Chapter 14 - Ang lihim ni Clarissa

2740 Words

"Grabe na ang papa ni Tiffany. Madalas na siya nitong pagbuhatan ng kamay," wika ni Margo habang naglalakad na sila papunta sa bahay ni Clarissa. Nag-aya kasi ito na uminom doon, dala na rin na nalulungkot sila sa sinasapit ng buhay ngayon ng kaibigan nilang si Tiffany. Halos lahat sila ay hindi maipinta ang mukha. "Kaya nga. Kung ako iyon, baka naglayas na ako sa amin," sagot naman ni Clarissa. "Sa totoo lang, wala naman kasalanan si Tiffany sa nangyayari e. Tama naman siya, ang papa niya ang dapat na sisihin dahil ito ang nagwaldas ng kayamanan nila dahil sa pagsusugal," inis na sabi ni Jem habang nakapapayukom ang kamao. Sa isip-isip niya ay parang gusto niyang iganti si Tiffany sa ama nito. Gusto niyang bigyan ito ng isang sapak sa mukha para mawala ang galit niya. Ganoon kasi siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD