Kabanata 48 - Confused Alexa PAPABYAHE na ang mga kaibigan ni Alexa papunta sa hacienda. Hindi na sila gaanong nakapag-usap ni Bea dahil busy na ang mga iyon. Hindi pa niya nasasabi kay Aslan ang pagdating ng mga alipores niya at kailangan niyang magpaalam, bilang respeto sa totoong may-ari ng bahay. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto. Hindi niya alam kung nakaalis na si Aslan papuntang pagawaan ng mga tsokolate. "Aslan!" Napatili siya habang halos takbuhin ang indoor balcony pero agad din siyang natilihan dahil nariyan na ito, nakaangat ang mga kilay sa kanya. "I thought you left," she said and blinked. "I was about to call you. Breakfast is ready," anitong sinuri siya mula ulo hanggang paa pero bumalik ang mga mata sa dibdib niya. My gosh! Ang halay nito. Nanginit ang mga pisngi

