Nang dumating ang tanghali, nagising na lamang si Julian na mag isa nalang sa loob ng studio ni Ashley. Bumangon ito at agad hinanap ang dalaga ngunit dahil hindi naman nya alam kung saan sya papunta, naglakad na lamang ito pabalik sa studio ni Ashley. Para masigurado, katok sya ulit sa banyo sa loob ng silid ngunit hindi naman lock ang pinto kaya naisip nalang ni Julian na baka may ginawa si Ashley. Pumasok si Julian ng banyo at humilamos ng mukha nito. Pagkatapos ni Julian maghugas, pumaroon ito sa labas. Ngunit ng lumabas ito, hindi nya inasahan na maraming mga tao na may mga hawak na mga kamera. Para iwas sa gulo, sinuot ni Julian ang hood ng hoodie nito at lumibot sa kabilang side ng gusali para dumaan sa likod. Ngunit nang dumating sya doon, may maliit na gropong nakatayo lamang h

