"No! Bawiin mo 'yung sinabi mo, Gwen. Take it back!" Jacob said desperately. "Tama na, Jake. I have decided. I want a divorce," Hindi mababaling sabi ko. "Gwen, please. Naguguluhan ka lang! Pag-usapan natin ito nang maayos." "Tama na, Jacob! H-hindi mo lang alam pero sawang-sawa na ako sa kalalaklak ng mga tableta na nangakong mabubuntis ako! Sawang-sawa na ako sa mga paasang ob gyne na mga 'yun! Sawang-sawa na akong makarinig ng mga pang-iinsulto mula sa mga tao sa paligid natin! Sawang-sawa na akong ma-excite kapag delayed ako at ma-disappoint kapag hindi naman pala ako buntis! Jake! Hindi ka pa ba nagsasawa? Hindi ka pa ba napapagod? Hanggang kailan tayo maghihintay? Limang taon pa? Sampu? Dalawampu?! Tanggapin na natin, Jacob! Hindi na kita mabibigyan ng anak! Hindi na mabubuo ang p

