♚♚♚ Agad na bumagsak sa sahig si Zafaro Vander, ngunit bigla rin akong tumilapon paatras sa pader nang tamaan ako ng kanyang Armageddon. Napaubo pa ako ng dugo. Hindi ko kasi inaasahang ganun kalakas ang taglay niyang Armageddon. Kahit ang pader na gawa sa bato ay nagkaroon ng bitak dahil sa ginawa niya. "Nakikita mo na Yohan? Mas mainam para sa'yo ang maging kakampi ko. Kung nag-iisip ka, hindi mo ako kakalabanin nang ganito. Huwag mong sayangin ang ikalawa mong buhay." Sabay pa kaming tumayo at nakita ko ang kakaibang majika na ginawa niya. Pinatakan niya ng kanyang dugo ang espadang Orosman na hawak niya. Tapos sa isang kumpas ng kanyang kamay, mistulang natunaw ang talim ng espada at dumaloy ito patungo sa putol nitong binti. Umanib doon ang natunaw na bakal hanggang sa nabubuo na i

