Chapter 99. Tren

3388 Words

Napaisip talaga ako sa sinabi ni Amiela. Alam kong may taglay akong majika, dahil hindi naman basta-bastang mga nilalang ang mga magulang ko, ayon kay Lolo Taragis. At bata pa lang ako ay nagagamit ko na ang kapangyarihan ko. Pero wala akong ideya tungkol sa mga Lacrimae, dahil ngayon ko pa lamang narinig ang tungkol dito. "Mapapaandar ko ba talaga ang tren na ito?" Tumango ulit si Amiela, saka kinuha ang aking kanang kamay at hinila niya ako patungo sa pasukan sa loob ng tren. Pumasok kami sa loob, sa unang silid kung saan posibleng pinapaandar ang tren na ito. May upuan para sa magmamaniobra nito, sa gitna ay may parang manibela ng sa mga karowahe. Ang kaibihan lang sa manibela nito, may butas ito sa gitna na maaaring paglagyan nang maliliit na bagay, na agad kong nahulaan na para ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD