Chapter 51 - Ang panghihinayang ni Sarlee

1710 Words

"Balita ko'y may event sa school na magaganap sa beach? Bakit hindi ka sumama?" tanong ni Jam kay Margo habang naghahanda sila ng mga tinapay na ipapamigay sa mga naglalamay kay Jem. "Ang mahal ng bayad e. Saka, hindi ako makapagsasaya ngayon. Nalulungkot ako sa pagkawala ni Jem. Kung sasama rin naman ako ay magiging lutang lang ang isip ko doon kaya dito na lang ako," sagot niya. Kinuha niya ang isang tray dahil nakita niyang puno na ang nilalagyan ni Jam. Pagkakuha niya nito sa lamesa ay saka niya inabot kay Jam. "Sabagay, tama ka. Iyan din ang naiisip kong dahilan kung bakit hindi ka sumama." "Si Tiffany, for sure sasama iyon. Basta beach, hindi iyon magpapahuli kahit mag-isa siya. Hindi naman makakasama sina Clarissa at Margo dahil mga nagpapahinog pa iyon ng mga braso nila," sabi n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD