Kabanata 5 - Napakataray
TUMALIKOD na si Aslan, laglag ang balikat. Maluha-luha siyang hindi makatingin sa mga kasama niya sa kwadra ng mga kabayo.
Pumikit si Marishka. Hawak niya ang anak nun na lalaki sa kanyang mga kamay.
Bakit? Bakit parati na lang namamatay ang kanyang pinaaanak? Duguan ang mga braso niya. Wala siyang pang-itaas at tumatahip pa rin ang kanyang dibdib sa ginawa niyang pag-revive sa kanyang kabayo.
Kahit na nagsisipag-kalampagan ang mga yero sa labas ay sumuong siya sa bagyo, hindi alintana ang panganib sa daan.
May mga nakikita siyang yero na lumilipad, kahoy at kung anu-ano pa pero ang Jeep Wrangler niya ay lumalaban sa lakas ng bagyo.
And now, Marishka would just die in his hands? Why? Hindi talaga siguro siya pang-beterenaryo. Baka wala iyon sa kanyang katangian.
Napatigil siua sa paghakbang nang biglang mag-ingay ang kabayo sa likod niya kaya agad siyang napapihit.
"Buhay siya!" Bulalas ni Tibor na basang-basa rin pero hindi iniinda.
Lima sila roon at lahat ng mga tauhan ay napahiyaw.
Siya ay agad na napangiti at inilapag ang batang kabayo. Nilapitan niya si Marishka at agad na inasikaso. Wala iyong heartbeat kanina kaya bumitaw na siya sa pag-revive pero mulat na ngayon ang kanyang mahal na alaga.
Naiyak siya sa kasiyahan habang ginagawa ang kanyang tungkulin bilang duktor.
"Umiyak na ang binata natin. Hindi 'yan napapaiyak ng babae, kabayo lang!" Humalakhak na sabi ni Claudio kaya nagtawanan ang mga iyon.
Napangiti rin siya at tila ba nabuhayan siya ng loob. Aslan felt so very proud of himself for the very first time. Ang laki ng epekto sa kanya ng nangyari kay Marishka.
He smiled and kissed the horse.
"Nanay ka na," aniya roon na para bang isa iyong taong pinaanak niya.
Nagpatuloy siya sa ginagawa sa kanyang alaga habang ang iba naman ay inaasikaso na ang maliit na kabayo.
"Mukhang mag-iinuman tayo nito, senyorito. Mukhang tuloy-tuloy na ulit ang pagiging beterinaryo mo dahil kay Marishka," sabi sa kanya ni Dante.
"Oo naman, Mang Dante. Ayusin lang natin ang hasyenda pagkatapos nitong bagyo, mag-iinuman tayo."
"Yan naman ang hasyendero naming tunay!" Anaman ni Tibor, "Kaya kahit na dumidelubyo ay sugod kami dahil alam naming ang amo namin ay sugod din anumang sitwasyon."
Napangiti siya.
Dito lamang siya nakaranas ng totoong pagtanggap, iyong nararamdaman niyang mahalaga siya, magaling siya at may pakinabang ang tingin sa kanya, dahil mula at sapol, ang buhay niya ay nalugmok sa kawalan niya ng tiwala sa kanyang sarili.
He never knew that his life would change forever because of Caroline.
Ang tunay niya kayang ina, kumusta na? Hindi na niya iyon pinagkaabalahan na kumustahin man lang mula nang siya at makuha ng mag-asawang Escobar.
Nangako siya kay Caroline na kanya lang ang yaman na nasalin sa kanyang pangalan. Hindi niya iyon ipamamahagi kahit na sarili niyang ina.
Ang kapal naman ng mukha niya kung gagawin niya iyon. Isa pa, bakit niya naman ibibigay sa Nanay niya ang yaman niya, di laking tuwa lang ng hayop na si Baron. Garapal pa naman ang demonyong iyon.
Gustuhin man niyang kamustahin ang ina niya, pinipigil siya ng kanyang hinanakit at galit. Pihadong magkakandarapa iyon na sambahin siya kaya kahit kailan ay hindi niya ibinandera ang sarili niya sa media. Ngayon na lamang iyon nangyari dahil sa pangarap niyang pasukin ang mundo ng pag-e-export ng tsokolate.
Gusto niyang bumida ang Lexa Chocolates sa buong mundo, tulad ng mga imported na mga tsokolate.
Lexa Chocolates will find its way to the limelight and he'll assure that.
Nakakatawang isipin na Lexa ang pangalan ng napakatamis na produkto nila pero ang taong nagmamay-ari ng pangalan na iyon ay napakapait sa kanya. That's so funny. At least man lamang sa pangarap ay matamis ang pangalan na iyon sa kanya, hindi iyong sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata ay parang gusto siyang saksakin ng punyal.
Nakapagtataka kung anong dahilan ng biglaang pag-uwi ng spoiled na iyon kaya parang nadidiskaril ngayon ang lahat.
The princess came back and he doesn't know how to deal with her stubbornness. Hindi niya alam kung dapat bang maging astang mahigpit na bodyguard pa rin siya o hayaan na niya iyon sa buhay nun, total naman ay maraming taon na silang walang pakialaman.
PAYAPA ang pakiramdam na bumati kay Alexa sa pagmulat ng kanyang mga mata.
She blinked and looked at the ceiling. A warm feeling embraced her as she sullenly remembered her childhood. Just yesterday, she was lying on the same bed, only a teen. Ngayon, siya ay bente-dos anyos na, ulila.
Tumingin siya sa isang pendulum clock na mas matanda pa sa mga itlog ni Mang Kiko. Alas otso na ng umaga. Maanong dalawin niya kaya ang musuleyo ng kanyang Mommy at Daddy.
Mukhang wala na namang bagyo. She can use any car.
Bumangon na siya saka tiningnan ang kanyang smartphone. Sinubukan niya iyong isaksak at maayos na pero nasisiguro niyang wala pa ring signal ang sim card. Baka mga ilang araw pa bago iyon bumalik.
Sa lakas ngg bagyo na tumama sa kalupaan, swerte na siguro ang isang linggo na walang kuryente. Ang mga linya ng Wifi, di niya alam.
Ni hindi nga niya alam kung may Wifi sa mansyon.
Naligo siya at agad na nagbihis. Mas pinili niya na magsuot ng maong na short at plain white t-shirt. Nagsuot siya ng medyas at tsinelas.
Mahirap ng dumikit ang mga paa niya sa mga d**o dahil may allergy siya. Mangangati ang mga yun at magkakasugat-sugat sigurado kahit na hindi naman niya kamutin.
Bumaba siya at sa may salas ay nakita niya si Kiko. Galing iyon sa labas at nakangiti kaagad sa kanya.
"Gising ka na pala, Mahang. Halika na."
"Mamaya na po, Mang Kiko. Which car can I use?" Tanong niya na medyo ikinatigil nito.
"Bakit? saan ka pupunta?"
"Sa Mommy at Daddy po. Has Aslan arrived? I will use his car," she said and it was more of a declaration than a request.
She doesn't care if Aslan gets mad. May karapatan siya sa lahat ng gamit nun dahil siya naman ang anak ng may ari.
"M-May duplicate na nakatago."
She nodded. Parang hindi lang nakatanggi si Kiko sa sinabi niya kaya napaamin na may duplicate keys.
"Wala naman po sigurong mga puno na naputol papunta sa musuleyo?"
"Wala naman pero ang mga linya ng kuryente, baka ka maabala."
"It's okay, Mang Kiko. I can manage."
"Sige, sandali at kukunin ko. Wala pa si Aslan pero tuwang-tuwa sina Tibor. Buhay ang kabayo na pinaanak ngayon ni Aslan. Baka bumalik na siya sa pagiging duktor."
She just nodded again. Naiinis siya sa mga achievements ng lalaki. Hindi talaga niya iyon maituturing na kapatid kahit kahilan. Wala sa lahi nila ang magnanakaw. Sila ang ninanakawan.
She continued going downstairs and stood in front of the door. Sariwa ang hangin na umiihip sa balat ni Alexa, hangin na galing sa mga nakabukas na bintana.
Iba talaga ang probinsya, hindi kailagan ng aircon at electric fan kapag hindi naman Summer. At kahit Summer, masarap ang hangin.
Sumilip siya sa brown na screen ng pintuan. Busy ang lahat sa paglilinis ng bakuran. Halos ang kalakihang parte nun ay parang hindi na dinaanan ng bagyo kung hindi titingnan ang mga one sided na direksyon ng mga sanga at natitirang mga dahon.
Buti pa ang mga dahon may direksyon, siya wala.
Hugot ba yun?
Natigil siya sa pagmamasid nang makita niya ang isang motorsiklo na papalapit. Posturado ang sakay nun, nakaboots at naka short din na maong.
Ang demonya!
Walang habas na itinulak ni Alexa ang screen at saka siya lumabas sa portico.
"Ma'am Donna!" Bati ni Cherrie sa babae nang tumigil iyon sa may di kalayuan.
"Si Aslan?"
"Don't call her Ma'am Donna, ate Cherrie," utos niya sa kasambahay.
Tumingin sa kanya si Donna at parang inirapan pa siya.
"Maaga ka bang kinakati kaya kahit kababagyo pa lang nandito ka na?" Prangkang tanong niya kaya napatingin sa kanya ang lahat, "are you deaf or something? I said, as long as I am here, you are not allowed to enter my territory."
"Kay Aslan ito. 'Wag kang mangarap, Alexa. Wala ang pangalan mo sa kahit na katiting na titulo nito kasi, makati ang Nanay mo at naghanap ng kakamot sa kanya kahit bata pa."
"Really?" She smiled but deep inside she was so hurt.
Nagmamadali niyang nilapitan si Cherrie at inagaw ang walis tingting nun na hawak, kasama pati na dustpan.
Walang habas niyang pinaghahampas ng walis si Donna.
"Senyorita!" Tili ng mga kasambahay pero hindi siya nagpaawat.
"Aray ko!" Tili naman ni Donna at pailag-ilag sa hampas niya.
Sinasadya niyang lakasan ang pagpalo para magkasugat-sugat ito, at kahit na idemanda siya nito ay wala siyang pakialam.
"Ikaw ang makati! Lintang gubat!" Aniya kahit na hindi naman niya alam kung may lintang gubat ba talagang tinatawag.
Kapagkuwan ay nagmamadali nitong pinaandar ang motor at pinasibad. Hinabol niya si Donna.
"Coward!" She yelled and tossed the broomstick and the dustpan.
"Isusumbong kita kay Aslan!" Ani Donna sa kanya.
"Magsumbong ka sa lelong mong panot!" Gigil na hiyaw niya at maluha luha siyang pumihit.
Naroon na si Mang Kiko, nakatanga sa kanya habang sina Cherrie ay natatawa na sobra.
"Stop calling her Ma'am Donna. She's so annoying. Kahapon pa siya nakakairita. Pag-uuntigin ko sila ni Aslan. The heck with those people ruining my day! Susumbong kita kay Aslan!" Daldal pa niya at ginaya pa ang kaartehan ni Donna, "As if I'm afraid of that scumbag!" She rolled her eyes.
"Wala lang ako nilalait mo na ako," ani Aslan sa likod niya kaya ganun na lang ang pagpihit niya.
"Oh, you're here Mister haciendero. Your mistress just ran away with her motorcycle. Ako na ang magsusumbong para sa kanya. She will tell you that I just hit her with a broomstick and a dustpan," tila proud pang sabi niya habang nakatingala rito.
Why is this man blessed with a wonderful height?
"Nakita ko."
"Good," aniya sabay ismid at talikod.
Lumapit siya kay Kiko na nasa Portico, kinuha niya ang susi.
"At saan ka pupunta, mahal na prinsesa?"
"It's none of your business," she sarcastically said.
"As long as you're here, you're bound to take orders from your elder brother."
"Ewww!" Maarteng sabi niya rito, "I am an only child. Don't exert too much effort to make yourself fit as my brother. Hindi bagay."
"Then, the gate is widely open for you to leave." Anito sa kanya at akma siyang lalagpasan pero hindi siya rito patatalo.
Tumalikod din siya at naglakad papunta sa garahe.
"Iyong kotse 'yan. Iyong puti," ani Kiko sa kanya.
"Thanks, Mang Kiko."
"Alexa," tawag sa kanya ni Aslan pero dire-diretso siya.
"I'm not fifteen anymore so manage your own life. Sundan mo si Donna at kamutin mo," irap niya at nakita niyang halos mapakagat labi ang mga kasambahay na daraanan niya.
Wala siyang sagot na narinig kaya naimbyerna siya. Kapag ganun na di siya pinapatulan ni Aslan ay parang lalo lang siyang naiirita at mas gusto niyang mag-amok ng away sa atribidang lalaki.
She looked back to check him but she was shocked to find him looking at her butt. Nakabukol ang dila nito sa isang pisngi, nakatitig sa kanya.
Hmp. Isang makamatay na irap ang ginawa niya. Anong tinitingin-tingin ni Aslan sa kanya?
Sa kanyang mahabang pagmamartsa ay narating niya ang garahe. Walang humpay ang pagbati sa kanya ng mga trabahador nila at ang ganti niya ay isang kiming ngiti lang. Pakiramdam niya ay matinding pagkapahiya pa rin ang ginawa ng kanyang ina sa kanya dahil hindi sa kanga ipinagkatiwala ang lahat.
Iyon ang rason bakit hindi siya makipaghalubilo na sobra sa mga tauhan. Pakiramdam niya ay iniisip ng lahat na siya ay mahina at itsapwera.
Alexa paused and looked at the garage with dropped jaws. Ang daming motor. Inubos na ba ni Aslan ang mga mamahaling motor sa buong mundo? Mula pa talaga noon ay motorsiklo ang hilig ng hudyo. Kaya pala ang Donna linta na iyon ay nakamotor din.
Ilan lang ang kanyang nakikitang sasakyan, isang SUV, pickup, kotse at wrangler jeep pero bawing bawi sa koleksyon ng mga kumikinang na motor.
Ang kapal talaga ni Aslan na maglustay ng perang di naman dapat para dun.