"Mabuti naman at sumama ka sa amin. Bilang asawa ni Jacob, dapat lang na matuto ka ring tumulong sa negosyo ng asawa mo," sa wikang Instik ay sinabi sa akin ni Janna. Ang pinsan ni Jacob na masasabi kong maldita. "Oo. Handa akong tumulong sa abot ng makakaya ko," seryoso kong sagot sa kanya. "Good. Tandaan mo, kailangan nating gawin ang lahat para pumirma sila sa kontrata bago matapos ang araw na ito." Umayos na siya ng upo at humarap na sa dashboard ng van mula sa paglingon sa akin. Hindi na ako sumagot doon at tahimik na lang na pinagmasdaan ang mga establisiyamentong nadaraanan ng aming sasakyan. Dumating kasi ang mga foreign investors na galing sa Saudi kahapon at humiling na ipasyal namin sila sa buong Hong Kong. Dapat ay si Jacob ang kasama nila ngunit nakalipad na papuntang Istan

