Chapter 5

882 Words
Chapter 5 Kasabay namin maghapunan si Scarlet habang kumakain kami ay pinagmasdan ko siya, hindi ko pa din maiintindihan kung bakit inimbitahan ni Alex ang babaeng ito sa bahay namin. Well, she’s not too pretty katulad ng tingin ng iba. I am not bitter, I’m just telling the truth.. She has fair skin, dagdag puntos ang mahaba at shiny niyang buhok but all in all she’s not that pretty. Mahinhin ang kilos niya at magsalita pati Yong pagtawa niya masyadong pino parang dalagang Filipina hindi katulad ko konting kibot nakasigaw na agad. Sa tuwing napapatingin siya sa akin ay ngumingiti siya sympre ngingiti din ako ayaw ko naman sabihan niya na ang suplada ko. Magkaklase pala sila ni Kuya Alex at ni Thomas at pinagtapat na ni kuya na girlfriend niya na si Scarlet at ako naman ay litong lito sa nangyayari, papano nangyari yon? So, si Thomas ano? Break na sila? Eh parang last week lang May paabot abot pa ng roses sa kanya si Thomas tapos ngayon boyfriend niya na si Kuya Alex... Anong nangyari? Kahit naman gustong – gusto ko si Thomas nasasaktan ako para sa kanya at baka gawin niya din iyon sa kuya ko. “Itong si Alex po napaka torpe. “ natatawang sabi ni Scarlet habang nagkukuwento. “Oh, si Kuya torpe? “ sagot ko naman. “Oo. “ sagot agad ni Scarlet. “Akalain mo ba naman na ginamit pa Yong kaibigan niyang si Thomas para ligawan ako. “ “Huh? Gulat na tanong ko. Ohh, I see si Thomas Kaya ang tinutukoy niya? Sabi ko sa aking sarili. “ naging usap usapan tuloy kami sa buong University, Akala nila si Thomas ang boyfriend ko... Yong roses kasi na binili niya si Thomas ang Inutusan niyang magabot sa akin”. Patuloy na pag kukuwento ni Scarlet sa amin. So, ngayon malinaw na ang lahat sa akin parang gusto kong lumundag sa tuwa dahil sa nalaman ko, ibig sabihin hanggang ngayon wala pa din siyang girlfriend. Napagisipan ko pa ng masama si Scarlet Hay... Sana pala hindi ko muna siya hinusgahan. Nasa balkonahe kami ngayon ng bahay at nagpapahangin, kung kanina ngiti ngiti lang ang pagbati ko sa kanya ngayon halos mapunit ang mukha ko sa kaka smile sa kanya. Ha ha ha, buti na lang talaga Thomas is still mine. Pero bakit nga ba hindi ba siya pumupunta dito sa bahay, may nangyari kaya sa kanya o baka naman nag away sila ni Kuya. Kung ano – ano na ang pumapasok sa isip ko. Hmmp naisipan ko tuloy na itext siya. Pero ano naman ang sasabihin ko. Kinuha ko ang cellphone ko upang itext si Thomas pero bago ko pa ma type ang sasabihin ko sa kanya ay tumunog na ang phone ko at nag message sa akin si Thomas. Halos, mabitawan ko ang aking phone dahil sa tuwa, super kilig ako ng nabasa ko ang text niyang how are you? Hala grabe na ito masyado ko na siyang minamahal, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya sa text na how are you? But for me it means a lot. Iniisip ko kung mag rereplay ba ako o hindi? Hmm... Hindi na lang muna siguro, pero pagkakataon ko na na tanungin siya kung anong nangyari sa kanya.. Pero hindi pa din, hayaan ko muna siya mag text ulit at kapag nag message siya ulit tsaka na lang ako sasagot. Lumipas ang oras hanggang ihatid na ni Kuya Alex si Scarlet sa bahay nila, hanggang sa mag hating gabi na hindi na ulit nag message sa akin si Thomas. Hmp, Akala naman niya sasagot ako basta basta sa kanya. Kung nag message siya sa akin ng I love you sa sagutin ko agad siya ng one hundred times... Ay ano ba yan? Ang harot harot ko papano ako magugustuhan niyan. Hangang sa lumipas ang magdamag nakatulogan ko na lang ang kakahintay ng message ni Thomas pero walang dumating. Tanghali na ng magising ako, naghilamos lang ako at nag toothbrush at bumaba na agad ako ni hindi pa nga ako nakapagsuklay at naka pajama pa din ako. Dumiretso ako ng dining area upang mag almusal nagulat na lang ako na nasalubong ko si Thomas na may dalang isang pitsel ng tubig. “Good morning, Claire tinanghali ka yata ng gising ngayon ah. “ bato niya sa akin. “Good morning din. “ I give him my sweetest smile. Kahit na g**o g**o ang mukha ko kailangan charming pa din ang dating ko sa kanya. Lagi na lang wrong timing itong si Thomas palagi niya na lang akong nakikita na mukhang bruha at kagigising lang. Hay naku! Papano niya ako magugustuhan nito. “By the way, I sent you a message last night... Nabasa mo ba? “ tanong niya sa akin. “Ahh....hindi...hindi ko nabasa kasi ang dami kong homework eh... “ pagsisinungaling ko sa kanya. “Ah, well, mukhang magaling ka na naman eh.. Just wanted to know if you are okay”. Parang may Mga anghel na bumaba sa langit ng marinig ko mula sa kanya ang Mga salitang iyon, totoo ba ito concern siya sa akin... Simula ng Mga bata pa kami mabait na talaga siya sa akin. Siguro may gusto din siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD