20

2005 Words

Kabanata 20 - Paghahanap sa Katotohanan PAGKABIHIS ni Alexa ay nagmamadali siyang bumaba para hingin ang susi ng kotse niya kay Mang Kiko. Hindi sa kanya ibinigay iyon ni Aslan, at siya naman ay parang natanga na lang sa kahahalik nun sa kanya. "Mang Kiko, nasaan po ang susi ko? Iniwan po ba ani Aslan?" Tanong niya sa mayordomo na kagagaling lamang sa labas. "Ha? Walang iniwan. Baka dala. Bakit? May pupuntahan ka ba?" "Sa kabilang bayan lang po sana. Kotse na muna niya ang gagamitin ko." Napatanga sa kanya si Kiko at parang hindi komporme sa kanya. Halata niyang ayaw siya nitong payagan lalo na at nakaalis na si Aslan. Tila siya nailang sa titig nito sa kanya dahil sa isip niya ay baka alam nitong hinalikan siya ni Aslan. Kahit na hindi iyon totoo ay para siyang tanga. "Baka magal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD