CHAPTER 27 BRIANNAH POV Haaaay grabe! Kung may award lang para sa best third wheel sa buong mundo, ako na 'yon! Ako na ang certified harang sa kilig nina Kuya Etaziel at Gellian. Pero aminin natin, kung wala ako, walang spice ang buhay nila. Ako ang seasoning, ako ang hot sauce, ako ang sili sa sinigang! Ngayon, nagising ako na masama ang pakiramdam. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil wala akong naririnig na bungisngis ni Gellian o 'yung nakakairitang tinig ni Kuya na laging may pa-cold effect pero kilig to the bones naman! Kaya naghanap ako. Sumilip ako sa veranda... WALA. Tinungo ko ang kusina... WALA RIN. Hmmm... suspicious. "Manang Alice! Nakita n'yo ba sina Kuya at Gellian?" tanong ko habang kinukuskos ko pa ang mata ko. "Nasa labas iha, naggo-golf," sagot ni Manang sabay tawa. "P

