Kabanata 41 - Babawiin Kita "KAHIT ngayon, lang, Ma' ay isipin mo ang sarili mo," napapabuntong hininga na sabi ni Aslan habang pinagmamasdan ang ina niyang manaka-nakang nauubo. Nakailang punta ito sa banyo para dumura, at kahit hindi ito magsalita ay alam niyang hindi normal ang idinudura nito. "Anong sabi ng doktor sa sakit mo?" He asked with confusion. Hindi niya alam kung ito ba ay nagpapagamot man lang. At aminin man niya sa hindi, iba kapag may private na doktor na nag-aalaga sa isang pasyente na may sakit. "May gamot naman ako galing sa center. Ngayon na nandito kami sa Escobar, dito ako magpapalista para makakuha ulit ng libreng gamot." "Pero kailangan mo ng pahinga," giit ni Aslan sa ina niya, "Bakit kailangan mo pang tumulong kina Balbon? Tatlo na sila sa construction. 'Wa

