Yumayanig na sa taas namin at malamang sa malamang ay tumitindi na ang bakbakan sa pagitan nina Gurong Benhur at Goleman. Pero yumayanig din ngayon ang puso ko sa dibdib ko kahit wala naman akong puso. Tangina, mahal ako ni Aravella! Hindi ko lang imahinasyon iyon! Talagang narinig ko yung sinabi niya. MAHAL AKO NI ARAVELLA! Woohoo! Sabi ko na eh! Masungit siya, may pagkamaldita, at mainitin ang ulo pero mahal niya ako! Ano pa ba ang mahihiling ko? Narinig ko ulit ang boses ni Aravella sa isip ko. Masama ang tingin niya sakin. Ang saya mo ah. Baka gusto mo munang makalaya mula sa gintong kadena bago ka maglupasay sa saya diyan? Oo nga pala, nakakadena pa pala ako. Kaya sinubukan kong kumawala kaso lalong humigpit yung kadena at nasasakal na ako. Nakita kong tumakbo papunta sakin si

