Nagising ako kinaumagahan at nadatnan ang sarili na wala sa sarili kong kuwarto.
Mayroon akong nararamdaman na presensya sa aking kaliwang gilid at kaagad na napamulat ng mga mata nang makita ang isang hindi pamilyar na lalaki. Nakapikit ang mga mata nito na na tila’y mahimbing ang tulog.
Napabalikwas ako ng pag-upo sa kama at naramdaman ang pananakit ng aking ulo. Nalukot ang aking mukha saka napahawak doon habang pinagmamasdan ang babae.
Nakabalot ito ng kumot sa buong katawan. Napatingin naman ako sa sarili ko at nakitang suot-suot ko pa ang mga damit ko.
That must mean we didn’t have s*x, right?
Napalunok ako at malakas na nagpakawala ng hininga. Unti-unti ay bumabalik sa alaala ko ang nangyari kagabi matapos ko inumin ang alak.
Muli akong napalingon sa natutulog na babaeng pulubi at inusisa ito. Kapansin-pansin ang balat nito na may hindi natural na kulay kayumanggi. Marahil ay dahil sa pagka-bilad sa araw. Pansinin din ang maalon at makapal niyang itim na buhok na kung titingnan ay mukhang malambot. Ganoon na lang din kahaba ang kaniyang pilik-mata habang kasalukuyang nakapikit.
Ito ba talagaa ng pulubing pinulot ko noong araw na iyon?
Naalala ko pa na nababalutan siya ng mga itim na uling at iba’t-ibang klase ng mga dumi sa buo niyang katawan. Mukhang malala ang ginawang pagbabago ng mga maids sa pulubing ito para isiping mukha na itong desenteng tao ngayon.
Maigi ko pa siyang inusisa at nakita ang mga chikinini sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang leeg. Napangiwi pa ang labi ko sa namamaga niyang mga labi at bumakas sa alaala ko ang paghalik sa kaniya na para bang uhaw na uhaw.
Panigurado, kung hindi ako nakainom ay hindi ko iyon magagawa sa isiping siya ay isang pulubi. Na kahit na sinabi ni Doctor Farhan na wala siyang mga nakakahawang sakit sa katawan ay hindi ko parin maiwasan na pandirian ito.
Mayroon pang bakas ng mga ngipin ko sa collarbone niya na kung titingnan ay mukhang mahapdi. Hindi na rin ako magtataka kung bakit nalalasahan ko ang luha niya kagabi habang ginagawa iyon.
Was I that wild? I don't think I even gave it my all.
Tatayo na sana ako nang makita ang paggalaw ng mga pilik-mata niya at dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata.
Nang magising siya ay nagtama kaagad ang mga paningin namin sa isa't-isa. Subalit hindi pa rasyonal ang itsura niya at nakatulala lang sa akin na talaga bang bagong gising.
Hindi ako nagkamali noong una ko siyang makita, talagang light brown ang kulay ng mga mata niya at pansinsin iyon.
Tinaliman ko siya ng tingin. "Get up."
Sandali pa siyang parang wala sa sarili na matagal tumitig sa akin bago unti-unting bumalik ang kanyang rasyonalidad.
Napabalikwas siya ng bangon at pumosisyon ng nakaluhod na nakaupo paharap sa akin habang nakayuko ang kaniyang mga ulo. Ang mga kamay niya ay masunuring nakahawak sa magkabilaan niyang tuhod.
"M-Magandang umaga, Sir---M-Master." garagal at natatakot niya pang pagbati.
Master?
Nangunot ang noo ko bago maalala ang sinabi ko kagabi.
Nakurot ko ang sarili kong mga daliri. Pinagmasdan ko ang malusog na dibdib niya na bumabakat sa suot niyang manipis na pajama.
Naaalala ko pa kung gaano kapula ang mga u***g niya kagabi lalo na noong pinagpipisil ko.
Sa isiping iyon ay awtomatiko kong nabawi ang aking paningin.
"Anong pangalan mo, saan ka nanggaling at paano ka naging pulubi?" sunod-sunod ko pang saad.
Para pa siyang nagulat subalit kaagad ding bumawi. “M-Marami po akong pangalan. Ipinagbili ako sa slave market sa Tsina at napadpad dito muli sa bansa para i-forced labor… tsaka ako tumakas, master.”
