Kabanata 30 - Masungit Pero Sweet ILANG na ilang si Alexa habang kumakain sila ni Aslan. Hindi na siya ang Alexa na parang boss kung umasta, na nakataas ang mga kilay kapag si Aslan ang kaharap niya. De numero ang subo niya at parang ayaw nga niyang sumubo dahil bawat butil ng kanin na isusubo niya, sa pagod ni Aslan galing dahil ito ang magbabayad. Naiinis na siya na sobra. Gusto niyang umiyak. Bakit nagkaganun ang sitwasyon niya? Kinakapalan na niya ang mukha sa pakikiharap dito. Malay ba niya kung nagpapanggap lang ito ng balewala rito lahat, pero sa loob nito ay pinagtatawanan pala siya. Nakakahiya siya. Buong buhay niya ay para siyang pangkaskas ng yelo sa sama ng ugali rito, yun pala ay siya pa ang dapat na magsilbi rito. "Hindi ka mabubusog sa ginagawa mo," ani Aslan pero sa pag

