26

2026 Words

Kabanata 26 - Sumunod Ka PUMATAK sa papel na hawak niya ang mga luha ni Alexa. Bakit ganun? Tanong ng dalaga sa kanyang sarili. Buong buhay niya ay pinaniwala siyang isa siyang heridera, magmamana ng daang bilyong ari-arian ng kanyang mga ninuno, na napasa sa kanyang ama. Mula at sapol isip niya ay siya ang prinsesa ng Escobar. Astang senyorita siya, iyon pala, hindi pa siya ipinanganganak ay wala na siyang ni katiting na yaman. Saan iyon ginastos o saan ba iyon napunta? Gusto niyang isipin na napunta iyon sa negosyo pero nasaan? Ni isa ay wala naman siyang sinalo na kahit na ano. Baka mas mahirap pa talaga siya sa daga kung susumahin. At iniwan siya ng kanyang mga magulang na naguguluhan, walang alam at maraming tanong sa isip. Ang sakit isipin na ginawa iyon sa kanya ng mga magulang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD