Chapter 2

2162 Words
8:00pm na nang makauwi kami ni Katy. May mga ilang customers pa kasi na pumunta kahit mag sasara na kami. Pag mga ganun ay no choice kami kundi mag overtime. Alangan namang paalisin namin ang mga customers namin at sabihing "sorry po, magsasara napo kasi kami. Alis na po kayo" Syempre hindi papwede yun noh. Tska kita din yun kaya wala talaga kaming choice. "Alam mo, nakakamiss yung mga times na projects and homework palang ang ginagawa natin" sambit ni Katy. Magkasama kaming naglalakad ngayon pauwi. Bitbit namin ngayon ang aming mga sling bags, ganito lang ang bag na dinadala namin sa tuwing papasok kami sa trabaho. Lagi kaming sabay umuwi at madalas ay naglalakad nalang kami. Sayang pamasahe eh. Para makatipid narin kami. Hindi naman malayo ang distansya ng bahay namin sa isa't isa kaya walang problema kung magsasabay na kami. Tska may alam kaming short cut kaya hindi masyadong malayo ang nilalakad namin. Tango nalang ang tinugon ko sa sinabi niya. Kaso... Medyo natatakot akong dumaan sa short cut na dinadaanan namin. Kahit lagi naman na kaming dumadaan doon ay kinakabahan parin ako. Dahil isa iyong madilim na eskenita. Well, madlilim iyon sa tuwing dumadaan kami dahil madalas ay gabi na kami nakakauwi. Ilang saglit pa ay nandito na kami sa eskenitang tinutukoy ko. Madilim talaga dito. Tanging ang liwanag ng buwan na lamang ang nagsisilbi naming gabay sa pagtahak namin ng daan doon. Nakakakaba talaga dumaan dito lalong lalo na pag gabi, kaso kinakailangan kasi naming magtipid. Para may pangdagdag ipon din kami para matuloy na ang pag aaral namin. "AYYY!!" Sabay kaming napahiyaw ni Katy nang may limang lalaking naka all black at itim na tela na nakabalot sakanilang mukha. Agad akong napakapit sa braso ni Katy na hindi narin malaman ang gagawin katulad ko. "Kung ayaw niyong masaktan. Ibigay niyo sakin yung cellphone tska wallet niyo!!" Sambit ng lalaking may malaking tyan na nasa harapan namin gamit ang malakas, buo at talagang nakakasindak niyang tono ng pananalita. Mga limang hakbang lang ang pagitan namin ni Katy sa kaniya. Siya lang ang natatanging may malaking tyan sa kanilang lima. Ang iba ay buto't balat na. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may hinugot siyang isang patalim mula sa kaniyang likuran at nilaro niya iyon sa pamamagitan ng pag ikot niya ng patalim sa kaniyang palad. "Pagbilang ko ng 5 ay ilabas niyo na ang inyong mga cellphone at wallet kung hindi ay sasaktan talaga namin kayo!" Paninindak ni butanding. Pareho naman kami ni Katy na halos hindi na makagalaw dahil sa takot at kaba. Oo nga't alam namin na mas mahalaga ang buhay namin kesa sa wallet at cellphone namin ngunit mamomroblema din kami pag isinuko namin iyon. Hindi kami tulad ng iba na makakabili agad ng cellphone kapag nawala or nasira ito. Mahirap lang kami. Ni hindi nga kami makatapos tapos sa pag aaral dahil sa kahirapan eh. Tska mahihirapan kaming icontact kung wala kami nun. Kaya nahihirapan kami sa sitwasyon namin ngayon. "ISA!!" Sabin g butanding at humakbang siya papalapit saamin. "DALAWAAA!!!! Hindi niyo pa talaga ibibigay iyan?!" "TATLO!!" Tuluyan na siyang lumapit samin. "Naiirita nako ah!!" Nagulat ako nang inibalik niya ang kutsilyong hawak niya sa kaniyang likuran at hinawakan ang pulso ni Katy at inisandal siya nito sa pader. "AAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!!!!!!" Malakas na hiyaw ni Katy nang gawin iyon ng butanding sa kaniya. Nag isip ako ng paraan at nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng isang hindi ganun ka habang kahoy na malapit sakin. Ipinag hiwalay ng butanding ang mga kamay ni Katy. Nanlaban naman si Katy pero mukhang sadyang malakas talaga ang hinayupak na butanding na iyon. "TULONGGGG!!!" Hiyaw muli ni Katy. Pupukpokin ko na sana ng kahoy sa ulo ang butanding ngunit yung isang kasama niya na buto't balat na unggoy ay humarang upang hindi ko mapukpok ang butanding dahilan para siya ang mapukpok ko at siya ang matumba at mawalan ng malay. Bopols na unggoy. Buti nga sayo Nang matumba siya ay binaling ko muli ang atensyon ko sa butanding. Laking gulat ko naman nang nakita kong pilit na hinahalikan ng butanding ang leeg ni katy. Hinampas ko ng pagkalakas lakas ang ulo ng butanding dahilan upang bumagsak ito sa lupa at mawalan ng malay. At sa wakas ay nakawala na si Katy na mangiyak ngiyak na ngayon dahil sa sinapit nito. Nagulat ako nang suntukin ako ng isa sa mga matsing na kasama ng butanding dahilan para mapahiyaw muli si Katy. Dalawa pa nga lang pala ang napapatumba ko. May 3 pang buto't balat na matsing. Dumugo ang labi ko dahil sa lakas ng sapak niya. "Hawakan niyo yang babaeng yan" sabi nung isang matsing at agad namang tumango ang dalawa pang matsing at hinawakan ng pagkahigpit higpit at magkabila kong braso. Nakita kong nagiisip ng paraan si Katy upang maligtas ako ngunit nag alala ako na baka mapahamak siyang muli kaya sumenyas ako na umalis na siya dito. Senya lang ang tangi kong nagawa dahil baka habulin pa siya ng mga matsing. Sumenyas ako na umalis na siya habang nasa akin pa ang atensyon ng 3 monkeys Tinignan naman niya ako ng diretso sa mata at nakita kong tuluyan ng bumagsak ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa kaniyang mga mata. "Salamat" walang boses niyang binanggit iyon at tuluyan na siyang tumakbo nang hindi napapansin ng mga bopols na matsing. Nanlaban ako sa pagkakahawak ng mga matsing na mahigpit na nakahawak sa magkabila kong braso. Dahil sa panglalaban ko ay sinuntok ako muli nung matsing na hindi nakahawak sakin. "Hindi nalang kasi dapat kayo nanlaban pa! Nang sa ganun ay hindi niyo na nasaktan ang aming pinuno at hindi mo na sinapit ito." Pinuno? Malamang ay yung butanding ang tinutukoy niyang pinuno nila. "HINDI KAMI MANLALABAN KUNG HINDI MAINITIN ANG ULO NG BUTANDING NINYONG PINUNO! AT KUNG HINDI NIYO KAMI SINAKTAN, TINAKOT AT PINAGBINANTAAN! F*CK YOU BOBONG MATSING!" Nanlaki naman ang mga mata ng matsing na kaharap ko nang marinig niya na tinawag ko siya na bobong matsing. Lumapit siya at akmang sasapakin ako nang itinaas ko ang aking dalawang paa at pinatama iyon sa dibdib niya. Buong lakas ko siyang sinipa. Mukha naman siyang bangkay na tumilapon dahil sa ginawa ko. Ngunit nakatayo siya agad at lumapit muli sakin at mabilis akong sinuntok ng pagkalakas lakas. Walang hiyang matsing to. Kahit buto't balat siya at mukhang wala ng maibubuga ngayon ay di ko inaasahang makakasapak pa pala siya ng ganito ka lakas. Sa lakas nun ay napadura ako ng mukha niya. "Puta!" Singhal niya dahil dun sa nagawa ko. Feeling ko I already ran out of strength para labanan siya. He grabbed a knife mula sa likuran niya at napapikit nalang ako nang makita kong he's about to stab me. Oh diyos ko. Ikaw na ang bahala sa pamilya ko. Mama at papa mahal na mahal ko kayo. Pasensya na po. Dapat kasi nagcocommute nalang kami at hindi na masyadong nagtipid. Sinapit pa tuloy namin ito. Ma, pa patawad po. Tska sa mga kaibigan ko mahal na mahal ko kayo. Nagtaka naman ako kung bakit ang tagal ng pag saksak sakin ng matsing na iyon. Nagulat ako nang lumuwag ang paghawak sakin ng mga matsing na nakahawak sakin ng mahigpit kanina at naramdaman kong bumagsak sila sa lupa dahilan para unti unti kong minulat ang aking mga mata. Pagka dilat ko ay nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Nakabagsak na sa lupa ang tatlong matsing at wala na silang mga malay. Napatingin naman ako sa lalaking matangkad. Mas matangkad pa sakin ng konti na nakatalikod sakin ngayon. namangha ako sa broad shoulders niya. All black din ang kaniyang suot. Unti unti itong humarap sakin at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang kanyang sobrang gwapong mukha. Kahit na may dugo ng konti ang kaniyang labi ay napakagwapo parin talaga niya. Jusko ngayon lang ata ako nakakita ng ganito kagwapong nilalang. Yung naging crush ko dati di naman ganito kagwapo. Masasabi kong mas gwapo siya at for me parang out of this world ang level ng kagwapuhan niya Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko nang lumapit ito ng konti sakin at nginitan ko. Jusko lalo siyang gumwapo nung nginitian niya ako. Mapungay ang mga mata, may clear skin, matangos ang ilong, makapal ang kilay at pouty ang lips. Maliwanag ang buwan at makinang ang mga bitwin. Ngunit sa aking paningin ay mas nagniningning ang kagwapuhan ng lalaking kaharap ko ngayon sa gitna ng madilim na eskenita. ** "Oh bakit parang ang tamlay mo?" tanong ni mama. Naka duster siya ngayon at nandito kami sa sala. Tinakpan ko naman ng konti ang bibig ko for her not to notice that It's bleeding. Ayoko ng mag alala pa siya. "Halika kumain ka mu---" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang dumeretso nako sa kwarto at tuluyan nakong naupo sa kama ko nagpahinga muna saglit bago magpalit ng damit pang tulog. Kumain naman muna kami ni Katy ng konti bago kami umalis sa restaurant kaya hindi ako ganun ka gutom. Gusto ko ng kalimutan muna ang aking sinapit kaya nagbihis nako agad at nahiga na sa aking kama di gaanong malambot. Masakit parin yung natamo kong s Naalala ko naman bigla ang gwapong lalaking nagtanggol sakin. Sino kaya yon? Sa oras na malaman ko kung sino siya ay I will surely thank him. Ipinikit ko na ang aking mga mata upang mabawasan ang kirot na aking nadarama at makalimot saglit sa sinapit namin ni Katy kanina. Ang tanging gusto ko lang maalala sa mga nangyari ngayon is my gorgeous hero. Yung gwapong lalaking nagtanggol sakin kanina. ** Maaga akong pumasok dito sa restaurant. Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni Katy. "Okay ka na ba talaga?" Tanong nito habang hindi pa kumakawala sa pagkayakap sakin. "Oo nabawas bawasan na yung sakit sa katawan ko ngayon" Kumawala na siya sa pagyakap sakin. "Buti naman.. Maraming salamat talaga ah" Tugon niya. "Ano ka ba. Wala yun. Magkaibigan tayo diba?" Napangiti naman siya sa sinabi ko. Kahit siya ang napagtangkaang gahasain ng butanding kahapon ay mukhang ako yata ang mas mukhang napagtangkaang gahasain kesa sa kaniya. Kahit halata sa mga mata niya na hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi ay napakaganda parin talaga niya. Sana all maganda kahit may eyebags. "Oh ano kamusta naman ang resto?" Napatingin kami sa matanda na pero maganda parin na si Mrs. Teressa Flores. Naka floral dress siya at maayos na nakakulot ang kaniyang buhok. Sino ba namang mag aakalang 45 years old na siya? Sus jusko ako nga na 25 years old palang eh mukhang lola na. Sana all ganyang kaganda kahit 45 na. At hindi lang ganda ang meron siya. May angking kabaitan rin ito. Siya ang may ari ng restaurant na ito. Siya ang aming amo. "Okay naman po." Sagot ni Katy dahilan para bahagyang mapangiti si Mrs. Flores Nagkwentuhan kami ng konti. Sayang lang kasi sa maikling panahon lang namin pwedeng makakwentuhan si Mrs. Flores dahil there are some customers who came already. Ilang saglit lang ay nagpaalam na si Mrs. Flores. At tuluyan na kaming nagtrabaho. ** 5:00pm na. salamat sa diyos ay malapit na kaming makauwi at makapag pahinga As expected ay dumating na si Mr. Masky. Ang halos araw araw naming customer na naka mask palagi. Kinuha ko na ang order niya As usual ay madami nanaman siyang pinag ooder at naubos niya agad iyon. Nang makatayo na siya at makalabas na siya sa pinto ay agad kong napansin ang wallet na nasa table na kinainan niya kanina. Sigurado akong sa kaniya iyon dahil sa pagkaka alam ko ay wala naman iyon kanina. Kinuha ko iyon at sinulip ko kung magkano ang nakalagay na pera dun. Feeling ko kumislap ang aking mga mata nang makita kong madaming kulay blue na pera doon. Diko na sigurado kung ilang libo ang meron doon. Siyempre di naman ako yun klase ng tao na nasisilaw sa pera. kaya nang makita kong hindi pa siya gaanong nakakalayo ay agad akong lumabas sa restaurant at hinabol siya. "Sir! Sir!" pagtawag ko sa kanya. Halata sa boses ko na medyo hinihingal nako kaka habol sa kaniya Napahinto naman siya sa paglalakad at liningon niya ako. Naka gray t-shirt, white jacket at black jeans siya ngayon at as usuall, Hindi ko makita ang kabuohan ng kaniyang mukha dahil sa black mask na palagi niyang suot. "Y-yung wallet niyo po naiwan niyo" Sambit ko. Inabot ko na sa kaniya ang wallet niya. "Salamat." Sambit niya at tumalikod na siya sakin Aalis na sana ako at babalik na sana sa restaurant ngunit napatigil ako nang bigla siyang magsalita. "Kamusta ka na?" Tanong niya. Napalingon ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Huh?? Bat naman niya ako kinakamusta eh hindi naman kami magkakilala? "B-bakit ho?" Nagtataka kong tanong "Are you okay now?" "Yes.." Tugon ko. Nag yes nalang ako para matapos na. Ang weird naman non.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD