Kabanata 39 - Hindi na Ako Tanga SALUBONG ang mga kilay ni Aslan nang masalubong si Lorna sa may hagdan. "Si Alexa?" Tanong niya sa kasambahay, "Tulog pa ba?" Ang sakit ng ulo niya dahil sa hangover. He really hates drinking. Bakit ba naman naisipan niyang uminom dahil lang sa nanay niya? "Gising na po." "Pakisabi sabay kaming mag-almusal," aniyang bumaba na sa hagdan dahil kumikirot ang ulo niya. "E, lumayas na senyorito." Agad siyang napatigil sa paghakbang at halos maputol ang leeg niya sa agaran niyang paglingon. "Anong lumayas? Akin na ang susi ko? Hindi siya pwedeng bumalik sa Maynila!" Galit na sabi niya. "H-Hindi po, senyorito. Nagkakamali kayo. Lumayas po, as in pupunta sa bayan. Dala po iyong kotse niya." Nakahinga siya nang maluwag at daig pa niya ang mahuhulog sa hagd