Hindi ko inaasahan ang naging tugon niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko at pagsasalubong ng mga kilay ko.
Slave? Human trafficking??? What the hell?!
Ang akala ko lang ay isa siyang pangkaraniwang pulubi, pero para malaman na isa pala siyang alipin!
Sinubukan kong huwag magpakita ng emosyon at nanatiling malamig. "Saan ka nga nagmula?"
"Ah… bahay-ampunan." It looks like he's trying to remember something but didn't speak any further.
Malalim akong napabuntong-hininga at bumaba sa kama. Inayos ko ang sarili saka siya muling binalingan. ""Dahil alam mo na ako, pag-uusapan natin ang dahilan kung bakit kita dinala dito sa susunod na pagkakataon. Sa ngayon, huwag mong ipakita ang iyong mukha sa harap ko maliban na lamang kung ako ang maghanap sa iyo."
Tumingala siya sa akin matapos ko iyong sabihin. Nagtama muli ang mga mata namin at doon ko lang nakita ang malaki ngunit hugis-almond niyang mga mata. Subalit kahit pa makinang ang kulay ng mga ito, sa hindi malamang kadahilanan ay maulap ang mga ito at malabo na para bang walang nakikitang liwanag.
It's weird.
"M-Master…" nanginginig man ay pilit niyang inalubong ang tingin ko. "M-Magiging… s*x slave niyo po ako?"
Napaintag ako sa gulat sa tanong niya. s*x slave?!
It's not–!!
Nakagat kong bigla ang labi. Well… I actually brought her here to have s*x with her so…
But it's only for one night! Nadala lang ako ng emosyon at alak kagabi kaya ko iyon nagawa. Isa pa, ngayon ko lang napagtanto na humihingi nga pala ng proof si Hzel na ginawa namin ang bagay na 'yon. Tsk!
"As I said, I'll tell you your purpose later on. So stay still, and everything you need will be provided here." I coldly replied.
Hindi siya nagsalita subalit masunuring tumango ng dalawang beses. Saka lamang ako lumabas ng kaniyang kuwarto.
******
"Pre! What happened?! Hindi ko na nakokontak si Hazel, pati ikaw! Anong nangyari sa inyo?" Boses ni Anthony ang umingay sa telepono ng opisina ko pagkasagot ko.
He might be calling because his company is at stake. I can hear his annoyance in his voice.
"Your little sister wants to break off our engagement." Deretsahan kong sabi. "Alam mo naman na six months na lang ay ikakasal na kami, pre, pero mukhang hindi siya susunod sa usapan. Ni hindi siya nakikipag-usap ng matino. Does this have a different meaning or move? Should I be wary of your family?”
Natigilan siya sa kabilang linya. “N-No pre, it's not like that. Ano ka ba naman.”
Tsk! Aren't they aware that I was always aware they were using me for their shits, which is why they're shocked?
Buong buhay ko ay halos lahat ng taong lumalapit sa akin ng may binabalak na masamang intensyon. At tanging si Hazel lang hinayaan ko sapagkat totoo ang nararamdaman ko para sa kaniya at nararamdaman kong ganoon din siya.
After all, whose man could be compared to me? I have the looks, money, and power. When I loved someone, I treated him very kindly, sincerely, and possessively. I had even lowered my dominating attitude and submitted to her. So what's there to ask for?
"Huwag kang mag-alala pre! Gagawin ko lahat. Hindi ako makapapayag na hindi matuloy ang kasal niyo ng kapatid ko.
"Sure,” binaba ko ang tawag.
Nang pabalik na sana ako sa aking tinatrabaho ay bigla na lamang bumukas ag pintuan ng aking opisina.
"BOSS!" Nagmamadaling humarap si Carlos sa akin.
"What's wrong?" Puno ng pagtataka kong tanong.
"Boss! Nawawala 'yung babae!!"
"Who?" Naguluhan ako.
"'Yung pulubing babae nawawala, Bosss!! Wala siya sa kuwarto niya nung maghahatid sana ng pagkain ang isa sa mga katulong, at wala rin siya sa loob ng mansyon!!"
Unti-unting tumaas ang isa akong kilay at kaagad ding nagdilim ang aking mga mata. Didn't I tell her to stay where she is?
"Boss, mukhang tumakas siya.”