Araw ng lunes at tanghali pa lang, isang tambak na ng mga email ang aking ni review masakit na ang aking batok at likod, pero kailangan ko itong matapos lahat. Dahil mamayang hapon, susunduin ko na si Lola sa hospital. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na gising na ang tao na pinakamahalaga sa buhay ko. Pero natatawa ako kay Tinay, nalulungkot daw siya dahil wala na siyang hanap-buhay. Akala siguro niya pababayaan ko siya. Ang hindi niya alam, kukunin ko pa rin siyang yaya ni Lola sa bahay. Dahil gamay na niya ang pag-aalaga sa matanda, mas mainam na siya na lang ang magbantay kay Lola hanggang sa tuluyan na gumaling. Medyo mahirap lang, dahil ang expenses sa bahay ay lumaki din. Ang dati na bayarin sa kuryente at tubig ko na tatlong daan lang, dahil jumper naman ang t

