Sumunod ang ilang mga araw na naging mas madalas mag sama sila Julian at Ashley kahit nasa bahay lang ang mga ito. Sa mga araw na nagdaan ay naging mas malapit pa sila sa isa't isa kaya naman hindi na sila masyadong ginugulo ng panahon kahit hindi pa binibigyan ng tamang sagot ni Ashley si Julian na tapat parin sa ginagawa nitong bantayan at alagaan si Ashley. Umalis ang sasakyan ni Kylie na napahinga naman ng malalim si Julian at sumandal sa sasakyan nito at nagpasalamat ng tahimik na hindi sya nakita agad ni Kylie dahil kung nagkataon man ay maging mas malala ang hindi sya papansinin ng dalaga. Pagkatapos naman ni Julian na masigurado na nakaalis na ang sasakyan nil Kylie ay agad naman sya naglakad papasok ng building na may dala na namang pagkain para ibigay kay Ashley at nakitang may

