Ilog

1794 Words

CHAPTER 14 ETAZIEL POV Putcha. Tanghali na pala. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, agad sumalubong ang tunog ng tawanan sa kusina. Hindi pa man ako nakalalakad ng tatlong hakbang, naamoy ko na ang sunog na longganisa. Hay naku, isa lang ang may kagagawan nito si Briannah. "Kuyaaaa! Good morningggg!" sigaw ng mokong habang hawak-hawak ang kawaling may nakadikit pang mantika. "Tangina, longganisa ba ‘yan o uling na?" malamig kong tanong habang pinagmamasdan ang kaawa-awang itsura ng almusal sa mesa. "Nag-effort ako dito ha! Tsaka si Gellian daw mahilig sa longganisa kaya nagluto ako," sabay kindat sa direksyon ng walang kamuwang-muwang na si Gellian na nakaupo pa sa isang sulok, mukhang tuliro pa rin mula sa hangover kagabi. Natahimik ako. Tumingin ako kay Gellian. "Kumain ka na ba?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD