I woke up feeling sore all over my body. I couldn't remember how many times we did it last night. Parang hindi ito nawawalan ng lakas, kung hindi pa niya nakita na halos hindi na ako makatayo ay hindi niya pa ako tinigilan. I went to the bathroom to wash my face and brush my teeth. Nang lumabas ako ng kwarto ay nagtaka ako sa narinig ng ingay sa labas. Tila may mga bisita siya na pilit na pumapasok sa condo niya. Pero nasa pinto lang siya at pinipigilan iyon. I decided to take a look. Hindi niya alam na nasa likod na niya ako. I think based on their voices their are three guys outside. Mukhang kanina pa ito nasa labas at nagpupumilit na pumasok.
“Who is that?” napaigtad siya sa biglaang pagtatanong ko. Kaagad na natahimik ang mga tao sa labas at tila nagulat nang marinig nila ang boses ko.
“May babae ka pala, d'yan, Harvey!” sigaw ng isang lalaki.
“Kaya pala, hindi mo kami hinahayaang pumasok! Harvey, ipakita mo sa amin!” sigaw naman ng isa at pinukpok ang pintuan.
“Bago 'yan, bro! Ngayon ka lang nagdala ng babae sa condo mo!” ibang boses na naman ang narinig ko. Naguguluhan kong tiningnan si Harvey. Tila nalilito sa mga nangyayari.
“They are my friends, mangugulo lang sila dito. Tsaka, ayokong makita nilang nakaganyan ka,” sabi niya at pinasadahan ng tingin ang suot ko. Napatingin ako sa sarili ko. I am wearing his shirt. Ang natatandaan ko ang siya ang nagsuot nito sa akin. Sobrang laki nito at lagpas ito sa tuhod ko. I'm only wearing panty, and I didn't bothered wearing a b*a. Wala naman na akong kailangan itago sa kanya. Nakita na naman niya ang lahat sa akin. Kaya ano pa ang dapat kong itago?
“Pero nakakahiya naman kung hindi mo sila papapasukin, doon nalang ako sa kwarto mo maghihintay. Hindi nalang muna ako lalabas hangga't hindi sila umaalis.” pangkukumbinsi ko sa kanya. Pero tiningnan niya lang ako ng masama at mabilis na umiling at hindi sang-ayon sa gusto kong mangyari.
“I don't want them to disturb me, I am on leave right now. Pupuntahan ko nalang sila sa susunod. Aalis rin naman 'yang mga 'yan.” he checked the door again if he locked it safely. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko para pumunta sa kusina. Nagpatangay naman ako sa kanya at nagkibit-balikat na lamang. Ano pa nga ba ang magagawa ko? It's his decision after all. Pinaupo niya ako at kaagad na nilagyan ng bacon, hotdog, at itlog ang pinggan ko. He went to his refrigerator to get there a milk. Kumuha rin siya ng baso nilagyan ito habang naglalakad pabalik sa akin. Naririnig ko pa rin ang katok ng mga kaibigan niya sa labas. Pero parang walang naririnig ang lalaki. Umupo siya sa harap ko at nagsimula na ring kumain.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang tumahimik ang mga tao sa labas. Mukhang umalis na nga ang mga kaibigan niya. I felt bad, hindi ko man lang sila nakita at napapasok dito sa loob. Ito naman kasing si Harvey ay napakasungit. Mabuti pa nga at dinadalaw siya ng mga kaibigan niya. Dapat nga niyang ipagpasalamat iyon. Nahihiya na tuloy ako kapag nakita ako ng mga kaibigan niya. Parang ako pa ang dahilan ng hindi nila pagkikita. I felt a little guilty in my chest.
“See? I told you, aalis din sila.” he said while slicing the hotdog. I rolled my eyes and I heard him chuckled. Hindi ako masaya, Harvey! 'Wag kang tumawa!
“One week ang leave ko, minsan lang naman ako magleave sa trabaho kaya dinalaw nila ako dito para mag inuman. Pero pwede namang sa ibang lugar nalang kami. Alam kong kukulitin ka lang ng mga 'yon.” he must be a hard working person. Alam ko namang sobrang busy ng mga schedule ng mga doctor. He deserves this leave. At halata rin sa kanya na parang minsan lang din naglileave sa trabaho .
“Nakakahiya naman kung ikaw pa ang mag-aadjust para sa akin. Nakikitira nga lang ako dito sa iyo. Mayroon naman akong kaibigan na pwede kong puntahan muna para doon makitulog kapag andito kayo. Ang pangit nga namang tingnan kong andito ako. Syempre, privacy n'yo rin iyon.” pero nagsalubong lang ang kanyang makakapal na kilay sa mga sinabi ko. Halata sa kanyang mukha na hindi sang-ayon sa mga sinabi ko.
“You can stay here, Florence. May sariling bahay naman ang isang kaibigan ko kaya pwedeng doon muna kami. And I know that they already knew that I don't want any mess in my condo. Ang kakalat ng mga iyon at paniguradong sasakit lang ang ulo ko sa kanila.” yes, his condo is very clean. His things are very organized. Ang mga damit niya ay parehas lang ang mga kulay. Iba ang lalagyan ng mga damit na puti, itim, at asul. I think that's his favorite color. Halatang-halata ito. Hiyang-hiya nga ako sa sarili ko nang unang beses kong makita iyon. Nahiya ang damitan ko na sobrang kalat. Inaayos ko kapag nasa mood lang ako. Pero isang hila ko lang ang bumabalik kaagad ito sa dati. Kaya naiinis lang din ako.
“Are you sure about that? Like, pwede lang talaga ako sa kaibigan ko muna.” I have a friend. A bes friend. We knew each other since we are high school. We treat each other like sisters. Pangit man pakinggan pero hiniling ko talaga na sana siya nalang ang kapatid ko. Mas malapit pa ako sa kanya kesa kapatid ko na kadugo ko talaga. Actually, ilang beses na siyang nag offer sa akin na doon tumira sa kanila. Pero ayoko talaga, nahihiya ako sa mga magulang niya. Parang may kung anong bumulong sa akin at sinabing 'wow, nahiya ka sa best friend mo pero sa hindi mo makilala ay umuo ka kaagad at doon tumira'. Oo nga, 'no? How did he manage to make me agree on his plan.
Pero ang iniisip ko ay kung paano ko sasabihin sa kanya pagbalik ang mga pinaggagawa ko sa buhay. At paniguradong magpapasalamat pa siya na pinaalis ako sa bahay namin dahil alam niya namang matagal ko na talagang gustong umalis doon.
“Wag mo na kasing ipilit, 'yon na ang desisyon ko.” he winked at me. I just shrugged at continue eating. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
Pagkatapos naming mag breakfast ay inaya niya akong mag movie marathon. He has this side? Hindi halata sa kanya, ah?
“Ikaw na ang pumili ng papanoorin natin, magluluto muna ako para may snacks tayo.” he said and kissed my forehead before leaving.
Hindi naman ako mahilig manood ng mga movies kaya hindi ko alam kung ano ang latest movie ngayon. I decided to text my friend to ask her for some recommendations. Alam ko kasing sobrang mahilig siyang manood nun.
“Hi, Eloise ko! May alam ka ba na magandang movie na pwedeng panoorin?”
Medyo matagal pa akong naghintay sa reply niya. Nasa America kasi ito at pumunta sa birthday ng Lolo niya. At alam kong mapapatay talaga ako nito kapag nalaman niyang sinuko ko na ang bataan. At paniguradong pipilitin niya akong sa kanila nalang tumira. Pero nakapag desisyon na akong hindi ako titira doon. May ganoon palang feeling, 'no? Mas hindi ka pa nahihiya sa hindi ka pa kilala. Tsaka alam ko namang hindi kami tatagal sa ganitong sitwasyon namin. Alam kong magsasawa rin sa akin si Harvey. Sa gwapo at sobrang successful nito ay alam kong maraming mga babaeng nagkakandarapa dito. Alam kong baka sa susunod na linggo o mga buwan ay aalis na ako dito. Maghahanap na rin ako ng trabaho. At baka magpatulong ako sa kanya kapag nag-apply ulit ako. Alam kong marami siyang kakilalang mga magandang hospital. Malaki naman ang natipon ko sa mga sweldo ko sa dati kong trabaho. Kasi plano ko talagang umalis na sa puder nila kapag kaya ko ng bumukod. Ipapakita ko sa kanila nà kaya kong wala sila sa buhay ko. My phone vibrated and I checked it instantly.
“365 days, beh! Sobrang ganda nun,” nagkibit-balikat ako at nagpasalamat sa kanya. Alam ko naman kasing magaling siya pumili kasi sobrang adik niya manood ng mga movies. Halos hindi na ito matulog kapag may tinatapos itong mga series. Okay, 'yon nalang ang papanoorin namin.
I decided to check on him in the kitchen. Seryoso itong nakatingin sa kanyang niluluto. He's cooking fries. At nakita ko ring may naka prepare na doong nachos. Sobrang hilig talaga nitong magluto ng kung ano-ano. I wonder bakit doctor ang kinuha niya, eh, mukhang mahilig naman siya sa pagluluto.
“Can I have some?” I asked him and pointed the nachos.
“Yeah, go ahead.” kaagad na naglaway ako sa sinabi niya. Kumuha ako ng isang doon ang sinawsaw sa mayo. Napapikit kaagad ako nang malasahan iyon. Sobrang hilig ko talaga sa kahit anong pagkain at sobrang takaw ko, mabuti nga at hindi naman ako tumataba kahit anong dami ng kinakain ko. Laking pasalamat ko nga at wala akong allergy sa kahit anong pagkain kaya malaya akong kumain ng kahit na ano. Especially kapag mga sweets ay sobrang hilig ko talaga. Siguro dahil iyon ang comfort food ko kapag nalulungkot ako. Parang gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakakain ako ng mga matatamis na pagkain.
“Ang sarap mo talagang magluto!” I exclaimed and he laughed at me. Tapos na rin siyang magluto ng fries at nilagay na niya ito sa lalagyan. Nag volunteer naman akong ako na ang magdadala ng mga pagkain sa sofa at hindi pa sana siya papayag pero pinilit ko siya kaya wala rin siyang nagawa. Nilapag ko na sa center table ang pagkain, nag desisyon din akong kumuha ng kumot sa loob ng kwarto at dagdag na mga unan. Paglabas ko ay siyang ring paglabas niya sa kusina na mga dalang isang pitcher ng juice.
“Nakapili ka na ba ng papanoorin natin?” he asked me when he sat down. Tumango ako ng mabilis at nilapag sa sofa ang dala kong kumot.
Hinanap ko na ang sinabi ni Eloise at pinindot ang play. Halos matapon ko ang hawak na fries ng una palang ay ganoon na ang lumabas. Para akong nawalan ng dugo sa mukha ko dahil sa nakita. Mapapatay ko talaga 'to si Eloise!
“A-ano. . . 'Yong friend ko ang nag recommend niyan! Hindi ko alam na ganyan pala 'yan!” hindi ko maiwasang mautal habang sinasabi 'yon. Tumawa siya nang makitang namumula na ako. Walang hiya talaga 'tong si Eloise! Sana pala chineck ko muna ang movie! Nakalimutan ko na mahilug palang manood ng ganito si Eloise. How dumb I am!
“Bakit pa tayo manonood niyan kung pwede naman tayo ang gumawa?”