Chapter 57 - Ang lihim na pagtingin ni Nev

1213 Words

"Saan ang bahay niyo? Ihahatid na kita," sabi ni Nev nang lumabas na sila sa restaurant na iyon. Hanggang ngayon ay hindi makalakad nang maayos si Tiffany. Busong na busog kasi siya sa mga kinain nila ni Nev. Nalula pa nga siya sa presyo na binayaran nito roon. Hiyang-hiya siya dahil hindi nito inaakala na kahit hindi sila magkakilala o magka-close ay nilibre siya nito ng pagkain at nag-abala siyang gumastos ng malaki para lang sa kanya. "Sa palengke na lang ako ng Perno Town bababa. May dadaanan pa kasi ako," sagot ni Tiffany. Nahihiya kasi siya kung sa squatter area siya magpapaba.  "Sige lang, daanan mo na kung ano ang dadaanan mo doon. Ihahatid pa rin kita sa bahay ninyo," pagpupumilit nito. "Hindi na. Magtatagal kasi ako doon. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko ang isang anak m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD