After nun ay nag usap pa kami ulit ni Kyomi about life and then nung nag 8:00pm na ay nagpaalam na kami sa isa't isa.
Nang makauwi na ako ay nakita kong nandito narin si papa. Matapos kong tanggalin ang sapatos ko ay naglakad ako papalapit sa kaniya at nag mano.
"Oh saan ka galing? May dinate ka noh?" Eto talagang si papa. Meron bang gustong makipag date sa isang tulad kong mukhang engkanto parin kahit naka ayos?
"Wala po pa. Jusko kayo talaga. Kinita ko lang po si Kyomi sa park. Yung kaibigan ko po nung highschool."
"Ah, eh kamusta na daw siya?" Tanong ni papa.
"Ayun, mag nunurse na." Sagot ko. May konting bahid ng lungkot yung boses ko nang sabihin ko iyon.
Buti pa si Kyomi nakapag patuloy sa pag aaral niya at malapit niya ng makamit ang pangarap niya.
Samantalang ako? Wala... haysss
"Oh siya anak. Kain n---" hindi na natapos ni papa yung sasabihin niya dahil biglang dumating si mama na mukhang masakit ang ulo.
Inalalayan ko si mama paupo dun sa maliit naming sofa. Agad akong kumuha ng tubig at pinainom iyon sa kaniya.
Mukhang hindi talaga maganda ang pakiramdam ni mama ngayon. Chineck ko kung mainit ba siya at oo nga, mainit siya. At mukhang ang taas ng lagnat niya
"Anak, pwede mo bang paki usapan si Mrs. Flores na mag leave ka muna?" Pakiusap ni mama nang matapos siyang uminom ng tubig.
Di nga pala alam ni mama na binigyan kami ng 2 days break ni Mrs. Flores kasi maaga siyang pumasok kanina.
"Di ako pumasok ma. Binigyan po kami ng 2 days break ni Mrs. Flores" Tugon ko. Siguro kaya ko gustong ipag leave ni mama kasi gusto niyang alagaan ko muna siya.
"Talagang napakabuti ni Mrs. Flores. Anak pwede bang ikaw muna ang mag alaga dun sa matandang may ari ng bahay na pinapasukan ko? Isang araw lang anak. Isang araw lang wag kang mag alala." Mali pala ako. Akala ko siya yung magpapaalaga sakin. Gusto niya pala iba yung alagaan ko.
"P-pero ma pano ka---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang biglang magsalita si papa.
"Hindi muna ako papasada para maalagaan ko yang nanay mo." Sambit ni papa.
"Hindi. Pumasada ka. Kaya ko na ang sarili ko. Jusko simpleng lagnat lang ito." Eto talagang si mama. Hayss..
"Hindi. Aalagaan kita. Mamaya lumala pa yang lagnat mo. Mahirap na." Tugon ni papa.
Pinilit talaga ni papa si mama na hindi nalang ito papasada para maalagaan siya. Sa huli ay pumayag nalang si mama.
**
9:00pm
Napatayo ako sa aking kama nang biglang may kumatok sa kwarto ko.
"Anak?" Hala boses ni mama yun.
Binuksan ko agad yung pinto. Naka pulang balabal si mama at halata sa kaniyang mga mata na hindi talaga maganda ang pakiramdam niya.
May inabot siya saking isang maliit na piraso nf papel.
"Nakasulat diyan yung address ng bahay na pinapasukan ko anak. Pasensya na anak ah. Wala kasing mag aalaga dun sa matanda. Awang awa kasi ako sa matandang babaeng yun kasi kahit marami siyang kasambahay ay ako lang ang nag tyatyaga na kahit madami ring ibang kailangan gawin dun sa bahay ay inaalagaan ko parin siya. Pasensya ka na kasi kahit break mo eh pinag trabaho pa kita. Pasensya na anak" saad ni mama. Nakita kong may mga luha na ngayon na nagbabadyang lumulo sa mga mata ni mama.
Tinanggap ko yung papel. "Okay lang po yun ma." Sabi ko sabay ngiti para pagaanin ang loob ni mama. Ayoko ng umiyak pa siya kasi baka lalo pang sumakit ang ulo niya.
"Salamat anak." Tugon ni mama at bumalik na siya sa medyo maliit na kwarto nila ni papa na nasa tabi lang ng kwarto ko.
Siguro napamahal na si mama sa matandang babaeng may ari ng bahay na pinapasukan niya. Siguro ay itinuring na niya iyon na parang nanay niya. Nung 30 years old kasi si mama ay namatay ang nanay niya which is yung lola ko dahil sa sakit sa puso.
Inilagay ko ang maliit na piraso ng papel doon sa loob ng sling bag na lagi kong dala pag pumapasok ako sa restaurant. Kulay puti ito at may nakaburdang bulaklak sa harap. Napagdesisyunan ko na iyon din ang bag na gagamitin ko bukas pag alis ko.
Naalala kong wala palang gamot si mama. Naisipan kong kumuha muna ng pera sa ipon ko na nakalagay sa isang malaking garapon. Ipon ko ito para sa pag aaral ko pero babawasan ko muna kasi walang pang bili ng gamot si mama.
Matapos kong makakuha ng pera ay bumaba ako at tinignan ko kung gising pa si papa. At gising pa nga ito. Nakaupo siya sa maliit na sofa naming gawa sa kawayan at tinatapos pa niya yung paborito niyang palabas tuwing gabi.
Lumapit ako sa kaniya at inabot ko sa kaniya ang pera. "Papa bilhan niyo po si mama ng gamot. Eto po yung pera."
Nung una ay hindi niya ito tinanggap at sinabi niyang may pera pa naman siya. Pero pinilit ko parin siyang tanggapin iyon dahil alam ko naman na hindi sapat ang pera niya at baka umutang pa siya sa mga kumpare niya. Mamaya madagdagan pa ang utang nila.
Sa huli ay wala narin siyang nagawa at tinanggap nalang niya iyon at nagpasalamat narin siya saakin.
**
5:45am nang umalis ako sa bahay namin. Simpleng Blue na T-shirt tska pants lang ang suot ko.
Napawow ako nang makababa ako sa tricycle at nang makita ko kung gaano ka ganda at laki yung gate ng bahay na pinapasukan ni mama. Gate palang yun ah. Grabeh ang ganda.
Nag bayad muna ko sa tricycle driver bago dumeretso sa higanteng gate nun. Pinindot ko yung doorbell ng isang beses at nagulat ako nang biglang bumukas yung gate. Binuksan pala yun ng 2 guards. Pagpasok ko ay lalo kong namangha sa ganda ng bahay na ito. Para siyang palasyo. May pa fountain pa sa gitna sus jusko. At puting puti ito.
Ang ganda talaga ng puting palasyo... este bahay nato.
"Sino ka?" Sabi nung isang guard na nakashades ba at malaki ang tiyan.
"Ako po yung anak ng namamasukan dito. S---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang bigla siyang mag salita
"Ahhhh... Ikaw pala yung hinihitay ka na ni Mrs. Mercedes" Sabi ng guard. Siguro yung Mrs. Mercedes yung matanda.
"Tara, sumunod ka." Sinundan ko yung guard at kumatok siya sa pagkalaki laking pinto.
Nang bumukas iyon ay napanganga ako kasi talagang pang mayaman yung loob ng bahay niya. Ang laki at may chandelier pa at may dalawang hagdanan na ang hahaba at naka pa curve ang mga ito. Puting puti ang bahay nato at talagang napakalawak at napakaganda.
ANG GANDAAAA
Sinundan ko yung guard papunta sa sofa na ang lawak at may matandang naka wheel chair na nandun. Kasalukuyang nakatalikod ang wheel chair niya sakin pero nang tawagin siya ng guard ay unti unti itong humarap.
Grabeh. Matanda ba to? Naka simpleng red dress siya at madami siyang alahas na suot. At kahit na senior citizen na siya ay ang ganda niya parin. Di naman masyadong kulubot ang balat niya, kulay brown ang mga mata, medyo makapal ang kilay, matangos ang ilong, manipis ang labi at maikli ang kaniyang buhok, mga hanggang baba niya lang at kulay grey ito.
"Oh, iha maupo ka." Ngumiti ito at inanyayahan akong umupo sa puti at mukhang napakalambot na sofa.
Medyo nahiya naman ako pero umupo nalang din ako.
"Ikaw pala ang anak ni Celina. Ang tangkad mo ah." Tangkad lang? Well, yun lang naman ata ang macocompliment sakin eh.
"Hindi ako masyadong alagain. Kaya ko pa naman kahit papanong kumilos mag isa. Wag kang mag alala" sambit nito.
"Ah sige po." Iyon nalang ang tinugon ko.
"Ano nga pala ang iyong pangalan iha?" Tanong nito. Oo nga pala di pako nag papakilala
"Ako po si Erina" Tugon ko sabay ngiti.
"Ilang taon ka na?" Tanong niya ulit.
"25 years old na po ako" Tugon ko.
"Ah halos kasing edad mo pala yung apo ko. Mas matanda lang siya ng 2 taon." Oh may apo pala siya.
"Nasaan po yung apo niyo ngayon?" Nacurious naman ako kaya tinanong ko iyon sa kaniya.
"Nandun sa restaurant namin. Siya ang nag mamanage nun." Napatango naman ako sa tugon niya. May restaurant pala sila.
"Alam mo, yang apo ko awang awa ako diyan noon. Kinakawawa yan ng tatay niyang lasingero. Ewan ko ba dun sa anak ko bakit sa dinami dami ng lalaki eh sa mahirap na lasinggero pa nakipag tanan. Hindi ko alam saan sila nag punta nun. Isang araw nabalitaan ko nalang na namatay yung anak ko. Nasagasaan. Nalaman ko ring kasama pala niya yung asawa niya nung gabing nasagasaan siya" Kwento niya huminto muna siya dahil nagsimula ng tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Halatang hindi parin siya nakakamove on sa sinapit ng anak niya.
Parang naluluha na din tuloy ako. Pero buong sikap kong pinigilan iyon.
"Nang malaman kong namatay na ang anak ko ay agad kong inalam kung saan siya nakaburol. Nakaburol siya malapit sa bahay nila. Ako ang nagpalibing sa anak ko at nang lumipas ang ilang araw ay bumalik ako sa bahay nila para hanapin yung g*gong asawa ng anak ko para sampalin siya kaliwa't kanan dahil hinayaan niyang mamatay yung anak ko. Nang makarating ako sa bahay nila ay dun ko lang nalaman na may lalaki pala akong apo at naabutan kong sinisinturon siya ng tatay niya. Awang awa ako kaya pinag tanggol ko yung apo ko at dito na pinatira. Ako narin ang nagpaaral." Kwento niya.
Kawawa naman pala yung apo niya jusko.
"Eh asan po yung asawa niyo?" Nagtataka kong tanong.
"Pinag palit ako. Nangibang babae." Ahhh jusko. Grabeh din ang pinag daanan ni lola ah.
"Oh siya, magpapahinga muna ako sa kwarto ko. Nag almusal nako. Ikaw iha mag almusal kana. Teka tatawagin ko si Frida para iassist ka." Sabi nito.
"Teka nakaka akyat po kayo mag isa?" Tanong ko.
"Oo ano ka ba. Kaya lang ako nag wwheel chair kasi mabagal nako maglakad. Pero nakakatayo pa naman ako" tugon niy ahhhh. Kala ko di na siya nakakatayo eh.
"Fridaaaa!!!" Agad namang pumunta yung frida. "Po?"
"Iassist mo itong si Erina. Di niya pa alam ang pasikot sikot dito sa mansyon. Ituro mo." Agad naman tumango si Frida.
"Halika" sambit nito. Tumayo ako at sumama nako sa kaniya. Maliit lang siya at naka uniform siya na pang kasambahay ngayon. Mga nasa 30 na ata ang edad niya.
"So ikaw ang anak ni Ate Celina?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang tugon.
"Maganda naman si Ate Celina... Bat ikaw.... nevermind" Aba. Gusto ko sanang sabihin na Oo na, panget na ko. Nahiya ka pang sabihin. Pangit ako. Sobrang panget. Oh ano, happy?
"Eto yung kusina." Sambit niya.
OMG ang laki ng kusina. Ang ganda.
"Nag almusal ka na ba? Cereals gusto mo?" Tanong nito. Tatangi na sana ako kasi nahihiya ako kaso biglang nag grrr yung tyan ko.
Napatingin naman ako sa tyan ko at halata sa expression ng mukha ni Frida na narinig niyang nag aalburoto na yung tyan ko.
Tumango nalang ako bilang tugon. Ipprepare niya na sana yung cereals pero sabi ko kahit tinapay nalang
"Mukhang hindi ka pa kasi nakakatikim ng cereals eh. Kaya ito nalang. For a change naman, diba." At ito ang tinugon niya. Tumango nalang ako. And she prepared the cereals for me.
Hindi ganoon kalaking mesa na malapit sa may kusina. Tinanong ko siya kung doon ba sila kumakain at tumango siya.
Pumunta naman ako doon at umupo ako sa may right side nun. Nagpasalamat ako sa kaniya nang ihain niya na ang cereals na mukhang napakadami at hindi ko mauubos na nakalagay sa malaking bowl.
"Ubusin mo yan para di na mag alburoto yang tyan mo" hayss... narinig nga niya talaga. Bat kasi ang ingay ng pag alburoto netong tyan ko eh.
Sa sarap ng cereals na iyon ay di ko nalang din namalayan na naubos ko na pala yung ganung kadaming cereals.
Grabeh. Ngayon lang ako nakapag almusal ng ganito.
Usually kasi mga pandesal lang na isasawsaw ko sa kape yung almusal ko eh.
**
Matapos akong itour ni Frida dito sa mansion ay tinuro niya narin sakin ang schedule ng pag inom ng gamot ni lola.
Nang mag tanghalian na ay tumulong ako sa pagluto ng sinigang at sinubuan ko si lola
Nang mag alas tres na ay umakyat ako sa taas dala ang isang tableta at isang baso ng tubig at pumunta ako sa kwarto ni lola para painumin siya ng gamot.
Nang laki ang mga mata ko nang makita kong human body parts yung kwarto ni lola. May nakalagay pa kung ano iyon at kung ano ang functions nun.
Tinanong ko si lola kung bakit puro ganun yung kwarto niya at matapos niyang inumin yung gamot ay sinabi niyang isa siyang retired doctor at meron siyang isang hospital.
Grabeh ang yaman talaga nila.
Nang mag hapunan na ay tumulong muli ako sa pag luluto. Marami silang kasambahay. Kaso si Frida palang yung kilala ko. Mukhang mababait naman yung iba.
Nang maluto na yung hapunan ay agad ko ng pinakain si lola at pinainom ko muna siya ng gamot bago siya umakyat.
Inalalayan ko parin si lola paakyat kahit sinabi niyang kaya naman niya.
Nang makarating na kami sa pintuan ng kwarto niya ay may biglang lumapit na kasambahay.
"Mrs. Mercedes. Nandito na po yung apo niyo." Sambit nito.
"Oh siya, tanungin niyo kung kumain na ba siya. Ipag handa niyo ng hapunan kung hindi pa ha. Sabihin mo nagpapahinga nako dito sa kwarto ko." Sabi nito.
"Ay teka. Iha salamat nga pala ha." Sambit sabay ngiti.
"You're welcome po." Tugon ko at nginitian ko siya.
Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto niya at inalalayan ko pa siya papunta sa kama.
Nang pababa nako ay natanaw ko ang isang pamilyar na lalaki. Naka white t-shirt, black jacket, black cap at pants siya.
At naka mask.
"Mr. Masky?" Mahina kong sambit.
Unti unti akong bumaba.
Hindi siya nakatingin sakin.
Nakita kong dahan dahan niyang hinubad ang kaniyang mask at nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung sino siya.
Si Mr. Masky at yung lalaking nagligtas at yung lalaking kumanta sa park at tinitigan ako habang kumakanta na parang pinapahiwatig niya na para saakin yung kantang iyon ay iisa pala.
At sa palagay ko, siya rin ang apo ni Mrs. Mercedes
Tumingala siya at nagkatinginan kami. Halata sa expression ng mukha na nagulat siya nang makita ako.
Shet ang gwapo niya parin talaga. Ganun parin siya, gwapo parin. Ang tanging nag iba lang is yung hairstyle niya. Di na curly. Medyo straight na.
Mukhang kahit na anong hairstyle naman ay babagay sa kaniya eh.
Isang prinsesang dahan dahang bumababa sa hagdanan para imeet ang kaniyang prinsepeng napakagwapo na naghihintay sa kaniyang bumaba at lumapit sa kaniya ang peg ko ngayon.
Pero hindi ako katulad ng ibang prinsesa....
Isa akong chakang prinsesa