Ang pangarap ko noon, ma-ahon ko sa kahirapan si Lola Anita. Makapagluto ako ng isang kilo ng liempo na adobo, ang paborito niyang ulam. Mabilihan ko siya ng mga duster na presko sa katawan at mahiga ang matanda sa malambot na kama. Ang tingin ng mga kapitbahay sa akin noon ay ilusyunada, ambisyosa! Sa bawat daan ko ay nagbubulungan sila kapag naglalakad ako. Maging suot ko na damit, napupuna nila. Kesyo maarte ako at balot na balot, ayaw mangitim. Masasabi ko na hindi gaanong maganda ang trato sa akin ng tao dati. Pero hindi sila naging hadlang para mangarap ako ng mataas. Bagkus, ginawa ko silang hamon para maging matagumpay sa buhay. Ang kasabihan na “opportunity knocks only once and it doesn't beg” ay totoo! May kanya-kanyang anyo ito. May masama, may mabuti at may palaisipan pa.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


