Kabanata 37 - Malapit Na NAKASILIP si Alexa sa may pader. Nakikita niya si Aslan na umiinom ng alak. Hindi pa siya makatulog dahil pinag-iisipan niya ang alok nito sa kanya. Now he had given her so much headache. His offer bothers her so much. Nagtanong siya sa kanyang kaibigan sa Maynila na si Bea, kung siya ba ay papayag. Katatapos lang nilang magkwentuhan tungkol sa lahat, at alam nun ang kanyang sitwasyon ngayon. Ang sabi nun sa kanya ay bakit daw siya nahihirapan na magdesisyon? Madali lang naman daw humindi. Bakit daw masyado siyang apektado? Bakit nga ba? Gusto raw nun makita si Aslan. Litratuhan daw niya ang lalaki. Ngayon, heto siya at nakasilip sa may pader pero napatulala na siya. Umiinom ng alak si Aslan, pulutan ay litson. Sana all pulutan lang ang litson. Her phone vi

