Nakangiting pumasok ng gate ng bahay nila si Trinity. Napahinto siya nang bigla siyang salubungin ng mama niya. "Akin na ang susi ng kotse mo!" galit nitong sabi na kinagulat niya. "B-bakit po, ma?" tanong pa niya. "Akala ko ba' y marami kang gagawin? Mas maraming ka pang oras sa iba. Simula ngayon ay hindi mo muna puwedeng gamitin ang kotse mo kapag walang pasok. Isa pa, sa oras nang uwian niyo, uwi na agad. Wala nang lasyaw-lasyaw pa sa kung saan at matuto kang magtipid simula ngayon dahil babawasan ko na ang allowance mo." Pagkatapos sabihin iyon ni Tessa ay agad siyang tinalikuran nito. Hindi na kumibo si Trinity dahil alam niyang galit talaga ito. Sa tingin niya ay mukhang nakita siya nito kasama si Indira. Hindi na lang siya sumabay sa agos ng galit nito at baka lumala pa lalo ang

