahan kaming umalis doon ni Luke.  Narinig pa namin si Jason na sinabi, "Who's there?!"  At sabi naman ni Leo ay "Knock knock!"  Narinig din namin si Will na nagsalita. "Tanga! Baligtad kayo!" at nagtawanan silang tatlo. Palabas na kami ng gate ng HQ nang bumukas iyon at pumasok ang Eye Trickers. Ang iingay nilang tatlo na pumasok pero napatigil sila nang mapansin nila kami. Hindi namin alam ang susunod na gagawin ni Luke. Nakatayo lang kami doon at nakatingin sa kanila. Hindi kami makagalaw. Narinig na lang namin na bumukas ang pinto ng HQ at lumabas ang tatlong lalaki. "Girls! Buti nandyan na---" "Chael? Luke?" sabay sabay nilang sabi. I guess we don't have other choice. I guess we should stop running away and face our friends now.  Charles' POV Thank god we found something! Sa isang secret high class underground base. Buti na lang talaga ay bago ang lahat at mas upgraded ang lahat ng facilities and items dito sa hideout namin. Natrace namin iyon sa pamamagitan ng finger/foot prints ni Chael at Luke. Tumugma ang lahat ng iyon sa underground base na nasearch namin. Medyo nahirapan din kami sa paghahanap dahil sa high class ang base na iyon. Mukhang talagang magaling ang pagtatago ng dalawang iyon. Pero wala si Chael at Luke doon sa loob. Magsesend na lang kami ng message sa isang PC doon para malaman nilang nahanap na namin sila. Sana lang ay hindi na sila umiwas. Kailangan na namin sila maka-usap. Dahil alam namin na may malaking rason kung bakit nila nagawa iyon 2 years ago.  Sa totoo lang ay hindi kami naniniwala na totoo ang sinabi nila sa dalawang princesses. Sa tagal ng pagiging gangster namin, alam namin na pwedeng mangyari ang nangyari noon. Malakas ang kutob naming apat na pangbablackmail lang ang lahat ng iyon ni Mr. Cha sa kanila. Maaaring tinakot ng bastardong iyon na sasaktan ang mahal nila sa buhay. Maraming pwedeng pananakot ang sinabi ni Seunghwan kay Chael at Luke. Eto ang matagal na namin gustong sabihin sa mga anak namin pero alam kong hindi sila maniniwala. Malaki na ang nagbago at malaki ang posibilidad na hindi sila maniwala. Kung si Chael at Luke ang magsasabi, malaki din ang posibilidad na mas hindi sila maniwala. Pero isang tao lang ang makakatapos ng lahat ng ito at iyon si Cha Seunghwan. Matagal na rin kaming walang balita sa kanya. Matagal na din siyang hindi nagpaparamdam pero alam kong nakabantay pa rin siya sa amin. Lalo na kina Annie at Thalia. Pero hindi kami nababahala doon. Sa ngayon, mas mahalaga na maka-usap namin si Chael at Luke. Pero pangako, matapos namin maka-usap ang dalawang iyon, hahanapin ka na namin ulit, Cha Seunghwan. At sisiguraduhin namin na hindi ka na makakawala. Tumayo ako at balak ipatawag ang princesses nang magsalita si Krissa. "Saan ka pupunta, Charles?"  "Ipapatawag ko lang ang Princesses," sagot ko. Tumugon lang siya at bumalik na sa ginagawa niya. Lumabas ako ng secret hideout room at dumiretso sa living room. Tinawag ko ang isang maid. "Pakisabi sa Princesses na kakausapin namin sila sa secret hideout room ngayon na. Salamat!" utos ko sa kanya. "Yes, our king!" nakangiti niyang sabi at umakyat na. Bago ako bumalik sa secret hideout room, narinig ko na naman ang sigawan ng maid na inutusan ko at ng dalawang princesses. Hayyy. Dapat pala talaga masanay na ako na nagsisigawan sila. Buti na lang ay nandyan ang fighting maids. 5 minuto lang ay dumating na ang Princesses sa secret hideout room. Walang kibo silang umupo sa couch doon. Sinenyasan ko ung tatlo na tumigil muna at umupo kami sa couch din doon. Dahil wala atang balak magsalita, nagsalita na ako. "We're not here as the kings, queens and princesses. We're here to talk as a family," sabi ko sa kanila. Ngumiti lang si Krissa, Kath at Daniel. Wala pa ding imik ang dalawa. "Annie at Thalia. Kailan ba kayo babalik sa dati? Please naman. Bumalik na kayo sa dating kayo. Namimiss na namin ung masiyahin na anak namin. Yung mahilig sa strawberries. Yung laging nakangiti. Yung laging masiyahin at hyper. Yung dating Annie at Thalia," sabi ng asawa ko sa kanila. Nangingilid na naman ang luha ni Krissa at Kath. "Anak, ano pa ba ang dapat namin gawin? Dalawang taon na ang nakalipas, anak. Please? Sigurado akong may malaking rason kung bakit nila kayo iniwan. Mga anak, alam naming nasasaktan pa rin kayo pero bilang magulang niyo, mas masakit na makita na nagiging ganito kayo.Ang mga kaibigan niyo, nandyan pa sila. Hindi namin kayo iiwan." Hindi na natuloy ni Kath ang sasabihin niya dahil naiyak na siya. Lumapit si Daniel sa kanya at niyakap. Tinignan ko si Annie at Thalia. Nangingilid na rin ang luha nila pero pinipigilan nila. Alam kong nandyan pa rin ang dating Annie at Thalia. Sila lang mismo ang pumipigil na bumalik sila sa dating sila. Lumapit si Krissa at Kath sa dalawa at hinawakan ang dalawang kamay nila. "Annie, Mahal na mahal ka namin. Huwag mo naman sana kaming ipagtabuyan na," sabi ng asawa ko. "Thalia, namimiss na namin ang baby girl namin. Bumalik ka na sa dati please? Miss na miss ka na namin, Anak," sabi ni Kath.  Niyakap ng dalawa ang anak namin habang umiiyak. May tumulo parehas na luha sa mata ng anak namin pero pinunasan nila agad iyon. Dahan dahan silang tumayo habang inaalis ang yakap ni Kath at Krissa. "Sorry, Mom and Dad. Pero hindi pa po namin kayang kalimutan ang ginawa nila sa amin," sabi ni Annie. "I'm sorry, Mom and Dad kung nadadamay kayo sa nangyayari sa amin. Pero hindi po kami titigil hangga't hindi namin nahahanap si Seunghwan." sabi naman ni Thalia. Sabay silang tumalikod pero nagsalita ako. "Mahal niyo pa ba sila? Annie? Thalia?" diretsahan kong tanong sa kanila. Napatigil naman sila at ayon sa instinct ko, ngumisi sila parehas. "Sa totoo lang? Oo. Pero hindi na po kami tanga para bumalik ulit sa kanila," sagot ng anak ko. "Balak niyong maghiganti sa kanila?" malumanay na tanong ni Daniel.  "Sumagi po sa isip namin yan pero narealize na po namin na hindi po kami tulad ng ibang iniwan na maghihiganti sa nang-iwan samin," sagot naman ni Thalia at saka sila lumabas at iniwan kami. Now it makes sense. May parte na masaya ako dahil hindi sila maghihiganti sa lalaking nang-iwan sa kanila. Pero mas nalulungkot ako dahil wala pa rin kaming nagawa para makumbinsi na bumalik na sila sa dating sila. Tatlong tao lang ang alam kong makakatulong don. At iyon si Chael, Luke at Cha Seunghwan. Tumigil na sa pag-iyak si Krissa at Kath. Nagulat kami nang mag-ring ang telepono ko. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumawag sa akin. International caller ito base sa number. "Hello? May I know who's speaking?" tanong ko nang sagutin ko ang tawag. "Tito Charles!" "Ja--" he cut me off. "Yes! The one and only Janus Zhang, Tito! I just called to tell you that Zoe and I are coming home tomorrow." Napa-ngiti ako ng malaki. Finally! This is one of the days that we've been waiting for.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD