Kinabukasan, gusto ko matawa ng makita ko si Harvey at Acer na matalim ang tingin sa bawat isa. Ang aking driver na malaki ang ngisi sa kanyang labi at ang mayabang na halata sa mukha ang pagpipigil na para bang gustong manakit. “Jomelyn is mine, know your boundaries Acer.” Mayabang na pagkakasabi ni Harvey. “Paano naging sayo, Babes nga tawag sa akin. Hahaha! Hindi lahat ng babae luluhod sa harapan mo, Harvey.” Naglalaro ang ngisi sa mukha ni Acer habang nagsasalita. “Akin si Jomelyn, tandaan mo ‘yan!” Buo ang kumpyansa na pagkakasabi ni Harvey. Medyo nag-init ang ulo ko sa paraan ng pagkakasabi nito. Dahil siguro siya ang nauna sa akin, kaya ganito ito magyabang ngayon sa harapan ni Acer. “Hindi ka sigurado sa bagay na ‘yan. Wala ako dito kaya naka puntos ka, subukan mo na nandi

